Veronica's POV
Naglalakad ako mag isa sa hallway since wala na akong bestfriend. Nagalit din sakin si Trent nang malaman nya ang lahat. Tinawag nya akong walang kwentang kaibigan at pano ko raw nagawa yun kay Sky. Hindi ako nakasagot dahil totoo naman lahat. Mag da-dalawang buwan na nila akong hindi pinapansin. Ilang gabi din akong umiiyak nun sa kwarto pero sa huli, nasanay narin ako.
Thanks to Gab, hindi sya nagsasawang pasayahin ako. She's a good friend. We never really talked about relationships, but I think i'm developing feelings for her. Hindi ko lang alam kung may nararamdaman din sya para sakin. Sana lang nga.. Hindi ko kasi alam kung pano aminin. Ilang beses na kaming lumabas magkasama pero walang nangyayaring something. Hindi sexual ang ibig kong sabihin. I mean, walang holding hands, kiss.. Hug lang. Pero masaya naman ako kasama sya kahit walang ganun. Ang sarap nyang titigan.. Lalo pa pag nakangiti sya.. Yung dimples nya lumalabas. Gusto ko sanag hawakan kaso baka isipin nyang weird ako.
"Veronica!"
Napalingon ako sa likod nang may tumawag sakin. Ilang segundo din akong naghanap kung sino dahil andaming students na naglalakad. Nakita ko si Gia na papunta sa direksyon ko.
Ano naman kaya ang kaylangan nya?
She looked worried. I don't know why but i'm getting worried too.
"Gia? Bakit?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na alam na pala ni Scarlette?"
"Uh, hindi ko naman alam na may pakialam ka pala sakin. Besides, okay na ako." I gave her a sad smile.
She just shook her head. "Ver, my bestfriend got you into this mess. Dapat lang na tulungan kita. Actually.." Napakamot sya sa batok nya.
Biglang nagsalubong ang kilay ko sa galit at ang dalawang kamay ko naging kamao. "What?!" I hissed. Tungkol na naman to kay Alex!
Tinaas nya ang dalawa nyang kamay para pakalmahin ako. "Veronica, kumalma ka lang. Uhm.. Medjo nabanggit ko kasi kay.. A-Alex ang.. Tungkol d-dun.." She gulped hard. "She uh.." Lumunok ulit sya. "G-gusto ka nyang kamustahin..."
May gana pa talaga syang kamustahin ako pagkatapos nyang gawin sakin to?! She can't just broke my heart and then leave me alone in this mess and ask me if I was okay! Not to mention, through her bestfriend! She's the most wortless shit I've ever met! I f*cking hate her so much!
"Pakisabi sa bestfriend mo! Na wala syang karapatang kamustahin ako. At bakit hindi nya mismo tanungin ang ate nya? Let me answer, oh yeah! Dahil wala naman talaga syang pakialam sakin! Imbes na magdusa sa mga kasalanang nagawa nya rito, andun sya sa America! Nagpapakasaya kasama ang girlfriend nya!"
Iniwan kong nakanganga si Gia sa hallway at dumeretso na sa klase ko. Kumukulo ang dugo ko sa kapatid ko.
__________________
Pag uwi ko sa bahay humiga agad ako sa kama. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone.
Hey:). May bago akong drink na naimbento. Ipapangalan ko sana sayo kung okay lang? -(Gabriella)
Minsan nakakalimutan ko na bartender pala sya. Hindi naman kasi namin masyadong napaguusapan ang trabaho nya.
Talaga? Wow! Sure. It would be my pleasure.:>
Okay, cool! Wanna try it out? Punta ka dito sa bahay, sinusubukan ko pang gumawa ng iba. Tulungan mo ko:) -(Gabriella)
Papaalam muna ako kila mommy. TYL;)
Tumakbo ako papunta kila mommy para magpalaam. Pinayagan naman agad nila ako.
"Oh, Wait!" Pahabol ni Daddy sakin.
BINABASA MO ANG
My Hot Step Sister
RandomNote: This is a GxG story. This story contains Mature contents so please kung homophobic kayo or kung hindi pa nakakabasa ng BS (Bed Scene) maghanap nalang ng iba. I don't want judgements. Para naman sa Bi at Lesbo dyan, Hello😊. Welcome to the fre...