Veronica's POV(4 weeks later)
Habang nakaupo ako sa silya, may naramdaman akong tapik sa balikat. "Anak, kayo nalang muna ni Quin ang maiwan dito para magbantay kay Alex. Isasama ni Uncle Jhonny mo si Avery, bibili lang sila ng personal nilang gamit."Tumango ako bilang sagot kay mommy. Kakaalis lang ni mommy para pumasok sa trabaho nang dumating dito si Quin. May dala syang lunch para samin.
"Hi.. Hindi kapa nakakapag lunch right?" Tanong nya sakin saka nilapag sa table ang mga pagkain.
I shook my head. "Wala akong gana."
Narinig ko na nag sigh sya. "Veronica, you need to eat. Pano kung magising si Alex tapos makita ka nya na skeleton nalang? I swear that's a major turn off."
Hindi ko napigilang ngumiti dahil sa kakulitan ni Quin. "Nice try, pero wala parin akong gana."
"Kahit konti lang? Sige ka, isusumbong kita kay Alex!"
"Edi isumbong mo. Hindi naman sya magagalit." Hinarap ko si Alex tapos hinalikan sa noo.
"Alex! This stubborn woman won't eat. Aren't you going to scold her?" Seryosong seryoso ang mukha ni Quin na parang inaasahan nya talagang papagalitan ako ni Alex.
Napa yugyog ako ng ulo habang tumatawa. Napatigil lang ako nang may pumisil ng konti sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanang kamay ko na nakahawak din sa kanang kamay ni Alex.
"A-alex?!" Pinisil nya ulit ang kamay ko.
"Quin! Nakita mo ba?! Pinisil nya yung kamay ko!" Sabi ko kay Quin na mukhang di rin makapaniwala pero at the same time, sobrang saya."Alex, baby.. Naririnig mo ba ako? I love you baby. Pisilin mo ulit ang kamay ko kung naririnig mo ko. Please.."
Pero wala akong naramdamang pisil. Nag antay ako ng ilang segundo pero wala parin. Kinabahan ako ng magumpisang manginig ang buong katawan nya at ang monitor panay ang pag beep.
Hindi ko na alam ang gagawin. Nag umpisa na akong mag panic. "Doc! Doc!" Sigaw ko sa labas. "Kaylangan namin ng doktor!"
Hindi ko na napiglan ang pag iyak.
"Banana Head! You need to wake up! Please.. Whatever's happening to you right now don't let it get into you okay? You need to fight! Think about Veronica! Think about me, us, your family! We can't lose you Alex!" Mariin na sabi ni Quin kay Alex habang hinahawakan sya para hindi mahulog dahil sa sobrang panginginig ng katawan nya.
Hindi nagtagal may nagsitakbuhang doktor at nurse papasok sa loob. Bago paman nila kami tuluyang mapalabas sa kwarto, nahagilap ko ang straight line sa monitor at straight na tunog mula rito.
"Nooooo! Alex please lumaban ka! Hindi ka pwedeng umalis!" Sinubukan kong pumasok ulit sa loob pero pinigilan ako ni Quin. Hinawakan nya ang dalawa kong braso.
"Veronica.. Calm down. Magiging okay din si A-Alex.. I know that she'll be alright."
"She's dead! I saw it Quin! S-she's d-dead!" Hindi ko na makontrol ang paghibik ko.
Kahit na nasasaktan din sya, kinomfort nya parin ako. "Forget about what you saw.. She's alive, and she will be okay. Keep that in your mind mm'kay? You love her right?"
Tumango ako.
"Then you need to have faith on her. She'll get through this."
"Okay.." Pabulong kong sagot saka tinanggap ang yakap ni Quin.
Pinaupo nya muna ako habang tinatawagan sina mommy at uncle.
Sinusubukan kong maging positive pero takot na takot na ako. Hindi ko kaya.. Hindi pa sya patay! Hindi ako papayag!
BINABASA MO ANG
My Hot Step Sister
RandomNote: This is a GxG story. This story contains Mature contents so please kung homophobic kayo or kung hindi pa nakakabasa ng BS (Bed Scene) maghanap nalang ng iba. I don't want judgements. Para naman sa Bi at Lesbo dyan, Hello😊. Welcome to the fre...