Chptr 15: This is GoodBye(2)

11.5K 274 32
                                    

Alex's POV

Nakaupo ako ngayon sa buhangin habang pinapanood si Veronica at Greg na naglalaro sa tubig. Nagtatawanan sila habang ako..

"Lex"

Hinarap ko si Gia. "Hmm?"

Alam ko na naaawa na sya sakin. Ako rin naman, awang-awa sa sarili ko. Para akong tuta na kanina pa tingin ng tingin sa butong inagaw ng mas malaking aso. Wala akong magawa dahil alam kong wala din namang maidudulot na maganda kung susubukan ko pa itong bawiin.

"You need to move on."

Natulala ako dahil sa sinabi ng bestfriend ko.

"What if I can't?" Tanong ko sa kanya and at the same time, sa sarili ko.

"Well, kaylangan mong subukan. Alex, ito ang makakabuti para sa inyo. Tignan mo sila" Tinuro nya ang mag boyfriend na nagyayakapan sa tubig. "At sila" Tinuro nya naman ngayon sila mommy at daddy na masayang nag uusap habang nag luluto ng barbeque.

Napayuko ako. Ang sakit. Sobrang sakit. "T-tama ka." Tumulo ang luha ko sa buhangin.

Hinila ako ni Gia papalapit sa kanya at niyakap. "Shh... Tahan na."

Imbes na tumahan, lalo lang akong naiyak. "A-ang s-sakit.. dito.." hinawakan ko ang dibdib ko.

"I know.. Tahan na.. Wala ka nang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Kaylangan mong maging masaya para sa kanila. Sigurado akong makakahanap ka rin ng mamahalin dun sa America. Ang ganda mo kaya!" Sinubukan akong patawanin ni Gia. Hindi naman sya nabigo.

Napa ngiti ako. Pinunasan ko ang luha ko at hinarap sya. "Talaga? Maganda ako?"

Napa roll ng eyes ang kaibigan ko pero nakangiti parin. "Alam mo naman yan eh! Gusto mo lang ulitin ko!"

"Sige na! Ulitin mo! Hindi ko narinig!"

Napa sigh si Gia. "Maganda ka."

Nag pout ako "Napipilitan ka lang yata eh. Gusto ko sincere"

Napa chuckle ang bestfriend ko. "Ikaw ang pangalawa sa pinakamagandang babaeng nakilala ko."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Sino yung first?"

Nag smirk ang katabi ko. "Sino pa? Edi si Natasha"

"Natasha? As in Ms. Halston?"

Nag nod sya.

I shook my head while smiling. Inlove na talaga ang bestfriend ko. Sana lang hindi sya ma friend zone.

"Luto na ang barbeque!" Sigaw ni Daddy tapos pinapunta kami sa table na sinet-up nila kanina.

Sa huli, naging masaya ang picnic. Thanks to my bestfriend.

Ganun parin ang ikinikilos ni Veronica. Parang walang nagyari. Tinatrato nya ako gaya ng pagtrato nya sakin dati nang hindi pa namin inamin ang nararamdaman para sa isa't isa.

Okay narin ang ganito. Atleast, hindi ako mahihirapang umalis dahil alam ko na masaya sila. Si Gia at Ms. Halston, si mommy at daddy.

Si Veronica at si Greg..

__________

"Anak.." tumabi sakin si Mommy dito sa sofa.

"Ano po yun?"

Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap. "Mamimiss kita"

Niyakap ko rin sya. "Mamimiss din po kita."

Bumitaw kami sa yakapan. "Pwede ba akong magtanong?"

Nag nod ako.

"Bakit ka ba talaga aalis?"

My Hot Step SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon