Chptr 24: The Love(?) Story

10.4K 259 57
                                    


Veronica's POV

No matter how hard I tried, I can't fall asleep. Maraming tumatakbo sa isip ko at hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Sobrang nag aalala ako para sa kalagayan ni Alex. Pano kung hindi na sya magising?

Kung sinabi lang sana namin ng mas maaga kila mom at dad, edi sana hindi na nangyari ang lahat ng to. Hindi na sana sya nag-aagaw buhay ngayon!

They knew! They freaking knew all this time! Magkahalong emosyon ang naramdaman ko nang sabihin ni mommy sakin ang alam nya. Panghihinayang, saya, relief, at lungkot.

Napahagulhol ulit ako. Mas hinigpitan ko ang yakap sa unan ni Alex habang iniisip na sya ito. Sa lahat ng emosyon na nararamdaman ko ngayon, kaba ang nangingibabaw. Baka isang araw, tuluyan na syang hindi magising. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako pag nangyari yun. She's my everything, at hindi ko kakayanin kapag nawala sakin ang lahat.

Pagkatapos ng ilang oras na pagtitig sa kawalan, sumilip na rin sa wakas ang liwanang ng araw sa kurtina. Bumangon ako at naligo. Pagkatapos ko, tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. I still look like shit, puffy eyes, bags, and haggard face. It didn't surprised me though and in fact, I don't really care.

Sinuot ko ang pinaka unang jeans na nakita ko sa closet at pinartneran ng T-shirt at hoodie.

Dumaan muna ako sa McDonalds para bilhan ang mga magulang ko ng breakfast. Alam ko na wala rin silang tulog gaya ko. Pagpasok ko sa kwarto ni Alex, natutulog si Mom sa gilid ng kama ni Alex while si Dad, nakaupo lang habang nakatingin sa pader, mukhang malalim ang iniisip. Mapula din ang mga mata nya dahil sa kakaiyak.

"Dad.." I called him the second time. He looked up at me then smiled.

Binigay ko sa kanya ang dala kong breakfast. Nagpasalamat sya tapos tumayo.

"Nakatulog po ba kayo?" Umupo ako sa tabi ng upuan nya.

Nilagay nya sa table ang mga pagkain tapos bumalik ulit sa upuan. Napansin nya siguro ang expresyon ng mukha ko kaya napa ngiti sya ng malungkot saka iniling ang ulo. "Wala akong gana anak at wala rin akong tulog. Ikaw? Nakapag almusal ka na ba?"

Napa sigh ako at napa sandal sa upuan. Tiningnan ko muna si Alex bago sumagot. "Ako nga rin po eh. I can't sleep nor eat. Pakiramdam ko wala akong kayang gawin. Nahirapan nga po akong bumangon kanina. Nanghihina ang katawan ko sa tuwing maiisip ko sya." My voice cracked at the last sentence.

Inakbayan ako ni dad tapos pinasandal ang ulo ko sa dibdib nya. Doon ko lang napansin na umiiyak na pala ako. "Shh. Tahan na anak. Alam ko na sobrang sakit din para sayo ang nangyari kay Alex. I also know that deep inside, you still blame yourslef for what happened to her."

My head snapped at him in shock. He smiled at me reassuringly. "Gia told me everything. Don't worry, we have something to tell you too." He sighed heavily before speaking and then glanced at my mom's sleeping figure. "Your mom and I, we uh..." He trailed off. Mukhang nag iisip pa sya kung pano sakin sasabihin ang kwento. Humarap ulit sya sakin.

"Alam mo na magkatrabaho kami ng mommy mo ng ilang taon bago kami naging magkarelasyon diba?" Tanong nya sakin. Nag nod ako. "Madalas kaming magkwentuhan tungkol sa mga anak namin.. Kung pano kayo naapektuhan sa mga oras na nagluksa kami dahil iniwan kami ng katuwang namin sa buhay. Ilang taon kong napabayaan si Alex dahil di ko matanggap ang pagkawala ni Silvia. Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho para lang makalimutan ko ang mommy nya. Buti nalang, may kapatid akong tumulong sakin na magising sa kahibangan ko."

Tumingin sya ng diretso habang may inaalala. "As usual, naka upo ako noon sa office ko habang tinatapos ang paper works na na'assign sakin. Nagulat ako nang bigla nalang may humila ng damit ko at sinuntok ako sa mukha. Tumingala ako at tiningnan kung sino yung hinayupak. Sobrang nabigla ako at nagtaka kung bakit ginawa sakin yun ni Jhonny. Magkasalubong ang dalawang kilay nya sa sobrang galit. Tinanong ko kung bakit, bakit nya ako sinuntok."

My Hot Step SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon