Chptr 26: Celebrate and Apologies

15K 314 69
                                    


Alex's POV

She started crying so hard. Sa mga oras na to, kinamumuhian ko ang sarili ko dahil nasaktan ko nanaman ang taong nagmamahal sakin. Pero kaylangan ko tong gawin dahil kapag pinili ko sya, hindi ko maibibigay ang lahat ng pagmamahal na nararapat sa kanya. She deserve so much more.

"I can't let you go Alex. I'm inlove with you... Please give us a chance. I'll do anything for you baby. Ayoko ng iba! Ikaw lang ang gusto ko." Kinuha nya ang kamay ko pero inalis ko rin agad ng dahan-dahan. Mas lumakas pa ang pag iyak nya.

Bumuhos narin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hinawakan ko ang pisngi nya. "Avery, you're smart, beautiful, kind, sweet. Marami ang nagkakandarapa sayo kaya wag kang magmakaawa sakin dahil hindi ako karapat-dapat dun. Sobrang hirap din para sakin na gawin to, lalo na kapag nakikita kitang umiiyak. And please, don't ever think that I didn't love you because I do, until now."

She held my hand in her face. "If you really love me then why are you doing this? Bakit mo ako sinasaktan?" Her voice cracked.

Nahati ang puso ko sa tanong nya. "Hindi ko gustong saktan ka. I'm doing this because I can't give you all the love that you deserve."

"You can. All I need is your love Alex."

I sighed through my tears. "I love you Avery. I really do."

"But you're inlove with Veronica" she stated. Both pain and sadness can be heard from her voice.

I looked away and slowly nodded my head.

"Then I guess this is it. We're done." Umiyak sya tapos umalis palabas.

_________

"Oops, dahan-dahan lang baby." Nakahawak ang kaliwang kamay nya sa bewang ko habang ang kanan naman ay sa braso ko nakakapit para alalayan ako papasok sa loob ng bahay.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa magandang babaeng nakahawak sakin na akala mo naman mababalian na ako ng buto pag gumalaw. "Kaya ko namang mag lakad eh. Magaling na ako. Kaya nga pinalabas na ako ng hospital diba?" Mahinahon kong sabi.

Nag pout sya. "No, sabi ng doctor mag dahan-dahan ka lang daw muna sa pagkilos at wala kang ibang pwedeng gawin dito sa bahay kundi ang humiga at magpahinga."

"Ano? Edi tataba ako non!" Reklamo ko sa kanya.

Humalakhak sya. "Edi mabuti nga nang magkalaman ka ng konti. Kung payat ka dati, mas pumayat ka ngayon. Saka hindi ka naman malakas kumain eh."

Hinawakan ko sya sa bewang tapos pinaharap sakin. Ngayon ko lang nakita ang saya sa mga mata nya na nagdulot din sakin ng kasiyahan. Ngayon lang ako nakuntento ng ganito sa buong buhay ko.

Napunta ang mga titig ko sa labi nya na para bang iniimbitahan akong halikan ang mga ito. "Pano pag sinabi kong, ikaw ang gusto kong kainin?" Tanong ko habang naka smirk.

Napa smirk din sya tapos kinagat ang bandang ibaba ng labi nya. Inalis nya ang kamay nya sa bewang ko at inilipat sa leeg habang ang kanan nya naman ay hinihimas ang braso ko. Inilapit nya ang mukha nya sakin. Akala ko hahalikan nya na ako! Dinilaan nya muna ang earlobe ko bago bumulong.

"Na-ah. Di ka pwedeng mapagod" bulong nya sa tenga ko tapos bumalik sa pag-alalay sakin.

Wala akong ibang nagawa kundi mapalunok ng laway na bumara sa lalamunan ko.

Uuuurghh! Whyyyy? Gustong-gusto ko na syang angkinin! Kayako naman na siguro diba? Bakit nya pa kasi ibinulong? Yan tuloy mukhang mas lalo pa akong na excite!

"Baby naman eh! Malakas na ako! Look." Sinubukan kong maglakad mag-isa pero na out balance ako ng konti. Buti nalang na salo nya ako.

"May sinasabi ka?" Tanong nya habang pinipigilan ang pag tawa.

My Hot Step SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon