Mr. Juancho Calling...
"Yes, Mr. Juancho?"
(Magandang araw po, Mrs. Ramirez. Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, nahanap ko na po siya, mam. Nahanap ko na po ang nawawala nyong anak at 'yung asawa ng dati nyo'ng kasambahay)
"Diyos ko. T-totoo na po ba ito, inspector? Talaga ba na nahanap mo na siya for real? Nahanap mo na ang anak ko? Hi..hindi ako makapaniwala, Diyos ko..salamat po. Salamat."
(Opo, Mrs. Ramirez. Ako nga din po, muntik ng sumuko. Mabuti na lang matibay 'yung huling ibedensya na nakalap ko na makapagtuturo sa tinitirhan nila. Bali po, pupuntahan na lang po namin kayo dyan kasama ang anak mo at ang kinilala niyang ama. Kung hindi po bukas eh sa makalawa.)
"Opo, Mr. Juancho. Salamat. Maraming salamat. Diyos ko."
(Wala pong anuman, Mrs. Ramirez. It's my job to help you. Sige po, tatawag na lang po ako ulit kapag matutuloy po kami bukas. Salamat. Bye.)
"Okay inspector. Salamat ulit, bye."
Sa pagtatapos ng tawag sa pagitan ni Veron at ng inupahan niyang imbestigador, bigla itong nanlumo sa kinauupuan at napayuko habang umiiyak dahil sa hindi maipaliwanag na kagalakan sa puso.
Akto namang sa gano'n na lagay siyang naabutan ni Mang Johny sa likod ng warehouse.
"O, babe, napano ka? Bakit ka umiiyak? Buntis ka na ba? Sabihin mo, handa akong panagutan ka." taranta at sunod-sunod na tanong nito, na bahagyang nagpatawa sa kanya pagkarinig ng salitang 'buntis'. Marahan niya itong hinampas sa braso.
"Anong buntis na pinagsasabi mo d'yan?! Para kang syonga. Sa SIMs lang tayo nagjurjur-an, pa'no ako mabubuntis IRL? Ewan ko sa 'yo." anya saka pinunasan ang mukha, habang malawak ang pagkakangiti.
Napakamot ng ulo si Mang Johny, "Malay mo naman." at tumawa ng pagak, "Pero ano nga, bakit ka ba kasi umiiyak? Baka akalain ni Alden, nasaktan kita, eh over protective pa naman ang isang 'yun sayo."
Hinawakan ni Veron ang dalawang kamay ng lalaking tumanggap sa buong pagkatao niya ng walang tanong o pagdududa, hinihimas niya ang mga ito habang nakatingin sa kanyang mga mata. "Babe, nahanap na si Nathalie. Nahanap na ang anak ko." mangiyak-iyak niya ulit na sabi.
Bigla siyang niyakap ni Mang Johny. Nakikisimpatya ito sa kasiyahan ng babaeng mahal.
"Salamat naman sa Diyos. Ang tagal mo 'tong hinintay, babe. Masaya ako para sa 'yo." anito.
"Oo, babe, sa wakas makukumpleto na ang pagkatao ko. Ang saya-saya ko, babe. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya, RN."
"IKR babe, I feel you. Ramdam na ramdam ko, dahil iisa lang naman ang puso natin. Ang kasiyahan mo ay kasiyahan ko na din."
Napabuntong hininga si Veron, kumalas sya sa pagkakayap nila sa isa't-isa.
"Maraming salamat sa'yo, John. Simula nang iniwan ako dito ni Alden ng mag-isa, ikaw na ang naging karamay ko sa lahat. Hindi mo ako sinukuan, hindi mo ako hinusgahan. Minahal mo ako ng totoo, sa likod ng kwento ng buhay ko. Mahal na mahal kita, babe."
Sinapo ni Mang Johnny ang mukha niya, saka masuyong hinimas ito gamit ng hinlalaki nito, "Dahil simula pa lang, alam na ng puso ko na espesyal ka, V. Mas mahal kita, higit pa sa buhay ko."
Ang wagas na pagtitinginan at pagmamahalan ng dalawa ay naselyuhan ng isang mainit at mapusok na halik na kapwa nila ninamnam at pinagsaluhan.
Habang sa kabilang banda..
May sariling namang eksena sina Alden at Maine, na naroon pa rin sa loob ng van ngayon.
"Den, gising na. Nandito na tayo sa farm." paggising ni Maine sa tulog-tulugan na si Alden na kasalukuyan pa ring nakaunan sa mga hita niya.
Umingos ito at sumagot subalit nakapikit pa rin, "Five minutes pa, please?"
"Bakit masakit pa ba? Subukan mo kayang ilabas yan? Dun sa warehouse may banyo do'n."
Di naman kasi ije-jebs 'to eh. "Hindi na naman tiyan ko ang masakit, labs. Puson." nahihiya pang sabi ni Alden saka mas lalong sinubsob ang mukha niya sa tiyan ng dalaga, sanhi para mapugto naman ang hininga nito sa pagsagi ng ilong niya doon. May namuong init sa kalooban ng dalaga dahil dun.
Napalunok si Maine, at sinubukang magsalita ng maayos, "B-bakit puson? May dino ka din?"
Oo, yung nag-uumigting kong dino. "Wala. Di mo naman ako maiintindihan eh. Nevermind na nga lang, just let me stay here for 5 more minutes pa ah?"
Eeeh.. Alden, para na akong naiihi! Ano ba?! Tukso ka e! TUKSO! Pero self, paano tumanggi? "Sige. 5 minutes lang, baka hinahanap na tayo do'n nila Tita Veron." aniya, saka tumuwid ng upo para di na dumikit ulit ang mukha ni Alden sa tiyan niya, pero ang di niya alam, nabuka na nito ang huling butones ng blouse niya.
"Yes, labs...salamat." sagot nito, na sinadyang pausliin ang dila para maabot ang peircing ng dalaga sa pusod na kanina pa niya pinanggigilan. Naramdaman naman ni Maine iyon, pero imbes na magprotesta, napapikit siya at napakagat labi dahil iba ang dating 'nun sa kanya. Nadagdagan ng kilabot yung init kanina.
"A-Alden..."
"Uhm, Meng?"
"A-anong...ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa'kin?"
Napakainosente naman ng isang 'to? Wala bang sex life 'to sa ex niya at di niya alam kung bakit? Pero...I felt there is something.."Huh? Playing... Nakakagigil kasi 'tong hikaw mo sa pusod, sorry ah? Pero pa-isang hagod pa nga?"
At agad nga nitong ginawa, napaungol na lang si Maine.
Taragis! Ba't ang sarap 'nun?! "Tss. Alden.."
She likes it. Pero I have to take it slow, baka sumabog ako dito. "Yes, labs? Titigil na po."
Bumangon na si Alden sa pagkakahiga mula sa hita niya, habang takip ang sariling...umbok.
Si Maine naman ngayon ang mariin na nakapikit, hindi maipinta ang mukha.
"Meng, sorry na. Galit ka ba? I was just amazed with your---" natigilan si Alden nang makita ang kakaibang pungay sa mga mata ng dalaga pagmulat nito. Desire ang nandun, "M-Maine..." dagdag pa niya and he is really tempted to kiss her now. Hard.
"Huwag ka ng magsalita. Humalik ka na lang!" aniya dito habang nanunudyo.
Agad niya itong kinabig paupo sa mga hita niya, "Tangina! I love to, kanina pa!"
At ang kanila ngang kanina pang pagtitimpi ay buong gigil na pinakawalan sa isang mahaba at agresibong laplapan kuyog to kuyog.
***
Wooot! May nanalo na bes! Ginalingan sa pusod.😂

BINABASA MO ANG
The One
Fiksi Penggemar"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."