Edited: 5/26/18
***
[Menggay]
---------------Nakakadalawang mangkok na ako ng sinigang at tatlong plato ng kanin. Ganito kasing rumaragasa si dino, para akong patay gutom eh. Dinadala ko sa kain ang sakit ng puson ko.
"Maine, ayos ka lang? Masakit ba ang ngipin mo?" Tanong ni Alden sa 'kin, sabayan pa ng pilyo niyang ngiti. Nakakaasar! Ang sarap na niyang sapakin. Argh!
Humigop muna ako ng sabaw, straight mula sa mangkok, bago ko siya pinatulan.
"Alam mo ikaw, gusto mo talagang asar ako sa 'yo lagi ano? Nanahimik ako dito at ang sarap-sarap ng kain ko, uumpisahan mo na naman ako." Singhal ko sa kanya.
Mas ngumisi lang ang loko, "Ang takaw mo pala, kapag meron ka." Aniya. Aba! Talagang pakialamero ampots!
"'Wag kang mag-alala. Kahit sinabi mo pa kanina na libre mo 'to, ako ang magbabayad ng kinain ko." Giit ko. Sus! Baka kasi yan ang ibig niyang sabihin kaya ang lakas mang-asar at mambasag.
"Hey, wala akong sinabi ah? Ang cute mo ngang tignan habang ganadong-ganado ka sa pagkain mo. Nakakahawa kaya." Paliwanag niya, napatingin naman ako sa nagkalat na pinagkainan namin sa mesa.
Nakarami rin pala ng kain eh. Pero kung makapag bintang sa 'kin na matakaw ako, wow! Sagad. Tsk! Very wrong.
"Halata ngang ganado ka. Masakit ba ang ngipin mo?" Balik pang-aalaska ko sa kanya. Boom! score 1:1. Wahehe!
Pero imbes na maasar ang loko, alam n'yo ba kung ano'ng ginawa ng pa-fall na 'to?! Pinanggigilan lang naman ang ilong ko: pinindot ito ng pagkalakas-lakas.
Napa-igik ako bigla, "ARAAAY!" pero mabilis ko namang naabot ang tenga niya at piningot din ito, kaparehas ng gigil niya sa ilong ko. Akala niya ha?!
"A-A..Ahhh... Aray! Shit! Tama na! Masakit!" Igik niya rin, habang inaalis nang isa niyang kamay ang kamay ko.
Pero hindi ko siya tinigilan hangga't hindi niya tuluyang inaalis ang kamay niya sa ilong ko. Matira ang matibay, ganun! Batang Quiapo kaya 'to! Walang inuurungan.
Sa wakas tinanggal niya na rin ang kamay niya sa ilong ko. Sabay kaming napahimas sa kanya-kanya naming ilong at tenga.
"Tanginang 'to! Hapdi ah?! Tsk! Sakit." Reklamo ko.
Parang namaga na nga yata. Walang konsensya ang mokong na 'to. May dugô na nga ako sa babâ, pati sa taas padudugô-in pa. Umph!
"Ang cute mo kasi," patawa-tawa niyang sabi. "Saka, patas lang uy! Ang sakit mo mamingot 'no!" naka-nguso ang loko.
Nakaka-inis! Ugh. Parang paslit! Ang cute.... sarap gawing bling-bling.
Tumikhim ako, para iwaksi ang kilig ko. Mahirap ng mahalata, baka gamitin pa niya yun pang-asar sa 'kin.
"KKB tayo, para naman hindi na madagdagan utang ko sa 'yo. Mahirap na, baka mamaya magising na lang ako wala na akong puri, dahil pinangbayad ko na sa 'yo." Diretsahan kong sabi.
Napaubo siya bigla. Ano'ng mali sa sinabi ko?
"I'm not like that, Ms. Saturay. Kung yan ang gusto ko, eh di sana kanina pa sa hospital siningil na kita habang hubad ka." Aniya at napalatak, "If that's what you want para makampante ka, fine. Akin na ang bayad mo." Pagtatapos niya ng argumento naming dalawa sabay lahad ng palad niya sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
The One
Fanfiction"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."