Date posted: 10/10/17
Edited: 5/26/18***
Nabulabog ang mga tao sa labas ng Quiapo church, dahil sa nangyayaring habulan.
“Huy, Menggay! Bumalik ka dito!” sigaw ng isang lalaki sa hinahabol nilang babae na naka-baseball cap, jersey shorts at eat bulaga t-shirt.
Psssh! Mapagod kayo sa kakahabol sa 'kin mga ungas! Pa ’no ako mananalo dun eh, parehong mukha ni Rizal ang nasa likod at harap ng piso?! Mga tarantado! Ako pa talaga ginuyo nila. “Kung mahahabol niyo ko! Mga pakyu kayo!” Panunudyo ni Menggay sa mga ito habang tumatakbo.
Natalo kasi siya sa kara krus ng mga katoda niya sa padyak, at dahil nga nadaya siya, hindi niya binigay ang limangdaan na pusta.
Pumasok ang dalaga sa isang eskinita, para iligaw ang mga ito. Liko sa kaliwa, liko sa kanan. Walang katapusang lakad-takbo, hanggang sa may namataan siyang kotse na naka-park sa gilid, at saktong nakaawang ang pinto sa may driver’s seat.
Hayun! Swerte ka pa rin Menggay!
Sabi ng dalaga sa isipan saka dali-daling lumusot papasok sa loob ng sasakyan. At dahil abala ang may-ari ng kotse sa kausap nito sa telepono mula sa likurang bahagi, hindi nito namalayan ang mabilis na pagtalilis papasok ni Menggay sa loob, pag-uklo at pagtago nito sa backseat.
“Yes po Tita, nagsimba lang po ako salit. Pero diretso na po ako dyan pagkagaling ko po rito. Sige po, opo, salamat. See you, bye.” Narinig ni Menggay na sabi ng lalaki, pagkapasok nito ng kotse. At kasunod nun ay ang pagpihit pasara ng pinto at tunog ng makina.
Nakahinga ng maluwag si Menggay, nang maramdamang umuusad na ang sasakyan. Ngunit sa hindi inaasahan. Naglaglagang ang mga barya niya sa bulsa, sanhi upang makagawa ng ingay. Napasingap siya at napabulong, “Patay.”
Naramdaman naman ng lalaki na parang may kakaibang kaliskis itong narinig mula backseat, kaya hininto ulit nito ang kotse at dumungaw sa sa likod. Laking gulat nito nang may makitang babae na nakatago sa likod ng passenger's seat.
“What the---sino ka?! Pa 'no ka nakapasok dito?!” Bulalas ni Alden, na tanging sagot lang ni Menggay ay peace sign at ngiti niyang pang grade2.
Biglang bumangon si Menggay mula sa pagkakatago at sumilip sa labas ng bintana. “Mamaya na ho ako magpapaliwanag, Kuya, paandarin mo muna po paalis ang sasakyan. Please?”
Pagmamakaawa ni Menggay, na ikinakunot naman ng noo ng binata. “And who you think you are para utusan ako? Magnanakaw ka ano? Balak mo akong nakawan!”
Muling napauklo si Menggay nang makita sina Samson at Guliath na palinga-linga sa labas ng kotse. Nakabaluktot ang dalaga na parang sanggol sa floor ng sasakyan nang sumagot ito, “Alam mo kuya, judgemental ka! Magnanakaw agad? Hindi ba pwedeng may pinagtataguan lang?” paliwanag niya.
“Wala. Akong. Pake! Get out of my car now, kung ayaw mong ipa-pulis kita!” Ma-otoridad nitong sabi sa dalaga.
Napailing na lang si Menggay saka bumulong, “Gwapo sana, walang puso naman.”
"What? May sinasabi ka?"
"Wala ho... pasensya na sa abala."
Hindi na nag-abalang sumagot pa si Alden dito at hinayaan na lang ang dalagang buksan ang pinto sa may backseat. Pero nang tangka ng lumabas si Menggay, nahagip ng paningin niya ang dalawang katoda na ngayon ay nakasandal sa hood ng kotse. Kaya mabilis niyang kinabig ulit pasara ang pinto, at nanatili sa loob. “Ay pota, ang kulit talaga ng dalawang kurimaw na ‘to!”
Nagitla naman si Alden sa kinauupuan at pinukol siya ng kwestyunableng tingin.
“O, ba’t nandiyan ka pa?! 'Di ba sabi ko---”
Natigilan si Alden nang mapansin ang dalawang lalaking may mga maskuladong katawan na pasilip-silip sa loob ng kotse niya. At dahil tinted ito, hindi nila makikita kung may tao sa loob.
“Alam mo Kuya, kung kaya ng konsensiya mong makita akong tinatadtad ng sumpak ng dalawang yan o makita ang pang-FHM kong katawan na nakabandera sa tabloid bukas na duguan, walang saplot, hiwalay ang ulo sa katawan paandarin mo ‘tong kotse mo, NOW NA!” walang hingahan na sabi ni Menggay dito.
Napalatak na lang si Alden sa hawak na manibela tsaka ini-lock ang lahat ng pinto, kapagkuwan at mabilis na pinaharurot ang sasakyan palayo.
Fuck!
Mas gwapo pala siya kapag naiinis. Hekhek!
***
“Malayo na tayo sa naghahabol sa’yo, bumaba ka na. Masyado ka ng abala.”
“Teka lang naman---tsk! hayan, nawala na tuloy ako sa pagbibilang nitong mga barya ko.”
Napatingin si Alden sa rearview mirror, at mataman na tinititigan ang nakangusong mga labi ng dalaga, habang muling binibilang ang mga barya sa harapan. Biglang napangisi ang binata dahil sa reyalisasyong naisip. She’s cute. Maton nga lang.
“Alam kong maganda ako Kuya, pero ‘wag mo akong masyadong titigan, baka matunaw ang pang-FHM kong katawan.” Ani Maine, na ikinaiwas ng tingin ni Alden mula sa kanya. Kapagkuwan, ay tumikhim ito at nang-asar, “Saang parte ang pang-FHM diyan?”
Napaarko ang isang kilay ni Menggay. “Hindi ka lang pala judgemental, ano? Mayabang ka din.Mukha lang akong tibo sa get up ko, Kuya. Pero nunka! Baka mag laway ka kapag nakita mo ang sexy bohdie ko.”
Napailing na lang si Alden sa sagot sa kanya ng dalaga, kapagkuwan ay napangiti. Bumalik sa isipan niya ang sinabi ng matandang pulubi sa simbahan kanina, pagkatapos niyang bigyan ng isang daan pangkain.
“Utoy, huwag kang manghinayang sa kung anong nawala. Dahil may darating na mas higit pa, hayaan mong puso ang kumilatis sa kanya, hindi ang iyong mapanghusgang mga mata.”
Naputol ang malalim na pag-iisip ni Alden ng marinig niya ang pagbukas ng pinto.
“Salamat Kuya, pasensya na sa abala. Ahmn, sa’yo na ‘tong cap ko, bayad ko sa joyride. Salamat ulit.” Nakangiting paalam ng dalaga sa binata, bago nito iwanan sa upuan ang sumbrero at buksan ng tuluyan ang pinto. Bigla siyang natigilan, nang makita ang borda sa itim ng baseball cap, kasunod ng muling pagalingawngaw sa isip ang isa pang sinabi ng matanda.
“Mabilis mo siyang makikilala. Dahil sa letrang M.”
“Shit! This is crazy!”
Biglang bumaba ng sasakyan si Alden para sundan ang dalaga, pero hindi na niya ito makita. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot at panghihinayang sa puso, “Taena Den,huwag mong sabihin na naniniwala ka sa sinabi nung matanda? Coincidence lang ang lahat, yun lang yun. Kaya pumasok ka na sa loob ng kotse mo, then drive. Forget that girl, wala na siya. Tsaka ka, maniwala kapag bumalik siya.” pangngungumbinsi ni Alden sa sarili, habang bagsak ang mga balikat na muling binuksan ang pinto ng sasakyan. Pero nang papasok na siya…
“Kuya na may dimple, teka lang!!”
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Alden, nang marinig ang sigaw na yun.
Bumalik siya.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/95670706-288-k791055.jpg)
BINABASA MO ANG
The One
أدب الهواة"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."