10.

2K 173 22
                                    

"Meng! Bilis na! Ang kupad naman! Aalis na tayo!" Sigaw ni Alden sa dalaga, habang pasilip-silip sa may paanan ng hagdan. Hinihintay ang pagbaba nito mula sa kwarto ng Tita niya para magbihis.

"Ayan na nga po, sir! Diyos ko naman kung maka sigaw 'to. Daig pa ang barker sa Quiapo." Balik na sigaw naman ng dalaga rito, habang inaalisa ang damit na suot.

Bakit ba kasi ito ang pinasuot ni Mam Veron sa'kin? Tsk! Parang ang sagwa

Reklamo ni Maine sa isipan, dahil hindi mapakali sa suot na skinny jeans na tinirnuhan ng pink floral sweater top, na nagpalantad sa humog ng katawan niya. At mas lalo pa siyang nag-alangan, nang mataman siyang tinititigan ni Alden from balakubak to ingrown habang naglalakad siya pababa ng hagdanan.

Problema ba ng mokong na 'to? May damit naman ako, pero kung makahagod ng tingin parang naka panty at bra lang ako habang nagmo-model ng whisper with wings.

Wow. Maganda na siya sa paningin ko with those loose t-shirts and shorts, tsaka sa kupas niyang baseball cap. Pero hindi ko akalaing dyosa pala siya, kapag nakaayos. She's simply stunning dyan sa outfit niya. It suits her, kitang-kita yung nakatagong sexy curves niya at palaki ng palaki niyang boobs 24/7. Oh, good Lord! She's a walking temptress.

"Maine..." wala sa sariling tawag ni Alden sa papalapit sa kanyang dalaga, na sa mga paningin niya ay naglalakad na dyosa, mula sa Mt. Olympus into a slow motion with matching smoke special effects at malakas na hangin habang matamis ang ngiti sa kanya.

Napalunok siya at binasa ang ang mga labi, nang sa pantasya nito ay hahalikan na siya ni Maine. Subalit...

"Alden. Huy Alden?!"

Nabalik siya sa reyalidad ng tinusok ng hintuturo ni Menggay ang ilong niya. Napatikhim na lang si Alden, to shrugged his fantasy off  at saka nagtanong dito, "Yes?"

"Anong yes? Ilang segundo ka kayang nag-hung. Ayos ka lang? Na-engkanto ka ng kagandahan ko, ano?"

Naks! Pel ko, kras din ako nito eh.

Diyos ko naman kasi ang babaeng 'to! Patakam masyado.

"Hindi rin." Pagtanggi nito.

Aray ha!

"Tse! Yabang nito. Akala mo kung sinong gwapo! D'yan ka na nga!" pagtataray ni Maine dito, sabay walk-out.

Pangisi-ngisi namang sumunod sa kanya si Alden, at kapagkuwan ay nagsalita. "Excuse me, capital FYI, gwapo po ako period. Hindi mo naman ako ika-crush kung hindi."

"Ang kapal---"

"---kaya nga bagay tayo kasi maganda ka." Alden trailed off, t
saka kinindatan si Maine. Kapagkuwan, nagpatiuna na ito palabas ng bahay at iniwan ang dalaga na nag-hung sa sinabi nito.

Pero nang mahismasan, "Hala. Papatahi na ba ako ng gown?"

***

"Maine!" Biglang tawag ni Alden sa dalaga na tuwang-tuwa habang nagha-harvest ng mapupulang strawberries sa farm ni Veron.

Mabilis naman siyang nilingon ng dalaga, sabay tanong, "O, bakit?" Pero bigla itong napatakip ng mukha nang makitang nakatutok sa kanya ang camera phone ng binata. "Ay, ano ba?! Huwag mo nga akong kunan!"

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon