1.

3.1K 242 28
                                    

Edited: 5/27/18

***

[ALDEN]
--------------

Parang eksena sa pelikula ang nakikita ng mga mata ko ngayon. Slow motion siyang tumatakbo papalapit sa akin, which is kabaliktaran naman sa bilis ng pintig ng puso at pulso ko.

I didn't felt such crazy feelings like these before, even kay Daphnie. Parang mapupugto na ang sarili kong hininga, habang itong sikmura ay parang hinahalukay sa sobrang kaba at excitement.

Oh God... what kind of sorcery is this?

Bigla akong nawala sa mga mata ko ang pantasyang nakita ko kanina. It was lost like a popped bubbles in the air at bumalik ako bigla sa reyalidad nang maramdaman ko ang isang malakas na pitik sa tungki ng ilong ko.

"Aray! Bakit ba?" Kunot-noo kong tanong while holding my throbbing nose. Ump! Brusko.

"Tulala ka kasi. Ayan, napitik ka tuloy! Kanina pa kasi ho ako ngawa ng ngawa rito, tapos ikaw parang namaligno riyan." Untag ng babae sa akin. Naki-joyride pala siya at umalis na lang ng ganun na hindi man lang nagpapakilala, tsk! so rude.

"But it didn't give you a right para mamitik. I can sue you for that."

"Wow. Grabe ka naman sa sue, kuya. Hindi naman na-deform yang ilong mo sa ginawa ko."

Infairness, marunong sumagot. "Still. Wala kang karapatan manakit. Pero sige, papalagpasin kita ngayon at ang pagiging rude mo."

She looked at me with that knitted brows, "Rude? Ako? Paano? Eh binayaran naman kita ng sumbrero ko."

Tsk. Wag na nga lang wala akong panalo sa debatehan sa kanya.

"Wala. Kalimutan mo na. Pero ano nga ba kasi at bumalik ka?" Yun na lang ang nasabi ko, to shrugged all the things.

"Mabuti kako at naabutan pa kita. Nailaglag ko yata kasi yung limang daan ko dyan sa loob ng kotse mo. Hindi ako makakauwi sa 'min kung wala yun at wala akong pamasahe. Eh sa NLEX mo ba naman ako ibinaba. Nakakaloka ka!" Paliwanag niya at may pagtataray pa sa dulo, pero I found it cute.

Tumango-tango lang ako, "Ahh... okay." Pero ewan, para akong nahihi-hypnotize kapag tinitignan siya sa kulay kape niyang mga mata.

"Oh, tulala ka na naman?! Jusko ka! Bahala ka na nga dyan, hahanapin ko na yung pera ko."

Hayun nga, bigla siyang umalis sa harapan ko para hanapin yung limang daan niya raw na nawawala. At kulang na lang ipataob nya 'tong sasakyan ko sa paghahanap. Ugh! This woman. She's like a weird amazona.

"Ano nakita mo?"

"Tss! Wala e. Pa 'no na ako uuwi nito?" Mangiyak-iyak niyang sabi.

Awww...

"Nakarma yata ako, dahil sa pagtakbo ko mula sa mga kurimaw na yun! Lalong hindi napakinabangan tuloy yung dalawang araw na kinayod ko mula sa pagpapadyak. Kaasar! Arrrgh!!" Dagdag pa niya. At biglang tumingin sa 'kin.

"Alam kong gwapo ako, Miss. Kaya huwag mo akong tignan ng ganyan, baka matunaw ang pang-cosmo body ko." Balik banat ko sa kanya using her line kanina, para naman gumaan ang mood.

Umikot lang ang mga mata niya sa sinabi ko. Bakit lahat ng galaw nitong babaeng 'to cute sa paningin ko. Kahit yata malukot mukha nito, maganda pa rin eh.

"Salbahe ka! Linya ko 'yan eh. Huwag kang assuming. Iba kailangan ko sa 'yo." Aniya.

Na-curious naman ako. Pero trip ko siyang asarin, kaya kunwari nagtakip ako ng dibdib. "No, not my delicous pang-cosmo bohdie---Aray!"

Taena! Nakakarami na sa pananakit ang babaeng 'to ah?! Lakas manghampas! Porbida!

"Ang kapal mo kasi!"

"Ako pa talaga ang makapal ngayon? Para ipaala ko sa'yo Miss Amazona, ikaw ang nakisakay sa kotse ko, at kahit nagmamadali ako kasi pupunta ako ng Baguio, idinaan kita dito sa terminal para makabalik sa Binondo, ngayon ako pa talaga ang makapal? Iba ka!" Punto por punto ko. Nakakarami na e. Oh, di natahimik. Pero fuck that pout! Kagatin ko kaya yang mga labi na yan? Ugh!

"Sorry na. Hindi naman kasi ganun eh. Ahm, manghihiram ako sa 'yo ng pera pamasahe pauwi."

Hayan na naman yung pang-grade 2 niyang ngiti. I can't stop myself to laugh tuloy.

"Hahahaha! Aray! Isa pang hampas hahalikan na talaga kita!" Banta ko, at bigla naman siyang nagtakip ng bibig. Hahaha! silly!

"Assuming siya oh?! Bakit ko naman gagawin yun?!"

"Arrgh! Ikaw!" angal niya, at dadambahan na naman sana ako ng suntok.

"O! Kamay mo! Itatali ko talaga mga yan, hindi ako nagbibiro!"

"Ewan ko sa'yo! Kung ayaw mo 'kong pautangin, e di wag! Maglalakad na lang ako pabalik ng Binondo." Untag niya, at hahakbang na sana paalis nang hawakan ko siya sa kamay. Pero napaigtad kami pareho. Dahil sa naramdaman naming lakas ng kuryente.

"Taragis! Sakit nun ah! Sa'n galing yun?!" Reklamo niya, habang inihimas ang sariling palad, gaya ng ginagawa ko sa palad ko.

"Aba'y malay ko. Ako din kaya nakuryente."

Sandaling namayani ang katahimikan between us. Nakayuko lang siya, habang hawak pa rin ang mga kamay niya. Ako naman, nakatingin sa kanya. This girl is different. I want to know her better. Kung siya na, ayokong maging malaking 'Hu U?' lang siya sa akin.

"Sakay ka na. Sumama ka na lang sa 'kin sa Baguio." Suhestiyon ko. Kunot-noo naman siyang napatingin sa'kin.

"Huh? Bakit?"

"Wala, suggestion ko lang. Yun e, kung gusto mo. If not ayos lang din, pero hindi kita papautangin ng pera para makauwi." Oh-ha? Shoot!

Pinukol niya muna ako ng isang death glare, bago nagsalita.

"Alam mo ikaw---"

"Gwapo sana, pero ang sama ng ugali ko, ganun?" Dugtong ko sa sasabihin niya sana. Hindi ba talaga niya gets?! Jusko ang manhid naman ng isang 'to! "Bahala ka na nga diyan. Kung gusto mong sumama, sumakay ka. Kung ayaw mo, 'di simulan mo ng maglakad. Goodluck na lang sa mga sanggano sa daan." Dagdag ko pa.

"Oo na. Sasama na! Kaasar ka!" Padabog niyang sagot, saka sumunod sa 'kin papasok ng kotse. Lihim akong napangisi.

It's time to test the signs, Den, brace yourself.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon