Veronica's POVNatatarantang tumakbo papunta sakin sina mommy at daddy.
"Veronica! Are you alright? What happened?!"
Tinignan ni dad ang paligid ng kwarto tapos nakita ang sirang laptop malapit sa may cabinet. Basag ang screen at natanggal ang ilang piraso ng keyboard.
I continued sobbing. Walang ibang laman ang puso ko kundi galit at selos. Ang sakit. Sobrang sakit isipin na may minamahal na syang iba. I hate her so much for hurting me. All this time, umiiyak ako habang sya nagpapakasaya kasama ang iba. Heck! knowing her, may nangyari na sa kanila. That thought only increased my anger.
Nag-aalala na sila mommy. "Anak, ba't ka ba talaga nagkakaganyan?" Pati sya naiiyak narin dahil sa kalagayan ko.
I shook my head. "Nothing. Just leave me alone."
"No! Kaylangan naming malaman kung bakit ka nagkakaganyan! Veronica sobrang nag aalala na kami sayo. Pano ka namin matutulungan kung ayaw mo naman samin sabihin ang problema? Please.. Tell us." My mother begged.
I can't tell them. No matter how much I wanted to, I can't. Hindi ko pwedeng sabihin na Mahal ko ang step sister ko. Hindi ko pwedeng sabihin na nagkakaganito ako dahil din sa kanya.
"I said nothing. I'll tell you when i'm ready." I said firmly.
Niyakap nila ako. "Okay. Promise mo samin yan."
Nag nod ako. Parang ayaw pa sana nilang lumabas kaso naisip siguro nilang bigyan ako ng privacy.
Nilapit ko ang tuhod ko sakin tapos sinabunutan ang sarili. Parang mababaliw na ako. Wala akong mapag kwentuhan dahil yung bestfriend ko, involve din sa kanya. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako sa problemang to. Si Alex may girlfriend na. Naka move on na sya. Eh ako? Yung puso ko parang sinagasaan ng napakalaking truck.
Hindi ko na alam ang gagawin. Pano? Pano ba ang mag move on?! Akala ko dati madali lang dahil sa tuwing maiisip ko na maghihiwalay kami ni Greg, parang wala lang. I know I can let him go. Hindi kasi ganito ka tindi ang nararamdaman ko para sa kanya.
Bigla nalang may nag pop na Idea sa utak ko. May naisip akong paraan para makalimutan sya kahit sandali lang.
Sky, may alam ka bang club na pwede puntahan?
Nag reply agad sya.
Yep, meron dito malapit samin. Why? -(Scarlette)
Punta tayo. Gusto kong uminom. Wala nang tanong-tanong!:/
Hindi ka naman umiinom eh. Fine. Punta ka dito sa bahay, 7:00. -(Scarlette)
Okay. See yah.
Pinatay ko ang phone ko tapos humiga. Sinubukan kong matulog pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko sya. Para syang multo na ayaw akong tantanan.
"Fuck you Alex! Kaya kong mabuhay nang wala ka."
______________________
Dumating ako ng mas maaga sa pinag usapan namin. Pinark ko ang sasakyan sa harap ng malaking bahay nila tapos pumasok sa loob.
"Niks? Ang aga mo yata? I said 7:00 not 5:00." Pinaupo nya ako tapos umupo din sa tabi ko. Nag sigh sya muna bago humarap sakin. "I know I said that I won't force you to tell me what's going on but honestly, you're freaking me out. I have no Idea what's happening to you. I'm your bestfriend Niks, you can always talk to me about anything."
I shut my eyes for a moment. Sasabihin ko ba? What if she hates me? Pano pag di nya na ako kausapin pagkatapos nito? She deserves to know the truth. Tama ang utak ko. Kung totoong kaibigan ako, dapat ko na sabihin sakanya kahit pa kamuhian nya ako.
BINABASA MO ANG
My Hot Step Sister
RandomNote: This is a GxG story. This story contains Mature contents so please kung homophobic kayo or kung hindi pa nakakabasa ng BS (Bed Scene) maghanap nalang ng iba. I don't want judgements. Para naman sa Bi at Lesbo dyan, Hello😊. Welcome to the fre...