[Meng]
Mahigpit ang pagkakahawak kamay namin ni Alden sa isa't isa habang naglalakad sa enclined pathwalk pauwi sa Ramirez residence. Pero hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa gate ng mansyon ay natigilan na ako.
"Why?"
Nagtatakang tanong ni Alden sa 'kin, pero para bang wala akong narinig. Kumurap-kurap ako nang ilang ulit dahil nagbabakasakaling namamalikmata lang ako sa nakikita ko ngayon, pero... hindi.
"B-bakit sila nandito?" Naitanong ko sa sarili ko pagkaraan.
Nakapagtataka kasi.
"Who?" Ulirat ni Alden. Kita ko na sa magkasalubong niyang kilay na naweweirdo-han na siya sa pagbabago ng mood ko.
"Tatay at kapatid ko." Kuno.
Na-excite naman s'ya sinabi ko. Naku, kung alam lang nya kung anong relasyon meron kami sa loob ng ilang taon.
"Huh? Where?"
Hindi ako sumagot pero panguso kong pinukol ang kinalalagyan nila Tita Veron, kasama sina Mang Johny, Julia at Tatay Waldo, may isa pang lalaki pero hindi ko kilala. Nasa balkunake sila sa second floor.
"Wow! What a small world. Akalain mo magkakilala pala family mo and Tita Veron?" masayang sabi ni Alden, pero nakakaamoy ako nang hindi maganda sa biglaang pagpapakita nila. Mahabang panahon na simula ng maghiwa-hiwalay kami ng landas, dahil sa isang trahedya. Ang pagkamatay ni Nanay.
"Waldo, akin na 'yan. Para sa tuition fee ni Menggay 'yan sa susunod na pasukan. Maawa ka sa bata."
Narinig kong pagmamakaawa ni Nanay noon kay Tatay. Kagagaling ko lang sa pwesto namin sa palengke 'nun, 'di nila alam na nakikinig at nakasilip ako sa away nila, sa bintana, mula sa labas.
"Menggay, puro na lang si Menggay! Wala kang ibang inalala kundi 'yang ampon mo!"
Natigilan ako sa narinig ko. 'Yun ang pangalawang beses na sinampal ako ng salitang 'yun. Una kong narinig 'yan sa bibig ni Julia, nang minsang magkasagutan kami. Pero kinakabog ng kaba at sakit ang dibdib ko na isiping ampon nga ako. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.
"Hinaan mo nga ang boses mo. Baka marinig ka ng mga anak natin--"
"Isa lang ang anak ko, Amelia. Anak natin. At si Julia 'yun! Kaya etong pera na 'to, nararapat lang na kay Julia mapunta at hindi 'dun sa ampon mo. Kaya 'wag mo akong pigilan. Kahapon pa ako iniiyakan 'nun ng bagong cellphone."
"P-pero, Waldo..."
"Tumigil ka na, Amelia! Kundi sasamain ka sa 'kin! Ang damot-damot mo sa anak mo. May ganito ka palang kalaking pera!"
"Para kay Menggay nga 'yan. Ipon naming dalawa 'yan para sa pag-aaral nya. Patapos na naman si Julia, kaya hindi naman masamang si Me---ah!"
Napaigik si Nanay nang makatikim ito ng malakas na sampal mula kay Tatay. Pero nanlaban pa rin si Nanay, at nakipahatakan ng bag na may laman na pera kay Tatay. Masyadong mabilis ang pangyayari, basta ang sunod ko na lang narinig ay ang malakas na kalabog; dala ng pagwasiwas ni Tatay kay Nanay at pagkatilapon nito. Nasagi ni Nanay ang aparador sa sala at natumba ito sa kanya. Tumama sa ulo nya. Doon na ako lumabas at nagsisigaw.
"Naaay!"
Sa punto ding 'yun, nawalan ng buhay si Nanay.
"Babe, are you okay? Bakit ka umiiyak?"
Pukaw ni Alden sa flashback ko. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko - masakit pa rin. 'Yung galit kasabay ng sakit dahil sa pagkawala ni Nanay ay nandito pa rin.
"W-wala 'to, babe. N-na puwing lang."
Matalim ang tingin na pinukol ko kay Waldo. Habang pinupunas mga ang luha na nalaglag sa pisngi ko. Simula ng mamatay si Nanay, hindi ko na sya tinignan bilang ama. Kung tutuusin naman, sa bibig nya na rin nanggaling na ampon ako. At ramdam ko naman sa loob ng sampung taon na magkasama kami, ni hindi nya ako tinapunan ng pagmamahal. Tanging kay Nanay ko lang naramdaman 'yun, at dahil kay Nanay kung bakit ko kinakaya lahat. Pero ngayon...pasensyahan na lang.
"Okay," pagsang-ay Alden, sabay yakap sa 'kin sa tagiliran kasunod ng halik nya sa noo ko. Alam kong ramdam nya na may bumabagabag sa akin, pero nirespeto nya muna ang hindi ko pag-open up. At masaya akong ganun sya. Gumanti na lang ako ng yakap dito, para naman kumalma din ako. Pero natigilan kami nang tawagin kami ni Tita Veron.
"Huy! Respeto naman sa maalat naming almusal! Ang tatamis ng mga 'to!"
Sabay kaming napatingala ulit ni Alden sa terrace. At sa sandaling 'yun, hindi maipinta ang mukha ng mag-ama dahil sa pagkagulat; nang makita ako.
Mas lumakas ang kutob kong may masamang balak ang biglaang paglitaw ng dalawang 'to. At 'yun ang aalamin ko.
***

BINABASA MO ANG
The One
Fanfiction"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."