16.

2.3K 190 48
                                    

[Maine]
------------

Natibag na ang isang linggo naming pamamalagi dito sa Baguio. Si Alden? Hayun makulit pa rin, kinukulit pa rin niya ako. Pero syempre ako kahit kinikilig sa nangyayari sa pagitan naming dalawa, kailangan ko munang basahin at tignan ang bawat anggulo bago ko sya patulan. Mahirap na. Iba ang estado ng buhay naming dalawa, nakita ko na 'to sa maraming pelikula eh. Mabuti na nga lang hindi hadlang si Tita V sa kalokohan ng anak-anakan niya. Pero hanggang saan kaya ako dadalhin ng pagpipigil 'kong 'to? Malamang sa malamang parang kabag 'to, darating ang panahon magiging utot 'to at sisingaw. 'Yun lang, sana hindi n'ya maamoy.

"Ang baho naman. Sino ba ang umutot?!" reklamo ni Tita V, pero huy hindi ako yun ah?!

Walang umiimik sa aming lahat, ako si Alden sa tabi ko at si Mang Johnny katabi ni Tita V sa passenger seat. Nasa van kami, papunta ulit sa farm.

Pagkaraan, umingos si Alden.

"Tetz, may vicks ka ba d'yan?" tanong nito, bakas sa mukha niya ang pamumutla kasabay pati tagaktak ng pawis sa noo.

"Eto. Aanhin mo? Ikaw yung umutot noh?!" pabirong sabi ni Tita Veron sa kanya. Gusto kong matawa kaso, ang sama ng itsura ng tukmol eh.

Nahihiyang tumango ito, napatakip na lang ako ng ilong, maryosep.

"Eh, kasi naman, naka ilan kang kamote sa hagaan. Sinabayan mo pa ng boiled eggs, yan tuloy. Pero pwera biro, 'nak, ang sama-sama sa totoo lang."

Hindi na namin napigilan ni Mang Johnny na matawa ng pagak, yan katakawan kasi.

"Meng, ikaw na magpahid nito sa kanya. Parang nahihirapan na e, baka mahimatay yan, naku. Ang layo na natin sa sentro."

Nagulat ako, "Luh Tetz, ba't ako?"

"Bakit naman hindi? Ikaw ang katabi, ikaw ang malapit. Saka tignan mo nga ang lagay, para ng fetus."

Tinignan ko ulit si Alden. Nakakaawa na nga siya. Bagsak ang walang gel na buhok sa noo, mapupungay na din ang mga mata tapos namimilipit sa sakit ng tiyan.

Kaya kinuha ko na lang yung vicks vaporub kay Tita V ng wala ng tanong pa.

"Higa ka dito," tinuro ko ang hita ko at inalalayan ko siyang mahiga doon. At nakuha pa niyang ngumisi sa lagay niyang yan ah?

"Salamat." anya, at saka umayos na nga ng higa. Tinanguan ko lang siya pag-angat nya ng tingin sa 'kin habang binuksan ang takip ng ointment.

"Saan ba parte masakit?" tanong ko kalaunan, at parang mawawalan ako ng hininga nang itaas nya bigla ang laylayan ng damit niya hanggang dibdib.

Jusko po, anong ginawa ko para mabiyayaan ako ng view na ganito? At...at hihimasin ko pa? Good Lord! Kagigil, bes. Kagigil!

Napalunok ako dahil sa kamanyakan na naisip ko, marahan akong tumikhim sabay naman sa pagturo niya ng parte na masakit, sa may sikmura.

"Dito, labs. Dito masakit." anya, nasanay na lang ako sa pa-labs labs nya. Minsan nakaka-awkward kasi hindi pa naman nga kami, pero in-insist niya at wala na nga akong nagawa. Hirap maging maganda bes.

Dahan-dahan kong pinahiran ang parteng itinuro niya, ang init ng balat nya. Hindi ko maiwasang mapakagat labi habang humahagod, tapos bahagya akong napapalunok. Para akong nagmamasahe ng mina-maranade na manok. Haplos pabilog sa sikmura...pababa sa may pusod, at naramdaman ko ang marahang pagliyad niya.

"Bakit? Masakit ba dito?" kako, baka kasi masakit nga. Pero bes parang iba e.

Marahan siyang umiling pagkatapos huminga ng malalim.

"T-tama na, labs. Nag-iinit na...I mean, mainit na yung vicks sa tiyan ko. Salamat." sabi niya, saka muli ng ibinaba ang suot na damit. Nakaramdam ako ng pagkainis na slight. Cheret!

Tinanguan ko ulit sya, "W-walang anuman. Maliit na bagay. Itulog mo na diretso para mawala na ng tuluyan." iba pala sa pakiramdam kapag nahipo mo na ang katawan ni kras, ano? Para akong pandesal sa pugon. Mga ganun na level, biglang uminit.

"Opo, labs." sagot ni Alden bago pumikit ng nakangiti. Ipinihit niya ang katawan patagilid paharap sa tiyan ko, bigla tuloy parang hinalukay din ang sikmura ko sa nararamdaman kong paghinga nya na tumatagos sa manipis kong blouse. Parang kinikiliti nito ang tiyan ko, di ako mapalagay.

Taragis nga naman oo?!

Ibinaling ko na lang sa front seat ang tingin ko para maiabot ulit kay Tita Veron yung vicks, "Tita eto na po." lakas loob kong sabi pero parang ako naman yata ang mahihimatay na dahil sa bilis ng kabog ng dibdib ko, dahil sa nangyayari.

Pero isang makahulugang tingin ang binato sa akin ng dalawa habang nakangisi. "M-may problema po ba?" maang-maangan kong tanong kalaunan. Ramdam ko na pansin nila ang pamumula ko, pati pawis ko sa noo parang ang lapot ma din.

"Meng, mainit ba? Naka full naman ang aircon. Saka namumula ka yata? May sakit ka din ba?" mga tanong ni Mang Johnny habang nagmamaneho, pero alam kong nanunukso lang 'to e. Echosero.

Pero since ayoko magpahalata, umiling na lang ako na may mapaklang ngisi, "Wala po. Mainit po kasi si Alden, baka nalipat sa 'kin." paliwanag ko at napatango-tango naman sila ng pilit, hindi sila kumbensido sa sagot ko.😑

Nakakainis kasi! Bakit ba kasi ang puti ng dibdib nito?😭😣

"Sige, sabi mo e. Akala kasi namin, dala ng paghimas mo." ani Tita V, likas talagang bully mga 'to. Tsk!

"Luh si Tetz! Grabe kayo sa 'kin! Ayawan na nga." untag ko, at balak na sanang alisin ang ulo ni Alden sa mga hita ko, pero bumulong ito habang nakapikit.

"Hayaan mo na sila labs, please dito lang ako. Please..." pagmamakaawa niya habang namaluktot. Puson naman yata ang nanakit nya ngayon, doon ang hawak e.

Napalatak ako, "Oo na. Sige pahinga ka lang diyan." yun na lang nasabi ko, habang hinahawi ko ang basang buhok nya ng pawis sa noo.

***

[Alden]
------------

Nawala nga ng bahagya ang sakit ng tiyan ko dahil sa tama ng vicks, pero iba naman ang naging epekto ng paghagod ni Maine sa tiyan ko. It turns me on.

Iba yung hibla ng kuryente na naramdaman ko habang nakapikit, when she caress my body from abdomen down to my turso. It's so sensual, pota!

Dahilan para may magising na hindi naman dapat at nahihimbing sana sa kinalalagyan pero hindi. Kaya bago pa man umusbong ng katakot-takot, pinatigil ko na siya. Mahirap na. Kaya ng sinabi nyang itulog ko na lang, yun na nga lang din ginawa ko para hindi niya mapansin ang na uneasy ako. Pero hindi nakatulong ang pagtagilid ko kasi ang lapit-lapit na ng mukha ko sa belly niya. Naaninag ko sa manipia niyang blouse ang peircing niya sa may pusod.

Meron pala siya nito? tanong ko habang nakikipag-usap sya kila Tita Veron. I'm tempted to lick it. Gagawin ko sana nang bigla nyang hawakan ang ulo ko para mailayo, but then nakiusap akong huwag. At saka masakit nanaman kasi, bumaba na sa may puson ko.😏😜

Pigil pa kasi. Yan tuloy.

"Oo na. Sige pahinga ka lang diyan." sabi niya habang hinahagod ulo ko. Ang sarap. Hindi ganito kalambing si Daphne noon. Hindi nya rin ginagawa sa 'kin yung ginawa ni Maine kanina sa tuwing may masakit sa akin. At lalong lalo na, walang ganitong epekto si Daphne sa akin kapag hinahawakan ako. Maliban sa sexual tension na nararamdaman ko between us, iba na rin ang nare-realize ko.

Pabaon ng pabaon na siya sa puso ko. To the point na, ayoko na siyang mawala pa.

***

Hi guys! Musta kayo? May nakamiss ba sa 'kin? Lelz. Sana naman meron ano? Huhuhaha.

Thanks for patiently waiting. Sana okay lang 'tong update ko sainyo, sorna sa sabaw mga betty.😭 Kakaahon lang po sa amacon e. And speaking of it, malapit na pong magbukas ang #Amacon4, excited much na sa aniv pasabog. Marami po silang hinanda para sainyo. Sana po suportahan nyo pa rin ako 'dun, and the rest of the entries po. Maraming salamat po in advance!

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon