[Meng]
Nahihiwagaan talaga ako sa ganap. Ramdam kong may mali eh. Kaya naman para malinawan ako, sinundan ko si Julia sa kusina para komprontahin.
"Julia, mag-usap nga tayo! Ano na namang pakulo 'to?"
Mula sa pagkakatalikod, biglang hinawi ng bruhita ang buhok niya at mataray na hinarap ako. Tss! Akala mo naman kung ikinaganda. Kulang na lang walis tingting para maiterno sa wagagwag niyang buhok. Kairita!
"Ano'ng pakulo ang pinagsasabi mo d'yan?! Huy, Menggay! As far as I'm concern. Wala tayong dapat pag-usapan at walang pakulo. Kung may isyu ka about sa ganap, si Tatay ang kausapin mo at hindi ako. Isa lang din akong inosente rito, kuha mo? Kaya pwede ba, hayaan mong ipatikim ko muna sa mommy ko ang pinakamasarap kong kape."
Aba, ang lakas maka-mommy ng manggang 'to! Eh si Nanay nga noon, kahit isang basong tubig 'di siya mautusan.
"Gawin mo kung ano'ng gusto n'yo, Julia. Pero eto lang ang tatandaan n'yong mag-ama. Siguraduhin nyo lang na hindi ninyo dinadamay sa kawalanghiyaan n'yo ang mga Ramirez, kundi, magkakasubukan tayo!"
"Awww.. so scary!" Nangungutyang sagot nitong babaeng 'to na binuro sa ka-plastikan. "Ang lakas naman ng loob mong pagbantaan ako sa loob ng sarili kong pamamahay no? I-klaro ko lang sa 'yo, my dear sister sa kangkong-an, jowa ka lang 'nung pamangkin; ako, anak ako ng may-ari kaya lumugar ka!" Dagdag pa ni Julia, habang dinuduro-duro ako sa noo.
Bwisit na 'to! Pero kung totoong anak nga siya ni Tita Veron, may punto siya. Ano nga ba ang laban ko? Isa lang akong hamak na palamunin dito.
Natigilan ako.
"Ano? Tama ako? Bobita ka talaga kahit kelan." Anas nito at inismiran pa ako. Kalaunan, kinuha nito ang bagong tinimplang kape na nasa tasa sa ibabaw ng counter, "Alis ka nga dyan! Nakakasira ka talaga ng araw!" at saka maarteng iniwanan ako sa kusina.
Sinundan ko na lang siya ng tingin. Pero tiim bagang kong sinabi sa isipan ko na, 'sigurohin mo lang talaga mangga! Oras na tama 'tong kutob kong niloloko nyo si Tita Veron, ididikdik kita sa bagoong, bwisit ka!
***
Pagkagaling ko kanina sa kusina, hindi na ako bumalik sa terasa kasama ng iba. Ayokong makita ang mukha ng mag-amang yo'n. Naaalala ko lang ang si Nanay at kung pa'no kami tratuhin ng mag-amang 'yon dati. Kaya eto, dito ako lumugar sa likod-bahay. May mini garden si Tita Veron dito; bukod kasi sa mga strawberries sa farm, may mga tanim rim siyang iba't ibang bulaklak. Pero karamihan nito ay orchids.
Malalim ang pag-iisip ko, nang maramdaman ko ang matitipunong mga braso na yumakap sa bewang ko, mula sa likod. Dala ng pagkagulat, ginamitan ko siya ng self defense: inapakan ko ang isang paa niya kaya napabitaw siya mula sa pagkakayakap sa akin. Kasunod nito ang mabilis kong pagkuha sa isang kamay niya at pinihit ko 'to patalikod.
Napaigik siya. "Aray! Teka, labs. Ako 'to."
Si Alden pala. Ang manyakis kasi eh, 'yan tuloy.
Agad ko siyang binitawan sabay sabi'ng, "Ba't ka ba kasi nanggugulat?! O hayan tuloy, nasaktan ka."
"Sorry naman. Akala ko kasi, kilala mo na ang amoy ko. At saka, hindi naman gano'n 'yung nakikita ko sa mga movies eh. It supposed to be romantic. Tapos eto pala, mananakit ka." Reklamo ng mokong; may cute pout pang kasama. Naawa naman ako, kaya hinimas ko 'yong nasaktang kamay niya at niyakap siya.
"Sorry... magugulatin kasi ako. Masakit ba masyado?"
"Medyo. Pero 'di ko na mafe-feel 'yong sakit, if you give me a kiss. 'Yong torrid."
Umandar na naman kapilyo-han nito, jusko po!
"Tse! Eh kung itong kamao ko ang humalik sa 'yo no? Kakahalik lang buong magdamag may pahabol pa nga kaninang umaga eh. Ano adik lang? Ipa-tokhang kaya kita!"
Natawa lang siya sa mga sinabi ko. Wala naman akong maalala na nag-joke ako.
"Yes. Ang sarap mo kasi. Your a kind of drug, that I won't refuse to take nang paulit-ulit. Kahit ikamatay ko pa."
Ewan. Pota nito! Kinikilig ako.
"Talaga ba?"
Nginitian niya ako ng ubod nang tamis. Pagkatapos, sinimsim ang ilong ko. Nakakapanghina siya, susmaryosep!
"Yes. Gusto mo ipakita ko kung paano ako ka-adik sa 'yo? Right here, right now?" Anya, pagkaraan hinalikan ako sa lips.
Lumaki ang mga mata ko. Tapos naitulak ko ang mukha niya ng bahagya palayo. Saka napalinga-linga ako sa paligid.
Nahampas ko siya sa braso kalaunan. "Loko ka! Pa 'no kung may nakakita?!"
"So what? 'Di mamatay siya sa inggit. Wala akong pake!"
"Ewan ko sa 'yo." Ismid ko kunwari. Pero ramdam ko yo'ng pamamaga ng mukha ko sa sobrang hiya at kilig yata. Ewan.
"Alam mo, namumula ka. Kapag ganyan raw sabi nila, kulang pa. Ano kiss pa tayo?" Pang-aasar ni Alden. Sarap niyang upakan no? Upakan habang hinuhubaran. Hahaha! My goodness!
"Alam mo daldal mo! Manahimik ka nga---"
Tapos hayon nga. Nanahimik ang bruho. I mean, nanahimik kaming dalawa. Pati isip at agam-agam ko, nalihis muna ng saglit sa reyalidad. Sa kung ano mang gulo ang dala nina Julia at ng Tatay niya sa buhay nila Alden at Tita Veron. Pero promise, walang utot na 'di sumisingaw. Kaya kung may kabalbalan man silang ginagawa, in time, aalingasaw din 'yon at malalalaman ko rin.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/95670706-288-k791055.jpg)
BINABASA MO ANG
The One
Fanfiction"Coincidence man o meant to be, wala na akong pake. Isa lang ang alam ko; ikaw na, you're THE ONE for me."