26.

600 30 5
                                    

[Meng]

Pesteng mga luha 'to! Bakit ayaw akong tantanan?! Hindi naman dapat ako umiiyak eh! Nakakairita!

Alin ba kasi ang nakakairita? 'Yong ini-expect mo na hindi magpapauto si Alden sa laro ng baliw na Julia na 'yon? O dahil naisahan ka na naman?

Nahinto ako sa pagtakbo pababa sa pathwalk galing sa mansion ni Tita Veron dahil sa boses na 'yon sa utak ko.

Hindi ko alam! Basta nangigil ako!

Padaskol kong pinunasan ang mga luhang tuloy-tuloy ang pagbagsak sa pisngi ko.

Napapikit ako sandali.

Kingina gurl! Paulit-ulit ka na sa eksenang 'to? Wala ka na bang ibang moves?

Kontra ng alter ego ko sa sarili kong desisyon. Hindi ko na lang ito pinansin. Basta ang gusto ko mangyari ngayon ay makalayo kay Alden at sa impaktang Julia na 'yon!

Mabilis akong naglakad. Halos lakad takbo na nga ang ginagawa ko hanggang sa makarating sa pinakamalapit na terminal ng bus pabalik ng Maynila. Nandito pa rin naman sa 'kin 'yong limang daan ko at kasya pa naman 'tong pamasahe hanggang Binondo. Bahala na sa pwedeng mangyari kapag nagkasalubong kami nila Samson at Goliath pagbalik ko.

Pasakay na ako ng bus nang matigilan ako sa bulto ng lalaking nasa may labasan ng bus.

"M-menggay?"

"H-Henry?"

Sambit namin sa isa't isa. Habang panay naman ang asik ko sa loob, "juskolord naman! Kailangan ba talaga sabay-sabay kayo manampal multo ng kahapon?!

Ilang taon na rin kaming hindi nagkita mula ng gabing tinapos namin ang lahat. Mukhang maganda na ang buhay ng loko. Medyo tumaba at pumuti kasi ito hindi gaya noon na parang laging binuga ng tambutso sa talyer ni Mang Jim at saka parang laging kinakapos ng kanin.

Wow! Maka-describe sa ex iba din! Eh gwapong-gwapo ka nga noon! Mahal na mahal mo 'yan dati 'di ba?

Napairap ako sa hangin dahil sa mapang-asar na boses sa isipan ko.

Narinig kong tumikhim si Henry.

"Ehem-uhm, Menggay, kumusta na? Long time no see." Kaswal n'yang bati.

Sa totoo lang wala na akong nakakapang inis o galit sa puso ko para kay Henry ngayon. Kahit pa halos gusto ko syang pasagasaan sa Edsa dati. Sa totoo lang matagal ko na s'yang napatawad sa pagiging dakilang malandi at marupok n'ya noon. At saka isa pa, pareho lang din naman kaming naging biktima ng mga kasinungalingan ni Julia. Blessing in disguise na rin ata 'to para magka-closure kami.

"Okay naman ako, Henry. Oo nga matagal tagal na rin simula nung--"

Natigilan ako ng magsalita ulit si Henry.

"May kensi minuto pa tayo bago umalis ang bus, gusto mo do'n tayo mag-usap?" Alok n'ya at turo sa karinderya na nasa gawing kaliwa ko.

Gutom na rin naman ako sa kakadrama ko papunta rito sa terminal kaya tumango ako.

Nakita kong lumiwanag ang mga mata ni Henry at saka ngumiti. Nakita ko ulit ang magkabilang dimples n'ya sa pisngi, na aminado akong nagpakilig sa patomboy-tomboy kong matres noon.

Pero imbes na kiligin ako ngayon ibang may dimples ang naaalala ko. Kumikirot ang puso ko keysa kiligin. Argghh!!

"Meggay, alam kong hindi mabuti ang huling pagkikita natin. Pero sana napatawad mo na ako sa nangyari noon. Hindi ko talaga--" Panimula ni Henry na pinutol ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon