7.

2.3K 169 15
                                    

Edited: 5/26/18

***

Lagpas 7PM na nang marating ng dalawa ang isang two storey house na nakatirik sa kalagitnaan ng nagtataasang pine trees. Ang bahay ng Tita Veron ni Alden.

"Wow. Ang ganda naman dito, Alden." Manghang-mangha na sabi ni Menggay habang nilibot ang mga mata sa paligid. Kahit kasi gabi na, ma-appreciate mo pa rin ang lugar kasi bukod sa mga nakahilirang iba't ibang kulay ng ilaw na nakasabit sa bawat pine trees sa pathway papuntang resedencia Ramirez

"Goodeve po, Tita." Bati ni Alden sa tiyahin. Actually, bestfriend ito ng nasirang mommy niya na halos siya ng nagpalaki sa kanya. His mommy died due of much depression dahil sa ginawang pangangaliwa at pag-abanduna ng daddy niya sa kanila, when he was only eight years old. Simula 'nun, ang Tita Veron na niya ang kumupkop at nag-alaga sa kanilang mag-ina. Halos dito na rin lumaki ang binata sa Baguio, naisipan lang nitong manatili sa Maynila nang ipamana sa kanya ng Daddy niya ang kompanya nito bilang pambayad utang sa kasalanan nito noon.

He's dying anyway. Alangan ipaubaya ko yun sa kabit niya. No way! Magkamatayan na! His thought habang tinatanaw si Menggay na amazed pa rin sa ganda ng paligid.

"Diyos ko, Den, it's been a long time. Mabuti naman at naisipan mong umuwi dito sa 'kin." Ani Veron, mula sa bukana ng pinto sabay yakap ng mahigpit sa binatang itinuring na niyang anak.

"Sorry na Tita, kakahanap lang ng oras eh. I miss you po. Namiss ko po 'tong amoy mo, amoy pine trees. Pero pabulok na. Hahaha!" Biro ng binata, kaya nakatanggap ito ng isang hampas sa braso mula sa ina-inahan.

"Bastos 'to! Chura kong 'to, pabulok?! Nunka, kasing sarap kaya ako ng strawberries ko." Protesta ni Veron, na cool na cool pa habang sinasabi ito. Well, at her age para pa rin itong bagets umasta. She's one of the coolest Tita of Baguio after all.

Kapagkuwan napansin nito si Menggay sa tabi ng binata, "Uy, may kasama ka pala? Sabi mo magmumuni-muni ka rito at iiwan mo lahat ng toxic friends mo sa Manila. Eh, sino ang isang 'to?" Dagdag pa niya na bahagyang kinikilitas ang kabuuan ng dalaga.

"Si Maine yan, Tetz. Kailangan din mag-reflect, nang maliwanagan sa gender preference. Kaya isinama ko na. Hopefully pagbaba namin ng Baguio, naka bestida na siya di ba?" At tayo na.

Alden said and smirked. Ngiting aso naman ang sagot ng dalaga sa kanya, at kapagkuwan nilingon nito si Veron.

"Hi po, mam. Menggay na lang po," Ani ng dalaga na medyo naiilang. Ngumiti naman si Veron sa kanya, tila may something fishy na naisip at bukod pa 'dun, may biglang kung anong kumislot sa loob ng biyudang ginang na hindi mawari kung bakit. Pero isinantabi muna ito at nakipag beso sa dalaga.

"Nice to meet you, Menggay. Uhm, boyish ka? Sayang, ang ganda mo pa naman."

I second the motion Tetz, sinabi mo pa. "Astig-astigan, pero kung tamaan ng monthly period akala mo manganganak--aray!" Naputol na sabi ng binata, nang sikmuraan ito ni Menggay.

"Mapanghusga ka talaga!" Singhal ng dalaga dito na nagpatawa kay Veron.

Hmm..ako lang ba? O may something talaga sila. Anyway, I have two weeks to find it out. "O sya, tama na yan. Para kayo'ng mga aso't pusa. Halina na tayo do'n sa kumidor at ng makakain. Tiyak nagutom kayo sa byahe." Ani ng ginang at nagpatiuna na sa paglalakad upang ihanda ang dinner nila. Habang nasa likod naman 'yung dalawa, na hindi pa rin mahinto ang bangayan sa isa't-isa.

"O, dami mong kinain kanina, isang plato lang ah?" Biro ni Alden dito.

"Mukha nito, ikaw 'tong naka-limang kanin kanina at tatlong putahi ng ulam. Sarap mong pitikin eh noh?! Judgmental ka masyado. Di ka naman judge." Sagot naman ng dalaga sabay amba ng pitik.

"Ganyan ka ba sa kras mo? Para maka chansing nanakit?" Muling tirada ni Alden na may pa-wiggle brows pa. Akmang lalapat na ang kamao nito sa mga braso niya nang tumalilis ang binata ng takbo, habang tumatawa.

"Chura mo kras!" Makakabawi din ako ng kahihiyan, kala mo!

***

"The best talaga ng kare-kare mo, Tetz! I'm so full. Hay. Kinabagan yata ako." Komento ni Alden, habang nakangising nilalaro ang sariling kobyertos.

Marahan namang natawa si Veron sa sinabi nito. Simula kasi ng umalis ito sa poder niya, naging malungkutin na ang ginang at ngayon lang muling ngumiti ng ganun. Buong buhay niya, ibinuhos na lang kay Alden, simula ng masalimuot na trahedya sa buhay niya.

"Nambola ka nanaman bata ka. Pero salamat talaga, nak, at binisita mo ako dito. Muntik ko na ngang kausapin ang mga bubuli dyan sa labas sa sobrang lungkot ko dito. Dito ka na lang kaya ulit?" Ani ng ginang na puno ng emosyon ang mga mata, habang mataman na tinitignan ang binata at hawak ang kamay nito.

"Tita V, gustuhan ko man, hindi ko maiwan ang kompanya. Ngayon ngang dalawang linggo akong mawawala, nababahala ako sa pwedeng gawin ng madrasta ko. Ayaw mo namang sumama sa'kin sa Maynila, dahil hindi mo rin maiwan ang strawberry farm."

Pagkasabi 'nun ni Alden, namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Kasunod ay ang marahan nilang buntong hininga. Kaya to lighten the mood, sumingit si Menggay at nagtanong, "May strawberry farm pala kayo, mam. Pwede ba mamasyal dun?"

Natuon ang paningin ni Veron sa dalaga at kapagkuwan ay ngumiti.

"Oo, Menggay. Halos doon ko ibinubuhos ang lahat ng oras ko. Iba ang saya ko kapag nakikita ko ang naghahalong kulay pula at berde ng strawberry farm. Feeling ko mas bumabata ako. I don't feel like fifty five years old. At saka, oo naman. Sama ka sa'kin dun bukas." Anito.

"Yey! Salamat po. Saka, talaga po, fifty five ka na? Wala po sa itsura! Mukha lang po kayong fifty four." Ani ng dalaga, sabay tawa sa sarili niyang joke. Samantalang si Alden, gusto man niyang tumawa, pinipigilan niya. Pikon kasi ang Tita Veron niya, hindi ito basta-basta mabibiro ng mga tao sa paligid niya, unless close na close mo na siya. At dahil napansin ni Maine na siya lang ang natuwa sa sinabi niya, awkward at dahan-dahang niyang binaba ang sariling mga kamay, habang paunti-unting nilalabas ang ngiti niyang pang grade two.

"Joke lang po yun, mam. Ang totoo, mas bata mo kayong tingnan sa edad nyo." Bawi ni Menggay dito. Pero seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya.

"Talaga? Mga ilan? Galingan mo ang sagot, kundi sa ilalim ng fine trees sa labas kita patutulugin." Seryosong sabi ni Veron, pero nagsisipaan sila ni Alden ng paa sa ilalim ng mesa. She's also power tripping Menggay.

Napalagok ng tubig si Menggay dahil sa kaba. Kapagkuwan ay nauutal na sumagot. "T-thirty five po?"

"Okay. Hahaha! Mas bet ko yan! Pero...tabi ka sa akin matulog. Turuan mo ako ng mga bagong pick up lines, okay?"

Nakahinga naman ng malalim si Meng, sign of relief.

Tangina! May toyo din ang isang 'to. Pero ang gaan ng loob ko sa kanya, infer. Namimiss ko lang yata si Nanay, kaya ganun."Hehe! Sige po." Aniya, sabay napatingin sa dako ni Alden. Nagkasalubong nanaman ang mga paningin nila ng hindi sinasadya.

Pero wala ng mas gagaan pa sa feels, kapag ganyan makatingin si Alden. Lagkit bes. Haaay...pa-fall na, paasa pa! P.S. Bwisit ka po, xoxo.

Well, hindi ako na nagtataka na ganun niya kabilis nakuha ang loob ni Tita. Kasi kung ako nga...mas mabilis pa sa digital camera na nadevelop...sa kanya.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon