Alex's POV
I was in the middle of breaking down when Gia entered the car.
Hindi na sya nag aksaya ng sandali bago ako yakapin. Imbes na tumahan, mas lalo pang lumakas ang iyak ko.
"Tahan na... Nandito na ako" Marahan nyang bulong sakin.
Basang-basa na ang parte ng damit nya malapit sa leeg. Makalipas ang ilang minuto, gumaan na ng konti ang pakiramdam ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap nya at pinunasan ang luha ko sabay ngiti ng malungkot sa kanya.
"G-Gia, s-salamat." Sabi ko sa kanya na may konting sinok dahil sa sobrang iyak.
Nag nod sya at nginitian ako. "Don't thank me.. It's my job to be there for you whenever you need me. I'm your bestfriend.. Nasasaktan din ako kapag nakikitang nasasaktan ka."
Hindi ako sumagot, niyakap ko sya ng mahigpit para ipakita kung gaano ko sya na appreciate.
I told her everything.. Nalungkot sya nang malaman nyang aalis ako.
Pinunasan ko ang luha nya. "Gia, i'm sorry.. Ayoko rin naman sana umalis kaso... Alam ko na ito ang makakabuti para samin.. "
Tumahan na sya sa kakaiyak tapos nag nod. "Naintindihan ko naman eh. Malungkot lang ako kasi aalis ka na.. Wala na akong makakasama sa lunch break, wala nang mag hahatid sakin.. Wala na akong bestfriend na kukulitin at aasarin."
I feel bad for leaving Gia. She's the most amazing person i've ever met. Hindi ko alam kung makakakita pa ako ng katulad nya sa America. I highly doubt that. She's so unique. Nandito sya lagi sa tabi ko. Sya lang ang kilala kong taong hindi mapanghusga at kaya akong tanggapin bilang ako.
Sinabi ko sakanya na magbabakasyon din naman ako dito.
Pumasok ako sa afternoon class ko. Dahil sa sense of humor ni Gia, gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Nabanggit nya rin sakin na maganda ang status nila ngayon ni Ms. Halston. Nasa Flirting stage na raw sila. Ngayon hindi na ako masyadong nag aalalang iwan sya dahil alam ko nandyan naman si Ms. Halston
It's already september, kaya sure ako na hindi ako makakapag christmas dito sa pilipinas. Three days nalang bago ako umalis. Naasikaso na ni Daddy at Uncle Jhonny ang mga papers at passport ko kaya ang kaylangan ko nalang ngayon gawin ay ang ipaalam ito kila mommy at.. Sa pinaka espesyal na taong dahilan kung bakit ako lalayo.
Nagluluto si Mommy Isabel ng hapunan. Naglakad ako papunta sa kanya at inalok sya ng tulong. Since hindi ako marunong mag luto, inutusan nya nalang ako mag prepare ng table.
Tahimik ang lamesa habang nag hahapunan. Kanina, pinayuhan ako ni Daddy na sabihin na sakanila ang tungkol sa nalalapit kong pag alis.
Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila. Hindi ko rin alam kung pano ito sasabihin.
Huminga muna ako ng malalim bago nag salita. "Aalis ako papunta sa America."
Natigilan silang lahat. Neither one of them know what to say so I decided to continue. "Sa 26 ang flight ko.. I'm staying there until I graduate in college"
Gulat parin sila maliban syempre sa Daddy ko. "Anthony, totoo ba ang sinabi ni Alex?" Tanong ni Mom kay Dad. Nag nod si Dad habang si mommy, nag shook ng head disappointedly.
"Mom, hiniling ko po kay daddy na wag munang sabihin sa inyo. Hindi pa po kasi ako sure that time. I'm really sorry for keeping it to both of you.."
Galit parin ng konti si Mommy. "Then you should've asked for our opinion. We're family Alex. Kahit hindi kita anak by blood, I still consider you as my own. Pakiramdam ko hindi importante sayo kung ano ang mararamdaman ko."
BINABASA MO ANG
My Hot Step Sister
DiversosNote: This is a GxG story. This story contains Mature contents so please kung homophobic kayo or kung hindi pa nakakabasa ng BS (Bed Scene) maghanap nalang ng iba. I don't want judgements. Para naman sa Bi at Lesbo dyan, Hello😊. Welcome to the fre...