Chptr 14: Forget the Pain

12.8K 297 22
                                    

Veronica's POV

Magkahalong galit, sakit at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. She's leaving.. At hindi manlang nya sinabi sakin ng mas maaga. I could've spend more time with her! Gusto kong bumalik sa oras at bawiin ang ginawa ko. Hindi na sana ako nakipag halikan kay Greg.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko. I was about to break up with him kaso hindi kinaya ng konsensya ko. I owe him a lot. Hinayaan ko syang halikan ako. Now look what i've done! Nasaktan ko si Alex... Sana mas nag effort pa ako noon para magkaayos kami. Sana hindi ako nagalit sa mga sinabi nya sakin because I deserve it. Baka nasabi nya lang yun dahil nasaktan sya. Kahit na wala syang pinapakitang emosyon sa mukha nya that time, her eyes said it all. I knew she's lying but mas inuna ko pa ang ego ko.

Pupuntahan ko na sana sya kanina kaso.. Nakita kong hawak-hawak sya ni Scarlette. Sinundan ko sila kaso umalis sila sakay ng sasakyan nya. I was so mad. Saan nya dadalhin si Alex?

Nagalit ako ng maisip ko ang mga posibleng mangyari. Kung alam ko lang sana kung saan sila pupunta. Nagsisisi na ako ngayon dahil hindi ko sila sinundan. Ayokong hawak si Alex ng iba. I want her by myself.. I made a mistake pero i'm one hundred percent sure na hindi ko na uulitin yun kung bibigyan nya ako ng chance at kung mananatili sya dito.

Parang mababaliw na ako sa kakaisip kung nasaan na sila ngayon. Buti nalang nakita ko si Gia na papasok na siguro sa last subject nya ngayong umaga.

"Gia!" Tumakbo ako papunta sa kanya. Huminto sya sa paglalakad at nilingon ako. I saw her worried face.

"Alam mo ba kung nasaan si Alex?!" sabay naming tanong sa isa't isa.

"Hindi mo sya kasama?" nagtatakang tanong nya sakin.

Nag shook ako ng head. "The last time I saw her..she was with Sky." I coudn't contain my anger. Malakas ang kutob ko na merong nangyari.

Guminhawa ang pakiramdam nya nang malaman na si Sky ang kasama ni Alex. "Yun naman pala eh. Ba't parang nag aalala ka pa?"

"Bakit hindi ako mag aalala? Baka ano na ang ginagawa nila ngayon!"

Nag smirk si Gia at nag shook ng head. "So.. Nagkakaganyan ka dahil nag aalala kang baka nag se-sex sila?"

Tiningnan ko sya ng masama. "Nag aalala ako sa kaligtasan nya at the same time, tama ka. Nag aalala akong baka may nangyari sa kanila. Ayoko na mag sisi ulit sya"

"Uh huh. Pano mo naman nalaman na magsisisi ulit sya?" Tanong nya tapos nag cross ng arms. Hindi parin nawala ang smirk nya sa mukha.

"Kasi..." Wala akong maisagot sa bestfriend ng step sister ko. Pano kung this time, hindi na talaga sya magsisi? Pano kung ma fall na talaga sya kay Scarlette? Urghh! Magsisi o hindi, ayoko parin na may mangyari sa kanila. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag nalaman ko na....

"Veronica? Nandyan ka pa ba?" Natauhan ako mula sa malalim kong iniisip dahil sa tanong ni Gia. Kinaway kaway nya ang isa nyang kamay.

I cleared my throat. "Yes.."

"Hindi mo naman kaylangan sagutin ang tanong ko. Sigurado akong tinanong mo rin yan sa sarili mo while you spaced out awhile ago. Don't even try to deny it." Nag sigh sya. "Alam mo, na iintindihan ko na ngayon ang pinagdadaanan ng bestfriend ko."

I stared at her curiously. "What do you mean?"

Biglang naging seryoso ang mukha nya. "Ayaw mo na makita syang kasama ni Scarlette pero look at you. Look what you've done. Nakipaghalikan ka kay Greg. I know he's your boyfriend but, hindi mo nalang sana inamin ang nararamdaman mo kay Alex kung di mo naman pala kayang iwan yang p*tang boyfriend mo! Unfair sa kanya yun. Oo nagpapaligaw sya kay Scarlette pero believe me, she's doing her best to avoid her without hurting her feelings. No offence, imagine how hard it is to avoid the hot, gorgeous, and popular Scarlette Collins."

My Hot Step SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon