8.

2.4K 189 29
                                    

"The best talaga ng kare-kare mo, Tetz! I'm so full. Haaay. Kinabagan yata ako." Komento ni Alden, habang nakangising nilalaro ang sariling kobyertos.

Marahan namang natawa si Veron sa sinabi nito. Simula kasi ng umalis ito sa poder niya, naging malungkutin na ang ginang at ngayon lang muling ngumiti ng ganun. Buong buhay niya, ibinuhos na lang kay Alden, simula ng masalimuot na trahedya sa buhay niya.

"Nambola ka na naman bata ka. Pero salamat talaga, 'nak, at binisita mo ako ulit dito. Muntik ko na ngang kausapin ang mga bubuli dyan sa labas sa sobrang lungkot ko dito eh. Dito ka na lang kaya ulit?" Ani Veron na puno ng emosyon ang mga mata, habang mataman na tinitignan ang binata at hawak ang kamay nito.

"Tetz, gustuhan ko man, hindi ko maiwan ang kompanya. Ngayon ngang dalawang linggo akong mawawala, nagwo-worry na ako sa pwedeng gawin ng madrasta ko do'n. Eh, ayaw mo namang sumama sa 'kin sa Maynila, dahil hindi mo rin maiwan ang strawberry farm."

Pagkatapos sabihin iyon ni Alden, namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

Kaya to lighten the mood, sumingit si Menggay at nagtanong, "May strawberry farm pala kayo, ma'am. Pwede ba mamasyal do'n?"

Natuon ang paningin ni Veron sa dalaga at kapagkuwan ay ngumiti.

"Oo, Menggay. Halos doon ko nga ibinubuhos ang lahat ng oras ko eh. Iba ang saya ko kapag nakikita ko ang naghahalong kulay pula at berde ng strawberry farm. Feeling ko mas bumabata ako. I don't feel like fifty five years old. At saka, oo naman. Sama ka sa 'kin do'n bukas." Anito.

"Talaga ho?! Sige ho, sige." Puno ng galak na sabi ng dalaga, "Pero ma'am, talaga po bang fifty five ka na? Wala po sa itsura! Mukha lang po kayong fifty four." Ani ng dalaga, sabay tawa sa sarili niyang joke. Samantalang si Alden, gusto man niyang tumawa, pinipigilan niya. Pikon kasi ang Tita Veron niya, hindi ito basta-basta mabibiro ng mga tao sa paligid niya, unless close na close mo na siya.

At dahil napansin ni Maine na siya lang ang natuwa sa sinabi niya, awkward at dahan-dahang niyang binaba ang sariling mga kamay, habang paunti-unting nilalabas ang ngiti niyang pang-grade two.

"Joke lang po yun, ma'am. Ang totoo, mas bata mo kayong tingnan sa edad n'yo." Bawi ni Menggay dito. Pero seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya.

"Talaga? Mga ilan? Galingan mo ang sagot, kundi sa ilalim ng pine trees sa labas kita patutulugin." Seryosong sabi ni Veron, pero nagsisipaan sila ni Alden ng paa sa ilalim ng mesa. She's also power tripping Menggay.

Napalagok ng tubig si Menggay dahil sa kaba. Kapagkuwan ay nauutal na sumagot. "T-thirty five po?"

"Okay," Tipid na sagot ni Veron pero kontento. "Hahaha! Mas bet ko yan! Pero 'wag mo nga akong i-'ma'am' ano? Hindi naman ako teacher. Tita Veron o Tetz na lang din. At saka dahil close na tayo, tabi ka sa akin matulog mamaya ah? Turuan mo ako ng mga bagong pick up lines mo, okay?"

Nakahinga naman ng maluwang si Menggay. Mas malakas pa yata ang toyo nito kesa sa pamangkin niya eh, susmarya! Pero ang gaan ng loob ko sa kanya, infairness. Para rin siyang si Nanay, kalog.

"Hehe! Sige ho," magalang na sagot ni Menggay at napatingin sa dako ni Alden pagkatapos.

Nagkasalubong na naman ang mga paningin nila nang hindi sinasadya.

Pero wala ng mas gagaan pa sa feeling, kapag ganyan makatingin itong si Alden. Lagkit bes! Haaay...pa-fall talaga ang hayop na 'to! Bwisit!

Well, hindi ako na nagtataka na ganun niya kabilis nakuha ang loob ni Tita. Kasi kung ako nga... mas mabilis pa sa digital camera na na-develop sa kanya.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon