11.

2.2K 193 19
                                    

"Liligawan ko siya." Ani Alden kay Veron, pero pingot lang ang nakuha niya dito, "A--aray... Tetz. Tama na... masakit."

"Kulang pa yan! Anong kabilinbilinan ko sa 'yo ah?! Huwag mong paglaruan ang puso ng isang babae dahil karma is a bitch! Digital pa. Kung gusto mong mag-move on dun sa ex mong deadly weapon ang pagkakatulis ng baba eh, 'wag mong idamay yang si Menggay. Kahit ngayon pa lang kami nagkakilala ng batang 'yan, sagap ng radar ko na mabuti at desente siyang babae. Kaya sinasabi ko sa 'yo ngayon pa lang. TU.MI.GIL ka sa kalokokan mo, take note copslock yun kasi intense."

Napakunot noo si Alden, habang hinihimas pa rin ang mapulang tenga, "Oo na ho. Hindi na. Basta itigil niyo na rin ang kaka-dota nyo. Masamang impluwensya na sa inyo eh." Aniya dito, pero deep inside natamaan sa sinabi nito.

Inirapan lang siya ni Veron, "Huwag mo ngang dinadamay ang pag-do-dota ko sa usaping 'to. Pagkatapos mo akong turuan, ngayon sesermunan mo 'ko? Saka, dami ko ng ka-tropa 'dun. Mabuti pa sila, kahit ilang bomba at pana ang ipa-ulan ko, nandiyan pa rin sila. Hindi nila ako iniiwan."

Biglang napakamot ng ulo si Alden sa hugot ni Veron, kapagkuwan napangisi at niyakap ito, "Susmaryosep! Humugot dahil sa dota si Veronica Asuncion Ramirez." Aniya, sabay tawa.

"Tawa-tawa ka pa diyan! Totoo yun ano!" pagmamaktol pa nito, kaya mas lalong hinigpitan ng binata ang yakap dito at pinupog pa ng halik. Ganyan sila, higit pa sa mag-bestfriends, mag-ina, magkapatid etchetera, etc. ang turingan nila sa isa't-isa.

"I love you, Tetz. Alam mo naman yun 'di ba? Huwag ka ng magtampo."

"Hindi naman ako nagtatampo. Alam ko namang kailangan mong gawin yun, para na din naman sa sarili mo. Ganyan talaga ang buhay. Parang pag-ibig. Kailangan mong palayain, kahit masakit. Kahit mahirap. Dahil yun ang makakabuti."

"Opo. Hindi ko na liligawan si Menggay. Mag-isa ang magmomo-move on 'di ko na idadamay si Menggay."

"Good. Pero as if naman pumayag yun na gamitin mo s'ya ano? Yun?! Malamang sa malamang, pagulungin ka lang 'nun sa session road o kaya itali ka isa sa mga pine trees, oras na malaman niyang gagawin mo s'yang rebound."

Biglang kinalas ni Alden ang pagkakayap dito at tinignan ito na tila nagtatampo, "Yan tayo eh. Nakilala mo lang si Menggay, nawala na yung bilib mo sa akin. Sa gwapo kung 'to?" aniya sabay suntok sa panga pose, "pagdududahan mo?" dagdag niya, saka kumindat at humalik sa hangin.

"Yan din tayo eh... alam kong gwapo ka, 'nak. Walang duda yun. Pero yang si Menggay, gawa yata sa alambre garter ng panty n'yan kaya di yan madadala sa mga pa ganyan mo."

Ngumisi ng confident si Alden, "Try me, Tetz. Titiklop sa 'kin ang isang yan."

"Sige, ganito. I-pusta ko pa ang posteso ko na may dyamante, luluhod ka muna sa bubog bago mo siya mapapayag na ligawan mo."

"Dare me Tetz, itaga mo dyan sa posteso mo, magiging girlfriend ko yang si Menggay bago kami umalis dito sa Baguio." Determinadong sagot ni Alden kay Veron, saka muling itinuon ang tingin sa dalaga. Malapad ang ngiti ni Maine, habang nakikipag-usap sa mga trabahador ni Veron sa farm.

Si Veron naman, hindi na kinontra pa ito. Bagkus, naki ngiti na lang din kasabay ni Alden at nakimasid na rin sa dalaga, habang taglay ang mga salitang ito sa isip.

Iba talaga ang pakiramdam ko sa 'yo Menggay. Bakit ganito?

***

"Tulungan na kita, mabigat yan." ani Alden kay Menggay, habang inaagaw mula sa kamay nito ang isang basket na puno ng strawberries.

"Ako na. Kaya ko naman, hindi naman mabigat eh."

"Huwag nang makulit. Ang liit pa naman ang mga baraso mo oh? Saka kanina ka pa nagha-harvest, malamang pagod na." Giit ng binata sa kanya, at sapilitang kinuha sa kanya ang basket.

Kinindatan muna siya nito, bago nagpatiuna rito sa paglalakad.

"May saltik talaga ang isang 'yun. Minsan mabait, minsan masungit, minsan naman parang paslit sa kulit tapos ngayon naman...parang boyfriend na sweet. Naku ka Alden. Kung ako syota mo, malalagas mga buhok-buhok ko sa 'yo." Dahil sa inis at kilig. Ani Menggay sa sarili, nang biglang natawa nang makitang natapilok si Alden.

Mabuti na lang ay matatag ang mga binti nito at hindi natumba at nagawang matilapon yung basket.

Napailing-iling si Maine bago siya nagsalita at asarin ito, "Yan kasi. Lampa naman pala!"

Binalingan siya ni Alden ng tingin, at kapagkuwan binaba ang basket na bitbit nito sa lupa saka inisang hakbang si Maine at binuhat ito.

"WAAAAH! ALDEN IBABA MO AKO! MOKONG KA! ALDEN!" sigaw at pagpupumiglas ni Maine sa balikat ni Alden na ngayo'y malapad ang pagkakangisi.

"Wag kang malikot! Ipapakita ko lang sa 'yo na hindi ako lampa. Bubuhatin kita hanggang 'dun sa bodega."

"Gago! Ibaba mo 'ko! ANUBAH?! Pag ikaw natapilok ulit at binagsak mo ako, humanda ka talaga sa 'kin!"

"Huwag kang mag-alala, hindi ko gagawin yun. I won't let you fall without a catch, Maine. Kaya huwag mong pigilan." saad ni Alden, na may double meaning.

Kahit hindi man gaanong sanay si Maine sa mga ganyan ukol sa usaping relasyon, alam niyang may patama ang binata sa mga salitang binitawan nito. Dahil minsan na niya yang narinig sa mga labi ni Henry, ang unang naging boyfriend niya. Pero pinagpalit lang siya sa iba.

Natigilan si Maine sa pagpupumiglas at hindi na kumibo. Pero ang pananahimik nito, ay siya namang ikintuwa lalo ni Alden. Mahigpit kasi ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa may parteng pwetan nito. At halos, dikit ang pisngi niya rito.

Tambok! Argh!

**

"Ano di hinihingal ka ngayon? Kalokohan mo!" singhal ni Maine sa binata pagkatapos siyang maiupo sa kawayang bangku malapit sa bodega kung saan nililinisan at binabalot ang mga bagong pitas na strawberries. Silang dalawa lang ang naroon, dahil nasa loob ng bodega si Veron at mga trabahador nito.

Huminga ng malalim si Alden, saka napalunok, "Grabe pala ang bigat mo. Kahit ang payat-payat mo." reklamo niya dito.

"Lakampake. Eh bakit, sino ba may sabing buhatin mo 'ko?! Epal ka kasi."

"Wala. Pero alam kong nagustuhan mo naman. Tahimik mo nga eh."

"Tss! In-easy-han ko lang baka kasi matapilok ka nanaman. Jusko! Ang laking lalake pero lampa."

Medyo nasagi ang ego ni Alden sa nasabi ni Maine kaya napa-tiim bagang ito. Biglang bumukas ang iritasyon sa mukha at biglang ginagad ang magkabilang pisngi nito paharap sa kanya.

"Sino'ng lampa na sinasabi mo? Bawiin mo 'yun." banta ni Alden sa kanya, habang pinipisa ang magkabilang pisngi ni Maine. Mukha na itong isda dahil sa nakausling nguso.

"Itaw."

"Ah ganun. Tikman mo ang halik ng isang lampa." Huling salita na kumawala sa mga labi ni Alden, nang bigla niyang siilin ang mga labi nito. Habang si Maine, dala ng pagkagulat ay namilog na lamang ang mga mata. At dahil sa galing humalik ng binata, napapikit na lang siya kalaunan at natagpuan ang sariling tinutugunan ang mga halik nito sa kanya.

***

A/N: So hayun na nga po mga bes. Ninamnam na yung halik.😍

Unbeta'ed.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon