Chptr 21: See you Again

9.9K 210 48
                                    


Guys, sorry kung medyo natagalan mag update si Author. Wala naman talaga akong ginawa actually. Nagpahinga lang po sa wattpad. Anyway, eto napo. Sana mag enjoy kayo.:)

Alex's POV

Understatement ang salitang nervous sa nararamdaman ko ngayon. Medyo hindi kasi naging maayos ang pag-uusap namin the last time I called at home. Sinigawan lang naman nya ako. Dama ko parin ang masasakit na salitang binitiwan nya sakin.

(Flashback)

"Hey dad! Mom!" Masayang bati ko sa kanila. Hinawakan ko ang mukha nila mula sa screen. Nakalimutan ko na ilang milya pala ang layo ko sa kanila.

Dad gave me a sad smile. "Hi Alex. I miss you so much baby."

"Anak kamusta ka na dyan?" Tanong ni mommy. Nginitian nya ako pero alam ko na pilit lang.

Meron akong kakaibang napansin sa kanila. Parang hindi na sila ganun ka close (slight literally) dahil merong konting space sa pagitan nila. Di tulad ng dati na laging nakasabit ang kamay ni Dad kay Mom. At isa pa, wala na yung saya nila sa mga mata. Bakit kaya? Is it also because of me? Oh no. Maybe I'm just thinking too much. Pagod lang siguro sila.

I decided to shrug it off. Nag usap kami ng tungkol sa kung ano-anong bagay (mostly about school) until narinig ko ang pagbukas ng pintuan doon. Napatingin si Dad sa direksyon nayon tapos ngumiti. I don't know kung fake pa ang isang yun.

"Ahh. There you are. Anak, kausapin mo ang kapatid mo. Dun na kayo ulit sa kwarto. Mag-uusap pa kami ng mommy mo."

Narinig kong tumanggi sya pero nang tanungin ni Mom kung bakit, bigla nalang nyang kinuha ang laptop.

Napasandal ako sa upuan ko habang hinihintay sya. Sa wakas, lumitaw narin ang mukha nya sa screen. Kaso mukhang galit parin sya. But she's still as beautiful as ever.

"Hey" Unang bati ko sa kanya.

Napa roll sya ng eyes. "What do you want?!" She snapped.

I gulped hard. Nakakatakot parin sya kung magalit. "Look Veronica, alam ko na galit ka parin sakin dahil sa mga nangyari pero.. Hindi ko sinasadya. Hindi natin sinasadyang pareho."

Nag salubong ang kilay nya. "Hindi sinasadya?!" Inulit nya ng pasigaw pero hindi ganun kalakas para hindi marinig ng parents namin. Napakapit ako sa desk. Masama ang pakiramdam ko dito. "You're saying that you didn't mean to go away and leave me in this mess? Are you kidding me Alex?! Wala nang natira sakin! I lost my bestfriends because of you! Hindi ka umalis para satin, umalis ka para sa sarili mo!"

"Please Veronica, calm down. Mag usap tayo ng maayos." Pakiusap ko sa kanya.

"Ano pa ba ang gusto mong pag usapan ha?!"

Tiningnan ko sya sa mga mata. Pinigilan ko ang mga luhang nagbabantang makawala. "Gusto ko lang naman na maging maayos ang lahat. Please, kahit para manlang sa mga magulang natin."

She laughed bitterly. "You want me to forgive you, for our parents? See that's the point Alex! Nag so-sorry ka hindi dahil gusto mong mag kaayos tayo! Ginagawa mo to dahil ayaw mong may malaman sila. You're not being fair!"

"Veronica, gusto ko rin na magkaayos tayo. Ginagawa ko to dahil pagod na ako sa sitwasyon natin. At ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na lumayo ako para sa ikabubuti natin! I'm falling for you! And I can't let that happen."

I felt tears sliding down my face. Gusto ko syang yakapin.

"No!" She hissed. "I'm tired of all your bullshit excuses! You wanna talk? I'll talk. I hate you! Hindi na maibabalik ang dati. I'm fucking wreck because of you. Please leave me alone."

My Hot Step SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon