"Tita Veron, mauna na po ako sa kwarto." paalam ni Maine kay Veron, nang sandaling makalabas na sila ng van. Nakatingin sa kanya ang binatang si Alden, pero hindi pa rin niya ito pinapansin.
"Sige. Ipagpahinga mo na yang sakit ng ulo mo. Bukas na lang tayo mamili ng gamit mo sa bayan." nag-aalala namang sagot ni Veron sa kanya, at marahang tango lamang ang sagot niya rito pabalik.
Kapagkuwan ay naglakad na paikot sa likod ng van si Veron, para kunin ang ibang mga gamit galing sa farm.
Pinukol naman niya ng tingin si Mang Johny na kasalukuyang katabi si Alden at matipid itong nginitian, "Sige po, Mang Johny."
Maluwang na din ang pagkakangiti ni Alden, handa na siyang saluhin ang ipupukol na ngiti at pansin ni Maine sa kanya.
Nagbabakasakaling nawala na ang tampo nito sa kanya at magpaalaman din. Subalit waley, umasa ang pa-fall na dimples ng bayan.
Nga-nga brad. Tampo pa rin si kras, aniya sa isip habang napapalitan ng mapaklang ngiti ang kaninang matamis sa mga labi, dahil biglang tumalikod na si Maine na wala man lang lingon sa kanya at diretsong naglakad papasok ng bahay.
Mabigat na buntong hininga na lamang ang kumawala sa bibig ni Alden, sabay kamot sa batok.
"Hindi mo kasi in-easy-han eh. Yan tuloy nainis sa 'yo." nakangising kumento ni Mang Johny sa kanya, habang tinatapik ang balikat niya.
Kunot-noo niya itong tinignan, "nakita mo Mang John?" pagkumpirma niya dito, kung nakita nga ba nito ang halikan nila ni Maine kanina.
Mas lalong nanudyo ang ngiti sa mga labi ni Mang Johny sa kanya, "oo bata. Nasampal ka pa nga eh." anito at bahagyang natawa.
Pinamulahan naman ng mukha si Alden, marahan pang hinaplos ang pisngi, "ang lakas nya manapak Mang John." napalatak siya, sabay iling-iling. "Sakit!"
Aasarin pa sana siya ni Mang Johny, nang bigla namang sumingit si Veron, "sinong nasapak?" kunot noo nitong tanong sa dalawa.
Sasagot sana si Mang Johny nang unahan siya ni Alden. Alam niya kasing magagalit sa kanya ang ina, dahil sa ginawa niya kay Maine.
"W-wala Tetz. Some y'know, boy's talk." palusot niya, pero pinaningkitan lang siya nito ng mata.
Veron hissed, sabay ikot ng mga mata, "o sya, buhatin nyo na yung mga strawberries doon sa likod, mamaya na kayo mag boy thingly na yan pagkatapos."
"Yes V.." sagot ni Mang Johny dito sabay kindat.
Pinamulahan naman ng mukha si Veron at saglit na nag-hang, "OMG! Stahp!" nekekeleg na reaksyon nito pagkatapos, sabay walk out.
Natawa naman ang dalawa.
"Mga ganyan muna kasi bata. Pakiligin mo muna ng lubos bago mo tuka-in. Saka ka na bumanat kapag ka 'yo na. Eh, ka 'yo na ba?"
Nahihiyang umiling si Alden, "di pa po eh. Balak ko pa lang ligawan. Eh kaso nga, paano? Galit."
Napalatak si Mang Johny, "ako bahala sa 'yo. May plano ako. Pero bago yun, yung utos muna ng tita mo. Baka magalit din, dalawa pa susuyuin natin."
Napangisi si Alden, "Sige po." Sana nga madala sa panunuyo.
***
Nasa terasa si Maine habang nakatunghay sa bilog na buwan, nang makarinig siya ng marahang tunog ng pagkalabit ng gitara. Iginala niya ang paningin sa paligid upang hanapin kung saan nanggagaling ang tunog.
At doon nga mula sa likod ng malaking puno ng pine tree, na nasa bakuran ng bahay lumabas sina Alden at si Mang Johny na may hawak na isang lumang gitara at kikalabit ang kwerdas nito.
"Tetz, hinaharana ka po ni Mang Johny oh?!" nakangiting tawag ni Maine kay Veron na naroon sa loob ng kwarto nila.
Napabaligwas naman ng upo mula sa kama si Veron, "ah?! Harana?" nagtatakang tanong niya pabalik sa dalaga, saka mabilis na dinaluhan nito si Maine sa terasa.
"Ayan po oh?! Eeeeeh! Kiligmats si Tetz, naks!" panunudyo ni Maine kay Veron sabay hawi kunwari ng mahabang buhok nito.
"Eeh. 'Wag ka nga. Teka, pakinggan muna natin, kakanta na yata."
Mula sa bakuran ng bahay, in-strumming na ni Mang Johny ang gitara, saliw sa kantang "Ipagpatawad Mo" ni Janno Gibbs.
Habang si Alden naman, hinuhuli ang mailap na mga mata ni Maine na ayaw tumingin sa kanya.Pero nang simula ng kumanta si Alden...
"🎤Ipagpatawad mo, aking kapangahasan
Binibini ko, sana'y maintindihan.."Parang hinaplos ng malamyos na boses nito ang puso ng dalaga. At kapagkuwan bigla-biglang nagtama ang mga mata nila.
"🎤Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa 'yo, ayaw nang lumayo..."Punong-puno ng senseridad ang pagkanta ng binata. Damang-dama nito ang bawat lyrics ng kanta. Di tuloy maiwasang mapakagat labi si Maine, dahil maging siya, gusto rin humingi ng pasensya rito.
Ang unfair mo na sa kanya self. Patawarin mo na! Pabebe ka pa e! Kinikilig ka naman. aniya sa isip habang sumasabay sa lamig ng hangin ng Baguio, ang boses ng binata.
"🎤Ipagtawad mo, ako ma'y naguguluhan."
Magkasalubong pa rin ang mga tinginan nila nang magsalita si Veron, "patawarin mo na raw." kinikilig nitong sabi, sabay kiliti sa kanya sa tagiliran.
Nagpipigil naman sa sarili si Maine, at ayaw munang makipagsabayan sa kilig ni Veron, hindi siya nagsalita. Marahan lang niyang kinagat muli ang mga labi at kapagkuwan ay ngumiti, taragis! Para akong naiihi tuloy.
"🎤'Di ka masisi na ako ay pagtakhan
'di na dapat ako pagtiwalaan.."Nginitian siya ni Alden sa pagitan ng kanyang pagkanta, nginitian ka na brad!
Bahagya namang napayoko si Maine, kahiya naman 'to?! Ano bang gagawin ko?
"🎤Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa 'yo, ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo, minahal kita agad"Sa pagbanggit ni Alden sa salitang 'mahal', malakas na dumagondong ang mga puso nila. Sabay. Parang slow mo na kumukurap ang mga mata ni Maine sa mga paningin ni Alden, sabay sa pag-ihip ng simoy ng hangin. Gayun din si Maine, sa mga mata niya, nakikita niya ang mala-slow mo na pagbuka ng mga labi ng binata.
Napasinghap siya bigla. Habang kinakanta na nina Tita Veron at Mang Johny ang chorus.
"🎤Aah, minahal kita agad
Aah, minahal kita agad
Ipagpatawad mo, oh hoh
Oh...hoh, woh..."Na para ding mga teenagers na may sariling mundo.
"🎤Minahal kita (ahh)
Kay tagal-tagal (ahh)
Sana nama'y ipagpatawad mo
Ang malabis na kabilisan ko
Ngunit ang lahat ng ito'y totoo""Maine... usap tayo?" Alden mouthed, sa pagitan ng pagkanta ng dalawa. Marahan lang na tumango si Maine, at kapagkuwan nawala na ito sa mga paningin ni Alden.
***
A/N: BITIN? Sorry na.😅 Pero kinilig naman ka 'yo, di ba, di ba? Lelz!
May short announcement lang ako guys. Since nag-release na ang AMACON ng mga writers na magsusulat for vol. 4 eh, madalang na po akong makakapag-update. Kailangan po kasi ng full force churva eklat kemerlo ko dun mga bes. Madugo 'yun, kaya kailangan ko munang mamundok at magnilay-nilay. Pero hindi ko naman ka 'yo iiwanan, dadalaw pa naman ako once in a while. Okay? Baka bukas yung Ms. Perv naman i-a-update ko. Pero for now, eto muna ah? Salamat sa pag-intindi. Huhuhahaha! Labyah all! xoxo

BINABASA MO ANG
The One
Фанфик"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."