"Tetz, ayos ka lang? Bakit parang namumutla ka?" tanong ni Alden sa Tita Veron niya, dahil halata ng binata na kinakabahan ito sa inaasahang bisita.
But knowing her na matapang, syempre igigiit nito ang tunay na nararamdaman at dadaanin na lang sa biro ang lahat, "A-ayos lang ako, ano ka ba? Saka, anong namumutla ka dyan? Likas lang akong mestisa na kulang sa bilad ng araw kaya namumutla."
"Sigurado ka ah? Baka mamaya---"
"---Hay naku, kaya ko sarili ko. Humayo na kayo sa lakad nyong mag-jowa. Andyan naman si John, siya lang sapat na." Pagtataboy ni Veron sa nag-aalalang si Alden. Bagama't totoong kinakabahan s'ya sa mangyayari, pilit n'ya lang ikinakalma ang sarili.
Dalawang dekada niyang hindi nakikita ang nawawalang anak, at minsan na siyang nawalan ng pag-asa sa posibilidad na buhay pa nga ito, kaya hindi niya ma-i-aalis sa sarili na hindi kabahan. At ang totoo, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya oras na magkaharap na sila. Pero hindi niya ito ipinahalata kay Alden, gusto niya munang masiguro na totoong kikitain n'ya ay ang tunay na niyang anak, bago nito ipakilala ng tuluyan sa kanya.
"Grabe siya sa 'kin. Dumating lang si Mang Johny sa buhay mo, etsepwera na kagwapuhan ko sa 'yo. Nakakatampo ka, tetz."
"Wag mo akong dramahan d'yan dahil quits lang tayo. Ganyan ka rin simula ng dumating kayo dito ni Menggay. Nawalan na ako ng anak."
Niyakap ni Alden si Veron ng buong higpit saka naglambing, "Luh! Hindi totoo 'yun ah?! Love na love kaya kita. Kahit na... kahit na, makikita mo na ulit 'yung tunay mong anak."
Kumalas sa pagkakayakap nito si Veron, saka hinarap siya.
"Hindi pa naman tayo sigurado na siya nga. Pero sana, siya na nga talaga. Pero kahit naman makita at makasama ko na ulit si Nathalie ko, ikaw pa rin ang pinakagwapong panganay ko."
Napangiti si Alden, "Talaga ba? Hindi si Mang Johny?"
"Oo, matahimik ka lang at huwag makulit."
"Grabe ka talaga sa 'kin, Tetz! Pero sige, okay na sakin 'yun. Love you po." ani ng binata at muli itong niyakap, saka hinagkan sa pisngi.
Mas lalong tumibay naman ang loob ni Veron, dahil sa pinaparamdam na pagmamahal sa kanya ng binata. At iniisip nito, na kung sakali mang hindi ang totoong Nathalie ko ang makakaharap ko ngayon, hindi na siguro ganun kasakit. I've been into this sa loob ng dalawang dekada. Marami na ang nagpanggap na sila si Nathalie, pero sa awa ng Diyos agad ko namang nadiskubre ang pagbalatlayo nila. At kung fail pa din ang isang 'to, ipapasa-Diyos ko na lang ulit ang lahat.
"Love you too. Pero tama na ang pagka-clingy natin ah? Panigurado salubong na ang kilay ng syota mo 'dun sa labas."
"Tetz, hindi pa niya ako sinasagot. Sa MOMOL pa lang siya nagre-response."
Pagkarinig ni Veron sa salitang Momol, agad siya nitong nahampas sa braso na nakayap pa din dito.
"OMG! Kiss and tell kang bata ka! Isusumbong kita kay Menggay."
"Luh! Joke lang 'yon. Saka..." nahinto si Alden sa sasabihin at napangiti nang maalala ang masarap na eksena, "Wala namang ganun. Sige, Tetz alis na kami. Call me, okay?" dagdag pa niya, habang naglalakad palabas ng bahay.
Ngiti at tango lang ang sinagot ni Veron sa kanya, habang ito ang nasa isip.
Wala palang ganun na ganap, pero may chikinini. Naku! Ako pa niloko ng mga 'to.
***
"Tay, kinakabahan ako." ani ng dalaga sa katabing ama, habang naglalakad sila sa inclined pathway papuntang sa Ramirez residence.
"'Nak, ngayon ka pa kakabahan. Na-orient na kita dito. Saka, nandito naman ako, kami ni inspector. Hindi ka namin iiwan 'dun. Relax ka lang." ani Waldo sa step daughter na si Nathalie, kasunod ng pag-akbay sabay pisil sa braso. Napakagat-labi na lang ang dalaga at napayuko. Halo-halo ang nararamdaman nito ngayon.
"Nandito na tayo." singit sa kanila ni Inspector Juancho. Ang detective na magdadala sa dalaga sa tunay ni ina. Si Veron Ramirez.
Bumuga ng marahas na hangin si Nathalie, bakas pa ang mainit nitong hininga na umusok kasabay ng malamig na hangin ng Baguio nang sandaling mag-door bell na si Juancho sa magarang 2 storey house na nakatirik sa gitna ng naglalakihang fine trees sa tuktok ng bundok.
Saglit iginala ng dalaga ang mga mata sa paligid, so simula ngayon, dito na ako titira? Wala na akong maamoy na polusyon, wala na ring nakakairitang mga kapitbahay, wala na ding demonyo. anya sa isip sabay pukol ng paningin sa nakangising si Waldo. Alam ng dalaga na sa pagitan nilang dalawa, ito ang higit na masaya. Bumukas na ang pinto ng bahay ng mga Ramirez, at iniluwa mula roon sina Veron at Johny.
"Goodmorning Mrs. Ramirez, kasama ko na po sila." bati ni Juancho. Nagkatinginan sina Veron at Johny, mahigpit ang pagkakapit ng ginang sa kasintahan. At sa pag-urong ni Juancho pakaliwa, nakita ni Veron ang isang dalaga katabi ang isang pamilyar na mukha.
"Magandang araw po, Ma'am Veron." magiliw na bati ni Waldo, ang dati niyang driver, ang asawa ng pinag-iwanan niya kay Nathalie nang binalak niyang iligtas ang asawa sa nasusunog nilang bahay sa Binondo. Nasapo ni Veron ang bibig, simula na ring manubig ang mga mata niya.
"W-Waldo, s-siya ba? Siya na ba si Nathalie ko?" Tanong ni Veron kalaunan, bakas sa mga mata ang pananabik na malaman ang katotohanan.
"Oo, Ma'am. Siya na nga po. Ang iniwan n'yong anak kay Amelia."
Pagkarinig ni Veron sa mga salitang 'yun, hindi na siya nag-atubili pang sugurin ng yakap ang dalaga. Buong higpit niya itong niyakap, nilubos ang maraming taon na hindi niya iyon nagawa.
"A-anak...Diyos ko, ang anak ko..salamat po, Diyos ko.." aniya sa gitna ng matinding pag-iyak. Nag-uumapaw ang kaligayan sa puso niya. Lalo pa nang magsalita ang dalaga, at marahan siyang tinawag.
"M-mommy?"
Nalusaw ang lahat ng pag-aalinlangan sa puso ni Veron nang marinig muli ang boses ng anak. Hindi man niya makapa sa sarili ang sinasabing lukso ng dugo at pagkapamilyar sa boses nito, inisip na lang niya na sa loob nga naman ng maraming taon, posibleng may magbago.
Saglit na kumalas si Veron sa pagkakayakap kay Nathalie.
"Yes, 'nak. Ako ang mommy mo."
Bumagsak ang iilang butil ng luha sa mga mata ni Nathalie kasunod ay muling pagyakap nito sa ina, "Sa wakas po, nagkita na rin tayo. Sa wakas po, makakasama na rin kita." anito sa pagitan ng pagkakayakap kay Veron. Habang si Johny naman ay nakikipagkilala at nakikipagkamay sa dalawang lalaki na kaharap.
"Ako nga pala si Johny Delgado, boyfriend ni Veron. Hayaan na muna natin silang magkakilanlanan, habang doon muna tayo sa mini bar sa loob."
Unang tumanggap ng pakikipagkamay nito ay ang detective, "Juancho Del Castillo, sir. Hired detective ni Mrs. Ramirez."
Sumunod ang nakangising si Waldo, na parang namagting ang tenga ng marinig ang salitang bar. Kapag bar, may alak malamang. Hehe..."Hay mabuti nga po sir, nang makapagpainit. Masyado talaga palang malamig dito," anito sa pagitan ng pakikipagkamay kay Johny, "Romualdo Saturay nga pala ho, Waldo for short. Ikinagagalak kong makilala kayo."
"Walang anuman. Hali na kayo?" pag-anyaya ni Johny sa dalawa papasok sa loob ng bahay habang taglay ang tanong sa isip, Saturay? Kaano-ano kaya ito ni Menggay?
***
Disclaimer: Chapter unbeta'ed
![](https://img.wattpad.com/cover/95670706-288-k791055.jpg)
BINABASA MO ANG
The One
Fanfiction"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."