Nakataas ang isang kilay ni Julia nang mahagip ng tingin mula sa bintana ng kusina ang halikan nina Alden at Maine sa garden. Dahil likas na inggitera, napa-ismid ito habang mataas ang pagkakaarko ng isang kilay.
"Ano naman kaya ang nakita ni Alden sa babaeng malaki ang bunganga na 'to? Duh! Kitang-kita naman na mas maganda ako sa kanya!"
Maarte nitong sabi. Nakatuon pa rin sa magasintahan na naghahalikan. Marahan n'yang kinagat ang ibabang labi. Hindi dahil sa nadadala siya sa intense na laplapan ng dalawa, kundi dahil sa namumuong plano na naiisip nito bukod sa unang maitim na plano nilang mag-ama.
"Total naman, maganda ako at gwapo si Alden, ibig sabihin kaming dalawa ang bagay."
Napangiti ng nakakaloko si Julia; ang dalagang pinaglihi sa binurong mangga at sing askad ng asin sa pacific ocean ang ugali.
"And base on my naughty experiences, wala pang tumatanggi sa 'kin."
Natawa ito ng pagak, hanggang sa napunta sa maarteng halakhak.
"I can't wait to taste your luscious lips, baby..."
***
[Alden]
-------------"Babe, you okay?" Tanong ko sa girlfriend ko na ngayon ay nakasandal ang ulo sa dibdib ko. Simula kasi nang makauwi kami kanina at makita ang pamilya niya rito nag-iba na ang timpla niya. And being his boyfriend, syempre, nag-aalala ako. At the same time nako-curios why she acted differently. She's supposed to be happy dahil nandito family niya, pero sa nakikita ko ngayon parang may mali.
Kumalas siya sa pagkakayakap ko and sitted properly. And then she sighed, "Okay lang." Tipid at matamlay niyang sabi.
"Hmm... parang hindi naman. Kanina ka pa kaya parang balisa. May masakit ba sa 'yo? 'Yung ano ba?"
Pinaningkitan niya ako ng mata. Hahaha! At least iisa kami ng iniisip sa kung ano ang 'masakit' na sinasabi ko.
"Loko! Hindi. Ibig kong sabihin oo, medyo, pero keri naman." Medyo nahihiya niyang paliwanag. I know like me, she remembered what happened between us last night. Ang pula ng pisngi eh. Hays. Napakabrusko yet super fragile and innocent niyang tignan.
I hugged her, "Mabuti naman. Akala ko kasi, kaya ka biglang nagbago ng mood dahil nagsisi ka sa nangyari sa 'tin kagabi." Sabi ko and kissed her head top.
Tiningala niya ako. We met gazes, "Ginusto ko kung anuman ang nangyari at wala akong dapat pagsisihan."
Her words caress my whole being. Napangiti ako and I can't stop myself not to kiss her again. But this time mas passionate than earlier.
"EHEEEEEM, EHM, EM!"
Bigla kaming natigilan ni Meng at nahinto sa paghahalikan namin dahil sa exaggerated na tikhim na 'yon mula sa likuran namin.
It's Julia.
Napaayos kami ng upo ni Meng but my arms still wrapped around her waist. Kunot-noo ko siyang tinignan, "Yes, Julia?" matabang kong tanong dito pagkaraan. Ewan ko ba, ang bigat ng pakiramdam ko sa isang 'to.
She smiled at me, yung pinakamalapad at pinakamatamis niyang ngiti. As if naman may madadala niya ako sa mga ganyan. Wala na kayang mas gaganda pa sa ngiti nitong girlfriend ko sa mga paningin ko.
Lumapit siya sa amin ni Meng, "Sorry to interrupt your babe time ano? Pero kasi, Den, hanap ka ni mommy." sabi niya, at pinagdiinan yung salitang 'mommy' habang may pangungutyang nakatingin kay Meng. I sense na may something na hindi kaaya-kaya sa pagitan ng dalawang 'to.
BINABASA MO ANG
The One
Fanfiction"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."