3.

2.3K 208 38
                                    

Posted: 11/11/17
Edited: 5/26/18

***

Hindi man aminin ng binatang si Alden, legit ang pagkatarantang naramdaman niya, nang makitang umaagos ang dugo ng dalaga sa binti nito. At ngayong tuluyan ng nawalan ng ulirat ang dalagang si Maine, mas lalong kumakabog ang dibdib niya sa takot.

Diyos ko, huwag naman po muna, please.. Kakabigay nyo lang po eh, hayaan nyo po munang namnamin ko. If she's the one I've been waiting for since then, buong puso ko pong tatanggapin. Kahit na kasabay ng pagtanggap na 'to eh, ang araw-araw kong maranasan ang suntok, pitik at kunyat. Kahit po gilagid ko na lang ang walang pasa, ayos lang. Hahayaan ko din po siyang pagnasahan ang macho kong katawan. Maging okay lang po siya.

Pikit matang dasal ni Alden, habang kasalukuyang nakaupo sa waiting area, three steps away sa emergency room, kung nasaan ngayon ang dalaga. Sakto naman sa pagdilat niya, napadako ang tingin niya sa E.R. At sya namang paglabas ng doctor na tumingin sa dalaga. Agad na tumayo ang binata at pinuntahan ito.

"Doc, kamusta po ang lagay niya?" Tanong niya dito.

"Ah, okay naman ang misis mo mister. Normal menstruation lang ang nangyari sa kanya, at cramps. Hindi niya lang nakayanan yung sakit kaya nawalan siya ng malay. But she's definetly alright, kasalukuyan na siyang nililinisan ng nurse sa loob, dalhan mo na lang ng damit pamalit at bilhin mo na rin 'tong niresita ko for pains." Ani ng doctor at tumango naman siya dito, saka kinuha mula rito ang resita.

"Pwede mo na siyang ilabas, as soon as she wakes up. But for now, mauna na ako, may iba akong titingnan na pasyente."

Kapagkuwan ay paalam ng doctor at tinapik siya sa balikat.

"Sige po, Doc. Salamat." Sagot naman niya dito, bago tuluyang naglakad ang doctor palayo.

Marahang napailing na lang si Alden at bahagyang napangisi, nang sandaling ma-realize ang lahat ng nangyari. Pssh! Bakit ko ba inisip na buntis?

"Menstruation lang pala. Akala ko pa naman nakunan dahil nag-bleed." Biglang wika niya, pero saglit na natigilan at lumaki ang mga mata dahil may naaalala. Yung backseat ng kotse niyang may mantsa ng dugo. Napalatak na lang siya at napakamot sa noo.

"Tss! Hirap pa naman matanggal ang stain sa klase ng tela 'nun. Kaasar! Bakit naman kasi--! Jusko talaga! She must pay for this, and I promise sa hihingin kong kabayaran hindi ko siya hahayaang tumanggi." Dagdag pa niya, at naglakad na palabas ng hospital para kunan ito ng damit at mga kailangan pa nito.

***

Nasa kamay na niya ang biniling buscopan venus, different brands and types of napkins (dahil hindi ko alam kung alin ba dun ang ginagamit niya), damit pamalit. Pero maliban sa naalalang isa.

Damn! I forgot her undies. Sa dinamirami naman, oo, yun pa talaga?! Tss, malay ko ba sa tanginang regla na yan! Sarap saktan e.Tsaka anong size? Anak ng tipaklong! Para akong may asawang nanganak nito e!

Kasasabi mo lang kanina di ba?
Asawa mo? Kaya magdusa ka!

Tss!

Sagutan ng dalawang boses sa isip niya at pabalibag niyang isinara ang pinto ng kotse, saka nagdrive ulit pabalik kung saan siya nanggaling.

"Anyare sa OC-ness mo, Alden? Tsk! Isang Maine Saturay lang pala, ang magpapaaligaga sa'yo. Magbunyi ka!" Singhal niya sa sarili, habang pina-park ang sasakyan sa malapit na boutique.

Small kaya o medium? Pero parang matambok naman eh. Malaki din ang balakang.

Napangisi ang binata at nawala ang inis kanina dahil sa naisip. Napakagat-labi na lang ito habang inaalisa ang vital statistics ng maton na dalagang kaka kilala lang niya sa isipan.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon