"Masarap?" Tanong ni Alden kay Maine, after she sip her hot choco.
Tumango lang nang marahan ang dalaga bilang sagot dito. "Eh, ba't parang hindi naman? Nakangiwi ka oh?" Dagdag pa niya.
"Ikaw kaya ang mapaso. Kung makangiti naman 'to." Kakaget-over ko lang eh. Nilabas mo na naman yan!
Reklamo ni Maine, habang nakalaylay ang dila at mataman na pinapaypayan ng sariling kamay.
"Tsk! Hot choco nga kasi, hot syempre mainit. Tinungga mo naman agad.""Eh sa na-excite ako, bakit ba?! Huling tikim ko nito nung nakaburol si Nanay eh." Ani Maine, na nakapagbago naman ng ekspresyon ng mukha niya from excitement to sadness very quick.
"Sorry to hear that, pero pwede ko bang malaman kung anong nangyari?" Pagbasag ni Alden sa mumunting katahimikan na yun ni Maine.
Masyado niya lang talagang mahal ang ina kaya hanggang sa ngayon, kahit mahigit isang taon na itong patay ang sariwa pa rin ng sakit. Niyakap ng dalaga ang sariling katawan, at saka ipinatong ang baba sa nakatiklop niyang tuhod.
"Aksidente. Nabagog ang ulo niya at nagkaroon ng internal hemorrhage. Sinubukan namin siyang dalhin sa hospital pero huli na." Hindi maiwasang maiyak si Maine habang inaalala ang lahat.
Lumapit sa kanya si Alden at tinabihan siya sa pagkakaupo mula sa sahig. Mataman niyang hinagod ang likod nito upang mabawasan ang sakit sa loob na nararamdaman ng dalaga. Napagdaanan niya na rin ang pakiramdam na 'yun, dahil sa pagkawala rin ng mommy niya kaya alam niya kung gaano kahirap.
Ipinilig ng binata ang ulo nito sa balikat niya, at hinayaang doon ito umiyak.
"Shhh...I know it's hard, pero mas magiging mahirap para sa 'yo at sa Nanay mo na makita ka niyang nahihirapan pa rin. So better mag-move on na lang at isiping masaya na siya kung nasaan man siya ngayon. Ganyan din ang sinabi ni Tita Veron noon, nang mga panahong hindi ako makausad sa pagkawala ni Mommy. Pasalamat na lang talaga ako, kinuha ako ni Tita at hindi hinayaang lumaki sa poder ni Daddy. Dahil kung nagkataon, isa akong naglalakad na sama ng loob."
Bahagya namang napangisi si Maine sa huling sinabi nito, pero hinayaan na niya munang namnamin ang eksenang yun.
Pagkatapos kasi ng pagkawala ng Nanay niya, wala siyang napaghingahan ng sakit at bigat sa dibdib niya, tanging ang binata lang na ngayon na nakayakap sa kanya. Alam niyang mali ang kiligin ngayon, pero hindi niya talaga maiwasan.
Nay, sorry na kung likas na maharot ang anak n'yo. Pero ang bango po eh... mas naiiyak ako sa kabanguhan niya. Walang modo sa pag-e-emote ko.
Habang si Alden, pikit-matang ninanamnam ang pinaghalong init ng katawan nila. Mga ilang minuto din silang ganun, hanggang sa si Maine na mismo ang gumalaw para makakalas sa yakap ng binata.
"Ehm, okay na yata yung hot chocolate. Ubusin na natin hatinggabi na din." Kibit balikat ng dalaga sa namumuong tensyon sa pagitan ulit nila.
Iwas Maine. Iwas bago pa may mangyaring sawsaw dragon sa hot choco. Tangina naman kasi nito!
"Yeah, maaga pa pala tayong mamasyal bukas."
Sabay na nilang sinimsim nang paunti-unti yung tsokolate habang pasulyap-sulyap sa isa't-isa.
(Wala bang kapangitan na taglay ang isang 'to? Kahit sa pagsimsim ng tsokolate ang gwapo! At jusko, ay paikot pa ng dila sa lips na nalalaman.)
[Ngayon, kung makatitig ka para mo akong hinuhubaran. Halikan ko kaya ito, isang beses lang?] "Maine"
"Alden"
BINABASA MO ANG
The One
Fanfiction"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."