Chapter 27 - Problems

348 15 4
                                    

Chapter 27 : Problems

Shannon's Point of View

"Bwisit talaga 'yang Kuya mo."Inis na inis na sabi ni Kira."Alam mo bang gulat na gulat ako?Sasaksakin na sana ako ng sarili kong ilusyon!"

"Wala naman kaming nakitang ilusyon nung magkasama kami."

"Eh paanong walang makikita eh siya may pakana!"Umirap siya at inis na napatingin kay Kuya.

Tumingin naman si Kuya pabalik sakaniya at tinawanan siya.

"Psh Kira ah.Crush mo lang eh."Siniko ko si Kira na ikinamula niya.

"H-hindi kaya!M-mas matanda s-siya saakin ng ilang t-taon!"Putol-putol na sabi niya dahilan para mas mahalata ko pa na may gusto siya kay Kuya Shawn."Bakit kaya 'yon?Imbes na magtrabaho na eh nagcollege pa?"

"Psh.Gusto niya daw na protektahan ako kaya siya nag enroll sa school natin."

Hindi na siya nagsalita pa at nanahimik nalang.

Umahon na ako sa tubig at naupo sa may tabi.

"Napakapaasa talaga ng araw na 'to."

Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Ace na nagmumukmok.

"Anong ineemote mo diyan?"

Tumingin siya saakin.Blangko ang ekspresyon niya at walang kwenta ang tingin niya saakin.

"T-tinatanong kita!"Inis na sabi ko.

Bigla niya namang pinitik ang noo ko.

"A-aray!Aba't--Ba't mo ginawa 'yon?!"

"Tinitignan ko lang kung manhid ka ba o hindi."Walang ganang sabi niya.

"Hindi naman ako manhid!"Pinalo ko siya sa braso."Bawi ko 'yon!Hmp."

Tumahimik siya at tinignan lang ang iba naming kasama.

Lumipas ang ilang minuto at tahimik pa rin siya.

"B-ba't ang t-tahimik mo?"Nanghihinayang na tanong ko.

"Palagi naman akong tahimik."Hindi pa rin siya lumilingon saakin habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"H-hindi I mean...Hindi ka naman ganito pag kasama mo ako."

This time,lumingon na siya saakin.Geez.Ba't ko sinabi 'yon?!Nakakahiya!Nagmumukha kang assumera Shannon!

"Hahaha."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumawa siya.Pero biglang nawala ang ngiti sa labi niya at seryosong tumingin saakin.

Nababaliw na ba 'to?!

"Pagod lang ako.Don't mind me."

Ace's Point of View

"Pagod lang ako.Don't mind me."Humiga ako at kunwaring humikab.

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon