Edited: 5/26/18
***
"WAAAAAAAAH!!!"
Boogsh!
"Bastos ka! Walang modo! Mamboboso! Manyak! Sana magkakuliti ka nang kasing laki mo! Aaaargh!" Inis na sigaw ng dalaga, habang takip nito ang hubad na harapang bahagi ng katawan gamit ang hawak na t-shirt. Binabato naman ng isang kamay niya ang binata ng kung ano mang bagay na mahawakan niya sa paligid. Langya! Mabuti na lang nakapag napkin at shorts na ako, at mabilis kong natakpan 'tong dyoga ko. Kundi nalintikan na!
"Hey teka lang! Sorry, sorry na! Fuck! Hindi ko sinasadya, okay?! Tumugil ka na sa pambabato! Tangina! Ba't ba kasi hindi ka nag-lock ng pinto?!" Ani Alden, habang iniilagan ang mga toiletries na binabato ng dalaga.
Hinihingal na nakatalikod pa rin si Menggay mula rito, pero natigilan na sa pambabato sa binata.
Pasalamat ka nakakabit 'tong inidoro. Kundi pati 'to nahambalos ko sa'yo. "Ang sabihin mo, bastos ka lang talaga! 'Di ka ba naturuan na kumatok muna bago pumasok?! Mukha nito! Palusot pa eh!"
Napabuga na lang ng marahas na hangin ang binata, "Hindi ko nga sinasadya---" Pero biglang natigilan ng lumambong ang mga paningin dahil sa umagos na dugo sa mata mula sa noo. "Fuck! Ba't may dugo?! Shit, ano yung huling binato mo sa akin?!" Gulat na tanong nito sa dalaga.
Napakagat labi si Menggay at nag-isip. Ano nga ba yun? Luminga-linga sa paligid at napansing wala yung....
Yung tampon!! Tili niya sa isip at nakangiwing lumingon patagilid sa binata. Naka-peace sign at pang grade 2 niyang ngiti, habang sapo pa rin ang dibdid na natatakpan ng t-shirt.
It took seconds bago makuha ni Alden kung bakit apologitic ang itsura nito, kapagkuwan ay bigla siyang napamura, "Fuck!" at masuka-suka sa pandidiri niyang nasabi, "Yuck! Bleurgh! Shit!"
Biglang tumalilis papasok sa banyo si Alden, para maghilamos. Halos naitulak pa nga niya ang dalaga pasubsob sa kaharap na pader dahil sa pagmamadali. Aray ah!
Pasimpleng lumingon ang dalaga sa naghihilamos na binata, at saka pilya itong ngumiti.
Boso pa more kasi! Yan tuloy, natapunan ka ng tampon, fresh from bunot.
Fuck! Baliw yata 'tong napili kong pangarapin.
Their thoughts, habang kanya-kanyang nakatalikod sa isa't-isa. Kinuha naman ni Menggay ang pagkakataon na naghihilamos si Alden, para maisuot ang bra at t-shirt nito. Without knowing, sa pag-angat ni Alden ng mukha mula sa pagkakayuko sa lababo, kitang-kita ng binata ang repleksyon nito sa kaharap na salamin.
Yan pala ang pang-FHM body huh? Hmm, may panlaban naman. Medyo agaw pansin lang yung birth mark sa tagiliran.
Biglang nailihis ni Alden ang tingin sa katawan ng dalaga at napapunas ng panyo sa basang mukha, nang makitang patapos ng magbihis ang dalaga. Mahirap ng mahuli, baka tuluyan nitong dukutin ang mga mata ko.
"Grab your things. At sumunod ka na lang sa kotse." Sabi ni Alden, at side eye na sinulyapan muli ang dalaga, tsaka lihim na napangisi. Bawi naman ng sexy back ang inis ko.
Kapagkuwan, walang imik itong lumabas ng banyo na ikinakunot-noo ng dalaga. Sinundan lang siya ng tingin ni Menggay, hanggang sa pareho na silang nakalabas ng banyo. Wala rin itong lingon-lingon na lumabas na ng tuluyan sa kwarto at iniwanang nakatanga ang dalaga sa loob.
"Problema 'nun? Natamaan lang ng tampon, nagtampo na? Ako nga 'tong naboso-han o?! Iba din kung tamaan ng tupak ang dimples ng bayan. Ang hot lalo ng hinayupak! Taragis!"

BINABASA MO ANG
The One
Фанфик"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."