Chapter 2 : Lost
Shannon's Point of View
"La,si Hiro po?Nasaan?"Tanong ko sa lola ni Hiro.
"Kakaalis lang kanina.Hindi ko alam kung saan nagpunta."
"Shanny!Let's go!"Aya saakin ni Kira.Balak kasi naming maglakad-lakad sa lungsod para maging pamilyar ito sa amin at para hindi kami mawala.
"Ahh ganun po ba?Sige po,alis na po kami."
"Mag-iingat kayo,Hija."
Nginitian ko na lang siya at pinuntahan na si Kira sa labas ng bahay.Dinala ko din si Wendy para makapaglakad-lakad siya."Let's go."
Tumango na lang ako at naglakad-lakad na kami sa kahit saang lugar kami mapadpad.May map kasi ng lugar na ito ang lola ni Hiro kaya pinahiram niya saamin ito para hindi kami mawala.
"Shanny oh!Dun tayo!"
Tinignan ko ang tinuro niya.Madaming nagbebenta ng pagkain dito pero hindi ko alam kung sapat ba itong pera na dala namin para pambayad.Binigyan kasi kami ng lola ni Hiro ng tig isang libo at nasa iisang wallet lang namin nilagay iyon.
"Ano po yan,kuya?"Tanong ni Kira sa nagbebenta ng mga pagkain na nakatusok sa stick.
"Fishball po tawag diyan ate."Sagot ni Kuya kay Kira na nagpatakam naman kay Kira.
"Shanny!Bili tayo!Gusto kong tikman!"Excited na excited si Kira.Kukuha na sana siya ng stick pero tinigilan ko siya.
"Kakatapos lang natin kumain.Mamaya na lang.Huwag tayong magastos."
Sabi kasi ni Hiro huwag namin gastusin yung pera na binigay kung hindi naman kailangan.Sumimangot si Kira at tumungo na lang.
Aish.Hindi ko talaga matitiis 'tong babaeng ito.
"Kuya,magkano po?"tanong ko sa nagbebenta.
"Piso dalawa po."
Mura lang pala.May limang piso ako dito kaya bumili ako ng limang piraso.Binigay ko ang lima kay Kira at lima naman din para sa akin."WAAAAH!Huhuhu,ang bait mo talaga Shanny!"Sabi ni Kira at kinain kaagad ang binigay ko sakaniya.
Wala pang tatlong minuto ay naubos na namin ito."Salamat po kuya."Sabay naming sabi at tumungo na sa susunod naming pupuntahan.
"Saan yung susunod natin na pupuntahan?"
"Uhhhmmm..."Nakalagay ang hintuturo niya sa lower lip niya habang nag-iisip ng lugar na mapupuntahan.Pareho kaming nakatingin sa mapa kaya hindi namin napansin ang dinadaanan namin.
"Aww."Daing namin nang may nakadumbuan kami na lalaki.Napaupo tuloy kami sa sahig at napalundag sa sahig si Wendy.
"Sorry po."Sabay kaming tumayo ni Kira at nagpasensya sa nakadumbuan namin.
Agad namang ibinaba ng lalaki ang sumbrero niya dahilan para hindi namin makita ang mga mata niya dahil natakpan ito ng sumbrero.Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng jacket niya at nagpatuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Princess
JugendliteraturA story about a princess who lost her memories and wants it back. But will she want it back if she knew the truth? The truth full of pain and sadness. Is her Amnesia a blessing,or a curse? My Amnesia Princess Written by Kachizuke Copyright©2017 Publ...