21.

2.6K 187 27
                                    

"Den, babe..." biglang tawag Maine kay Alden, sa itsura nitong hindi mapakali.

Walang gana nitong inabot sa binata ang hawak na pang-trenta pirasong isaw na binili nila sa daan, at nakalahati ng samalamig na nasa baso.

"Ano, suko na?"

Umiling si Meng, habang tumatagaktak ang pawis sa noo sa kabila ng malamig na klima.

Inisang kagat ni Alden ang hawak na isaw at ininom ang sa malamig bago muling nagtanong sa dalaga. Namumutla na din kasi ito.

"Babe are you okay? You look pale." Nag-aalala niyang tanong kay Maine na ngayon ay nakayuko na habang hawak ang sariling tiyan.

"Ugh! Banyo... kailangan ko ng banyo!"

"What?! Susmaryosep ka! Walang--" reaksyon ni Alden na palinga-linga sa paligid naghahanap ng posibleng public toilet pero wala.

"Babe! BANYOOOO!!" Pasigaw ng sabi ni Maine, taranta na din si Alden. Isang traveler's inn sa 'di kalayuan ang nakita niya.

"There! Halika! Kaya mo pa maglakad?"

Umiling si Maine pero natatawa na ewan.

"Hindi ko na kaya, Aldeeeen! Manganganak na ako!" Reklamo ni Maine pero tawang-tawa si Alden sa itsura nito. "Tangina ka! Mamaya mo na ako pagtawanan. Lokooo!"

"Pfff! Halika na sampa sa likod ko, para mas madali!"

Ginawa naman ni Maine ang sinabi nito, pagkatapos ay tawang-tawa ang binata na tumatakbo habang karga siya papuntang traveler's inn.

***

Himas-himas pa ni Maine ang sariling tiyan, habang isinasara ang pintuan ng banyo. Nakangisi lang siyang tinitignan ni Alden na ngayon ay tuwid na nakahiga sa ibabaw ng puting kama.

"Ano isaw pa?" pang-aasar niya dito.

"Ayaw na. Di na ako uulit." sagot ni Maine, habang papaupo sa kama.

Alden leaned forward into her, at hinatak ito pahiga. Napasigaw naman si Maine, "Ay--!"

"Sssh! Huy! Baka akalain ng makarinig inaano na kita. Hindi pa nga ako nakakahalik ulit eh."

Sinubukan ni Maine makawala sa higpit ng yakap nito, pero nada! Mas hinigpitan pa ni Alden ang pagkakayap dito at ngayon mga braso at hita na ang nakapulupot sa balingkinitan nitong katawan.

"Aray! Taragis 'to! Pakawalan mo 'kooooo! Mamaaaaa!"

"Sorry, babe. Wala akong balak. Kaya imbes na magpapalag ka dyan, kumalma ka and hug me back na lang. Mas peaceful 'yun, noise free. Tsup lang ang maririnig."

"Tado! Puro ka kaharotan. Ngayong naka-jebs na ako, tara na. Uwi na tayo."

"Nah. Ayoko. Sayang ng bayad, good for one night 'yon. Sulitin na natin."

Biglang napatingin sa kanya si Maine, salubong ang kilay.

"At paanong susulitin? Mukha mo. Nagbibiro lang ako kanina sa bed party, ano ka! Patola 'to!"

Alden rolled over, at kinubabawan si Maine. They met gazes, bilugan ang mata ng dalaga dahil sa pagkagulat habang naniningkit naman ang kay Alden dahil ang lapad ng pagkakangiti.

"Hindi naman natin gagawin 'yon kung ayaw mo. Hihiga lang naman tayo, matutulog ng magkatabi, cuddle and spooning ganun lang."

"Sa chura mong yan? Maniwala sa cuddle lang na walang gumagapang na galamay."

Natawa si Alden ng malakas sa sinabi ng dalaga.

"Pwede pero depende.. Haha! Pero case to case basis, babe. 'Wag mo lang akong i-teased o i-provoke, susubukan kong ikalma ang boom tarat ko."

Natahimik si Maine. Biglang hinalikan naman sya ni Alden sa noo, mabilis na halik lang, sunod sa nose tip at panghuli sa mga labi.

"Pa'no sila Tetz? May bisita pa naman siya do'n, sino makakatulong niya sa pag-aasikaso?"

"Don't mind them, they can manage. Nandun naman si Mang Johny saka si manang. At saka, tinawagan ko na kanina habang nasa banyo ka. Sabi ko overnight lang tayo, dahil bawal sa bahay n'ya ang gagawin na---aray! Hahaha!"

Nahimas na lang ni Alden ang ilong niyang pinitik ni Maine dahil sa huling sinabi nito.

"Loko ka talaga! Ehn kumusta naman kahihiyan ko nun?! Baka isipin ni Tita Veron--"

Hindi na natuloy ang sasabihin pa sana ni Maine, nang tuluyan na siyang halikan ni Alden.

Isang masarap na halik, na hindi nagawang matanggihan ni Maine. Napayak siya sa katawan ng binata sa ibabaw nito, naglalaban ang mga dila nila kasabay ng marahan nilang mga ungol at tunog ng pagsipsip. Tumagal ang ganun na sakmalan nila ng limang minuto bago naghiwalay ang mga labi nila para huminga.

"Tita Veron is not that type, babe. Hindi makitid ang utak n'ya sa mga ganoong bagay. And besides, sabi n'ya, gusto na rin n'yang magka-apo."

"Apo agad? Hindi ba pwedeng unli practice muna?"

Napangisi Alden ng nakakaloko, "Unli practice pala gusto mo ah?" pagkatapos kiniliti si Maine sa tagiliran.

Nagpupumiglas naman si Maine, habang tumatawa.

"Babe! Taragis! Awat naaa!! Hahaha!"

"Okay. Eto na lang."

Nawala ang umuugong na tawa ni Maine na bumalot sa buong kwarto. Bagkus, napalitan ng palitan na ungol nilang dalawa, habang kanya-kanya silang tanggal ng saplot sa katawan. Wala ng makakapigil pa sa namumuong tensyon sa pagitan nila.

Bumangon ang hubad na si Alden at kinarga ang hubad na din na si Maine.

"S-saan mo 'ko dadalhin?"

"Sa sauna, babe. Mas mainit, mas masarap.." bulong ni Alden sa punong tenga nito, na naghatid ng kiliti sa buo nyang katawan.

Taragis! Sa sauna ba mapupunit?

Sigaw ng isip ni Maine, habang naghahalikan silang naglalakad, papuntang sauna.

***

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon