Kanya-kanyang pwesto ang dalawang pares ng lovebirds ng Baguio, sa alas otso ng gabi. Sina Mang Johny at Tita Veron ay nasa terasa, naglalandian na parang mga high schoolers. Samantala yung dalawa nasa bakuran, naka-upo sa bermuda grass, nagpapakiramdaman.
Marahang bumuntong hininga si Menggay at niyakap ang nakatiklop na tuhod.
"Nilalamig ka na ba? Dun na lang tayo sa loob?" tanong ni Alden sa dalaga na ngayo'y nakapatong na ang noo sa tuhod.
"Bakit mo ginawa yun?" paunang salita ni Menggay, para pag usapan ang isyu.
Umayos ng upo si Alden, hinubad ang suot na jacket above his gray sweater at pinatong ito sa balikat ng dalaga. "Honestly, hindi ko din alam. I was magnetized by your inner aura, and the last thing I knew magkadikit na ang mga labi natin." marahan siyang bumuntong hininga saka tumingin rito, "pero may tanong din ako. Bakit mo ako sinampal after kissing me back non-stop."
Pinukol siya ng matalim na tingin ni Menggay, pagkatapos marinig ang 'kissing back non-stop' sa mga labi niya, "non-stop mo mukha mo! Choserong 'to! Umanggulo lang ako kasi na ngalay ulo ko." aniya, at napangiwi kalaunan dahil sumagi ulit sa isip niya yung eksena kung paano siya 'umanggulo'. Taragis naman kasi e! Bakit ba kasi ako nasarapan?! Urgh!
Napangisi si Alden, "anggulo pala ah?" anya sa tonong nanunudyo.
"Ewan ko sa 'yo." marahang untag ni Maine at tyempong tatayo na mula sa pagkakaupo at naisipang bumalik na lang sa loob kasi parang wala namang balak makipagbati ni Alden. Subalit hindi pa man, nahawakan na siya ng binata sa braso.
"Ito naman, asar ka lagi sa 'kin. Seryoso na. Sorry. Sorry kung nabastos kita." puno ng senseridad na sabi ni Alden, habang nakatingin sa dalaga.
Muling bumuntong hininga si Maine at napayuko, "sorry din, kung nasampal kita. Nabigla lang ako...saka may naalala."
"Sino boyfriend mo?" usisa ng binata dito at aminin man niya o hindi may nakapa siyang kunting kirot sa narinig.
Tumuwid ng tingin si Maine sa kawalan, "ex boyfriend kong ungas."
Napatango-tango ang binata, "kung ganun pala, ako ang dapat na magtampo dito kasi ako ang kahalikan mo tapos iba ang nasa isip mo." may inis niyang sabi.
"Seryoso? 'Wag mo kong artehan ngayon sasamain ka sa 'kin."
Alden tsked, "fine. Moving forward na tayo, okay? Forget your ex as I forget mine. Ako na muna alalahanin mo habang andito tayo, pwede ba yun?"
"Bakit ko naman gagawin yun? Ano ba kita para isipin at alalahanin ko?"
"Kaibigan...na pinagnanasahan m--aray! Hahaha!" biro ni Alden na dahilan para pitikin sya sa tenga ni Maine.
Asyumerong 'to! "Mukha mo sa pinagnanasahan! Ikaw 'tong panay ang halik pinagnanasahan ka dyan."
Eh totoo naman. Deny pa, Maine. "Nagustuhan mo naman 'di ba? 'Wag mong sabihing hindi, umanggulo ka na nga. Or..I can do it again." anya kaya nakatanggap nanaman siya ng isang suntok sa braso mula sa dalaga, "pangalawa na yun Maine. Ganyan ka ba sa kras mo? Napaka brusko."
"Kras?! Wow ah? Para sabihin ko sa 'yo mayabang mong dimples, hindi kita kras. Hindi porke't tinulungan mo akong makatakas sa dalawang ugok kong katoda sa Binondo, sumama ako dito sa 'yo sa Baguio at kahit pa tinulungan mo ako nang kasagsagan si Dino eh, ibig sabihin 'nun kras kita. Kaya magtigil ka sa pagiging asyumero mo kasi hindi yan ikinagwapo ng dimples mong ang sarap dikwatin, klaro?" mahabang punto ni Maine kay Alden, pero he find it cute.
Lahat naman sa kanya cute.
Boses sa isipan ni Alden nang sandaling mahinto sa pagsasalita si Maine, nakatitig lang siya sa dalaga at nakangisi. Pagkaraan, "eh, ano'ng tawag mo 'dun kung hindi mo 'ko kras? Na sa kabila ng limang daan mong pera na sabi mo eh nawala kahit hindi naman at pwede mong maipamasahe pabalik ng Binondo mula Bulacan eh mas pinili mong sumama sa 'kin? Na kahit nakita na kitang topless sa hospital mas pinili mo pa ring maging kaibigan ako? Na sa pangalawang halikan natin, eh naramdaman ko sa mga labi mo na kras mo din ako?"
Tanginang 'to! Isampal ba sa 'kin lahat ng kagagahan ko?! Pero teka...yung 'kras mo din ako?' Ibig bang sabihin 'nun? napakunot noo si Maine dahil sa naisip. Pero mas pinili niyang manahimik, mahirap maging asyumera.
"Look, 'wag mong isipin na pinapamukha ko sa 'yo lahat at pinapahiya kita kasi hindi, okay? Binabalikan lang natin ang eksena, nililinawan lang natin ang mga bagay-bagay. And to be honest, hindi lang naman ikaw ang nakaramdam ng pagkangarag na ganun. Sa tingin mo ba, sa kabila ng pagiging pasok kotse mo bakit I offered you to be with me dito sa Baguio? Na kahit nabato mo ako ng tampon ang bait ko pa rin sa 'yo? Na sa dinami-rami ng naging girlfriends ko never akong namili ng napkins and under garments nila? Na I find it cute sa tuwing sisinghalan mo ako o di kaya tatarayan? At bakit may slow mo sa tuwing nagtatagpo ang mga paningin natin? Na parang inihigop ang buong katauhan ko sa tuwing ngingiti ka. And worst, parang guguho ang mundo ko kapag galit ka o hindi mo ako kinakausap? At isa pa, when we kiss...bakit I imagined myself kissing you like no other woman before? Paki explain nga sa 'kin, kung hindi ako attracted sa 'yo o hindi rin kita gusto, bakit may paandar na ganito?" mahabang confessions ni Alden, pagkatapos hinawakan niya ang mga kamay ni Maine at ipihit ang katawan ng dalaga paharap sa kanya, "tumingin ka sa 'kin."
Maine did, "bakit ba? Hindi ko alam. Anong alam ko? Isang hamak na magpapadyak lang ako sa Binondo. Anong alam ko sa pinagsasabi mo. Masyado pang maaga para sa mga ganyan, Alden. Naguguluhan ka lang at saka baka depensa mo din yan para makalimot ka sa ex mo, na baka ginagamit mo lang ako. Bukas na natin pag usapan, Alden. Matulog na tayo. Mauuna na ako sa loob." pag-iwas ni Maine sa biglaang pagtatapat ni Alden kasunod ang mabilis na pagtayo nito at paglalakad palayo. Pero bago pa man na makapasok si Maine sa pinto, muli nyang narinig ang boses ni Alden.
"Hindi ako nagbibiro Maine, gusto na kita."
***
Ay!😍
Unbeta'ed.
![](https://img.wattpad.com/cover/95670706-288-k791055.jpg)
BINABASA MO ANG
The One
Fanfiction"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."