"Don't break my heart like this. Binuo mo na ako."
"You're so selfish! You did it for you!"
"Kayo bang dalawa eh, mag-uusap ng matino, o babatukan ko kayo pareho?! Kaloka mga 'to! Dinaig nyo pa ang AlDub ah?!" singit ni Tita Veron sa pasaringan ng dalawa habang naghuhugas ng pinggan.
Siniko ni Maine si Alden, "ito kasi. Ang aga-aga nambubwisit."
"Ano'ng ako? Ikaw nga dyan ang hindi namamansin, yun kaya ang nakakabwisit." ani naman ng binata sa singhal nito.
"Magulo ka kasi! May pagtatapat ka pang nalalaman eh, kakakilala pa lang na 'tin. Lakas mong mang goodtime."
"Eh, sa totoo naman kasi yun, at anong goodtime? Hindi ah? I like you, I really do." pagtatama ni Alden at pag-ulit sa sinabi niya kagabi, dahilan naman sa pagkatameme ni Maine.
Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan sa dalawa, pumagitna sa mga ito ang sunod-sunod na slow clap ni Tita Veron. "O, tapos na ka'yo? Ginalingan n'yo masyado magpakilig ano?" anito na tila naiihi at nangangasim ang itsura at the same time, "pero pareho kayo'ng mga walang modo sa walang partner. Tsk! Makaalis na nga lang ng mahanap si Popoy ko."
Biglang nagkatinginan ang dalawa, at pigil na matawa sa pinagsasabi ng Tita nila.
"Sige Tetz, ingat ka. Baka ma-Popoy ka nga talaga ni Mang Johny. Iwas din sa heartbreak pag may time." pang-aalaska ni Alden sa tiyahin, sabay siko kay Maine.
Siniko din ito ni Maine pabalik bilang pagsaway rito, "naku Tita V, 'wag mong pinag-iintindi ito. Mahal ka 'nun, sweet-sweet nga eh." anya, para sa paglalayag ng #VeJhon ship.
Napangiti naman si Veron kay Maine, "IKR. Feel ko din 'yun. Nakaka-shookt (takot) pero sugal kung sugal na ganern."
"Wag kang mag-alala Tita V, nasa likod mo lang ako."
"Sama din ako. Kung nasaan ang nagmamay-ari ng puso ko, 'dun din ako." breezy lines ni Alden, sabay ngiti at tingin kay Maine.
"Inaano ba kita, Alden?" pabebeng singhal ni Maine para itago ang kilig.
"Wala pa nga. Hinihintay ko ngang anu-hin mo 'ko eh. Yung ano...mahalin din." ani Alden sabay wiggle brows.
Biglang sumingit si Veron, "makapaglakad na nga, bago pa ako maubos ng langgam dito." anito, sabay walk-out.
Pero bago pa man ito tuluyang makalabas ng kusina, may pahabol na tanong muna si Maine dito, "tita V, teka saglit! Di ba gagala tayo ngayon?"
Nilingon naman siya ni Tita Veron, "diyan ka na lang magpasama. Kayo na lang mag-mall, total nagkakamabutihan na naman kayo." huling salita nito, bago nawala sa paningin ng dalawa.
Muling siniko ni Alden si Maine, "psst! Magmo-mall tayo?" sabi niya na may double meaning.
Napabuntong hininga naman ang dalaga, "tsk. Ano pa nga ba?"
Uhm, MOMOL? marahang pagbubunyi ng loob ni Alden dahil sa narinig.
***
Kalalabas lang nila sa mall, nang biglang hinatak ni Alden si Maine patakbo papuntang Burnham Park.
"Alden ano ba?! Parang kang bata!"
Nginitian siya ni Alden, "yeah bata, I dunno actually. Yung pagka payb ko lumalabas kapag kasama kita."
"Sabihin mo, budoy ka lang talaga."
Alden laughed, "budoy, abnoy whatever. Ang alam ko, I'm happy when I'm with you." anito, habang nakangiti sa hangin. Kapagkuwan, muli siyang nilingon at nagtanong, "eh ikaw? Happy ka din?"
Tipid na ngumiti si Maine, habang nakatanaw sa mga magsyota na nagdi-date sa park.
"Sino ba nama'ng hindi sasaya, for the first time nakatuntong ako ng Baguio. At ito ang malupit, libre! Pero higit sa lahat, nakahanap ako ng pamilya sa inyo. Sa kabila ng hindi magandang pagtatagpo natin sa Quiapo, itinuring nyo akong hindi iba. At ikaw, hindi ko alam kung ano ba talaga ang intensyon mo at plano sa pinaggagawa mo, pero salamat sa pagsama sa'kin dito."
Napabuntong hininga si Alden, at bigla siyang hinapit papalapit saka niyakap. "Welcome. Salamat din sa pagdating sa buhay ko unexpectedly. Alam ko masyadong mabilis ang pangyayari, pero maniwala ka man o sa hindi everything I said is true. Daphne is out of the picture, 'wag mong isipin na ginagamit kita to forget her. Kasi hindi naman. Oo, sabihin nating minahal ko siya, pero ngayon ko na-realize na mababaw lang pala ang love na 'yun. Look, wag mo munang isipin na gusto kita okay? Let's enjoy being like this, friends...." with benefits.
"O-okay..sabi mo eh. Pero pwede namang luwagan ang yakap di ba? Ang higpit eh."
"Ay! Hahaha! Sorry..nadala ako. Nakakainggit kasi yung mag-gf/bf dun oh?" anito habang inaalis ang mga braso sa pagkakayap kay Maine, sabay nguso sa lovebirds na nasa harapan nila.
"Wag kasing kung saan-saan ang tingin, focus ka lang sa 'kin, ganoin."
Napangisi ang binata, nanunudyo na inilapit ang mukha sa kanya. "Gaano ba ka-focus ang gusto mo? Ganito ba? O mas malapit pa?" anya at mas lalong nilalapit pa ang mukha para asarin si Maine, pero imbes na maasar, iba ang dating 'nun sa dalaga.
Taragis! Yung lips. Yung eyes. Yung warm breath. Pwede mahimatay?!
Napalunok si Maine dahil sa pagnanasa na nasa isip, sunod ay tumikhim siya, "t-try mong i-ilapit pa, nang m-mabatukan kita." garalgal na banta ni Maine, she was magnetized. Nanghihina ako...help!
Huwag mo kasing pigilan. Sasaluhin naman kita eh, "try mo rin. Pero sigurado nahalikan na kita bago pa mangyari yun."
Napapikit ng mariin si Maine, hindi na nya makaya pa ang sexual tension sa pagitan nila.
"Alden..." parang naiiyak na tawag ng dalaga sa pangalan nito.
"Yes, labs?"
LABS DAW?! YOKO NA! "Easy-han mo lang. Marupok ako."
Alden smiled, "okay po." and kissed her nose tip instead. Napamulat si Maine.
Yun na yun? Bakit parang nakakainis na sa ilong n'ya ginawa?
Tinignan nya si Alden, nakangiti ito sa kanya. "Ano tara na? Libot pa tayo."
Ngumiti na lang siya pabalik, kasi parang na-awkward ako. "Sige, tara."
***

BINABASA MO ANG
The One
Fanfiction"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."