Posted: 11/11/17
Edited: 5/26/18***
[Menggay]
-----------------Tsk! Bakit ba kasi ang hirap hindi-an ang kagwapuhan ng isang 'to?! Ngayon ano ako? Eto nganga! Pupunta ng Baguio ni isang panty walang dala.
Taragis! side A, side B ang peg ko nito!
Napabuntong hininga na lang ako, at isinandal ang ulo sa unahang upuan, saka marahang inuntog-untog ito. "Ang tanga-tanga mo, bes."
"Nagsisisi ka, Miss?"
Narinig kong tanong niya. Ano ba sa palagay nito? natural oo! Kasalanan ng dimples nya 'to e.
Iniangat ko ang paningin ko sa rearview mirror, at nagkatinginan kami. Ayan na naman yung puso at lungs ko, nagsasapakan. Taena lang!
Umayos ako ng upo sa backseat, at umiwas ng tingin sa kanya. At saka nagtaray kunwari, para may mai-mema lang, "Ah, hindi Kuya, ang saya-saya ko nga eh! Wala pala akong dalang damit. Kakatuwa, ano?"
Marahan siyang napalatak. Na-realize mo din? O, ano na ngayon?!
"Hmm, huwag kang mag-alala. Marami naman akong dalang damit ko, mas magiging astig ka sa mga yun kasi mas maluwang." Suhestiyon niya ulit na walang kakwenta-kwenta.
Ano pati brip niya isusuot ko?! Lapastangan 'to sa kilig ko e!
"Ayoko nga isuot ang brip mo." Pasimpleng bulong ko, pero narinig ng tukmol.
"At sino namang may sabing nagbe-brip ako?"
Ay pota 'to! Ano raw?!
Napatakip ako ng tenga, kunwari ang laswa ng narinig ko.
"Ang bastos mo! Tumahimik ka na nga lang. Tinatanamin mo ng kalaswaan ang inosente kong utak."
Lakas ng tawa ng loko. Sarap krumpalin nitong islander kong tsinelas e.
"Green minded ka lang, Miss. Wala akong sinabing malaswa. Ang sabi ko hindi ako nagbe-brief dahil mas komportable ako sa boxer shorts." Paliwanag niya. Napasinghot lang ako.
"Eh, linawin mo kasi."
Mabuti hindi na niya dinugtungan yung huling sinabi ko, natahimik na rin ulit ang mundo ko. Pailing-iling na lang siya, habang parang timang na nakangiti na nagmamaneho.
Jusko, tama ba 'tong naging desisyon ko?
Tanong ko sa isip, habang nakatingin sa mabilis na takbo ng mga bagay-bagay sa labas ng bintana.
Ilang oras pa lang kaming magkasama, ni hindi ko nga alam ang pangalan niya, tapos eto.
Sumama ka sa isang stranger, Menggay! Sinuway mo na naman ang isa sa mga bilin ng Nanay mo.
Singhal ng isip ko sa akin. Ang hirap ng ganitong nakaupo lang ako at walang ginagawa e, nababaliw ako. Naiisip ko si Nanay, si Nanay...
"Hay." Kung buhay lang si Nanay, hindi sana... hindi ako pariwara ngayon.
Naputol ang malalim na pag-iisip ko, nang magsalita ulit yung dimple na tinubuan ng gwapong mukha.
"Panglima mo ng buntong hininga yan." Aniya.
Binilang niya? Wow ah! Ako nga di ko pinansin. "Lakampake."
Pagtataray ko, tsaka humiga na lang. Ayokong magtama ulit ang mga paningin namin, marupok ako.
"Sige matulog ka na lang muna, baka paggising mo wala na yang kasungitan mo."
Narinig kong sabi niya, pero hindi ko na pinansin. Pumikit na lang ako at natulog.
***
Nagising akong nanakit ang puson ko. Pabaluktot kong pinisa ang puson ko, para mabawasan ang sakit pero ganun pa rin.
a-sixteen pala ngayon, nyemas! Ba't nawala sa isip kong dadatnan ako?!
Napa-ungol ako dahil sa sakit. "AAAHRGH!"
Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan, kasunod ang nag-aalala niyang tanong. Nag-aalala?
"Huy Miss, bakit? Ayos ka lang?"
Kagat-labi akong sumagot, pero naka pikit pa rin.
"Tang...ina. Mukha ba akong okay?"
Naitawid ko pa talagang magtaray, ano? Kaasar kasi. Hindi ko na marinig nang klaro ang sunod niyang sinabi, nakatuon ang atensyon ko sa masakit kong puson at ang naramdamang pagbulwak ng mainit na something sa ano ako.
"K...kuyaaaa hospitaaaaal!" Malakas na sigaw ko, habang namimilipit sa sakit. Kasunod 'nun, ang mabilis na pag-andar ng sasakyan at maya-maya, naramdaman ko na lang ang mga braso niya sa katawan ko at pinangko ako.
"Miss, nandito na tayo sa hospital. Wag kang mag-alala, magiging okay din ang lahat. Pati ang baby mo."
Narinig kong sabi niya, pero may lungkot yung pagkakasabi ng salitang 'baby'.
Teka anong baby?! Sinong may baby?
"H-hindi ako buntis, gago.." Mahina kong sabi, pero parang hindi niya ata narinig. Ramdam ko yung bilis ng kabog ng dibdib niya. Natakot ko yata? Pero...pero ba't ganito? Natutuwa ang puso ko.
"Pangalan ng pasyente?" Narinig kong tanong ng isang babae, malamang nurse.
"Miss, gising ka? Pangalan mo raw? Hindi ka pa nagpapakilala sa 'kin eh. Hindi ko alam." Bulong niya sa'kin, halos dumadampi na ang mga labi niya sa punong tenga ko. Jeske! Kilig yata ang magiging mitsa ng buhay ko, hindi 'tong dysmenorrhea ko.
Hindi na ako nagprotesta, wala na akong lakas. Sumagot na lang ako, nang pabulong din. "Maine Saturay."
"Maine Saturay, nurse." Aniya. Nakikinig lang ako, habang nakabaluktot sa hospital bed.
"Asawa nyo po?" Ani ng nurse. Mukha ba kaming mag-asawa?!
"Ah-uhm, yes."
Napaubo ako sa narinig ko. Lakas talaga ng tupak ng lalaking 'to! Ano ba pinagsasabi nito?!
"Maine? Ayos ka lang? Parating na ang doctor, kunting tiis na lang, love.."
Napabukas ang mga mata ko sa 'love'. Kunot-noo ko syang tinignan, pero nakangisi lang ang tarantado.
"Anong nangyari sa kanya, sir?" Ani ulit ng nurse, kaya napatuon ang tingin ng mokong sa kanya. Isang kasinungalingan pa, kahit masakit ang puson ko, makakatikim ng tadyak ang isang 'to.
"Bigla kasi siyang sinakitan ng tiyan at dinugo. Kaya miss, patawag na ng mabilis ng doctor, nag-aalala na ako sa asawa ko e!" Tumingin siya sa'kin pagkatapos sabihin yung salitang asawa.
Iuunat ko sana ang paa ko para tadyakan siya kaso sumakit na naman ang puson ko, napa-ungol na lang ulit ako, at nawalan na ng ulirat pagkatapos.
***

BINABASA MO ANG
The One
Fiksyen Peminat"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."