"Maine?" tawag ni Alden sa dalaga, habang naglalakad sila side by side sa kahabaan ng session road, kasunod nito ay ang pag-abot niya ng kamay nito sabay entertwined fingers.Kanina pa kasi sila naglalakad ng dalaga, pero never pa nila napapag-isapan ang nangyari sa van kahapon. There's a sudden change of mood kasi ito early this morning, naiilang sa kanya ang dalaga. May pagkakataon na touchy siya at clingy na dati rati binabara siya nito, pero ngayon, wala itong reaksyon. Walang imik. Which is nakakapanibago from pagiging madaldal at brusko nito.
"Hmm?"
"Ayos ka lang? Kanina mo pa iniiwasan kagwapuhan ko. May problema ba tayo?"
Napahinto s'ya sa paglalakad at naupo sa gilid ng kalsada. 'Yan ang nagustuhan ng binata sa kanya, walang keme at arte sa katawan. Salampak kung salampak.
"Kagwapuhan ka d'yan. Wala, ano ka ba?! Pagod lang ako. Kaya pahinga muna tayo."
Naupo sa harap nya si Alden, saka bahagyang dinutdot ng hintuturo ang naka-pout nitong lips. Pero pagkaraan, napaaray siya dahil kinagat ito ni Maine.
"Fu..ck! Maine, tama na! Araaay..." reklamo niya, pero sa kabila ng sakit ay napangiti na rin habang hinihimas ang sariling daliri. Alam n'ya kasing okay na ito, mapanakit na eh.
"Sorry not sorry."
"Ngiti-ngiti ka r'yan. Kung gumanti kaya ako? 'Yung... masarap na ganti."
Tinignan siya ni Maine ng masama.
"Eh, kung pagulungin kaya kita hanggang Kennon Road? Harot nito!"
Natawa ng bahagya si Alden, saka inabot ang nanlalamig na kamay ng dalaga at dinala ito sa magkabilang pisngi niya.
"Maine, gusto mo pag-usapan ang nangyari kahapon?"
Nagbaba ng tingin si Maine at dahan-dahang binawi ang kamay nito mula sa kanya. Umiba ito ng upo, at ngayon ay yakap na ang sariling tuhod. Nakapatong ang baba nya mula roon, nang umisod ng upo si Alden. Ang mga nito ay pinaloob niya sa pagitan ng nakabuka niyang hita, saka masuyo niyang hinaplos ang buhok nito.
"Okay lang naman, kung ayaw mo---"
Naputol ang sasabihin pa niya ng magsalita bigla si Maine, "Ano ba kasi tayo? Oo, nanliligaw ka. Pero hindi ako naniniwalang seryoso ka eh. Halos dalawang linggo pa lang tayong nagkakilala, mas marami pa nga ang bangayan natin kesa mga pagkakataon na nagkakasundo tayo. Alam mo 'yun, ang hirap lang kasing---"
He cut her mid-sentence too, sa pagpatong ng hintuturo niya sa ibabaw ng mga labi nito.
"Maine, seryoso ako sa 'yo. I really like you. Hindi kita basta-basta liligawan, kung hindi ako seryoso at wala talaga akong nararamdaman. Look, to be honest, nung una pa lang ramdam ko nang may something eh. Hindi madali paniwalaan, yes. Dahil kahit ako hindi naniniwala sa love at first sight o sa destiny na tinatawag. Pero when you came, iba eh! Everything change. At nagpapasalamat akong sa'yo ko 'to unang na-experience."
Iginalaw ni Maine ang sariling ulo, para maalis ang daliri ng binata sa lips niya saka malungkot na nagsalita.
"Ewan ko, Den. Nakakatakot. Ang hirap sumugal."
Alden cupped her face, at pinagpantay ang mga mukha nila.
"Tumingin ka sa'kin, Maine." Utos niya sa dalaga na agad namang sinunod ni Maine. "Sabi nila, the eyes are the window of your soul, your emotions. Sabihin mo sa 'kin ngayon kung ano ang nakikita mo."
"Muta?" biro ng dalaga, pero hindi ngumiti si Alden kaya napa-lip bite ito.
"Maine, mahal kita. Masyadong mabilis, oo, pero mahal kita. Maniwala ka, dahil 'yun ang totoo."

BINABASA MO ANG
The One
Fanfiction"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."