Chapter 15 - Feelings

377 13 6
                                        

Chapter 15 : Feelings

Shannon's Point of View

Flash back ng flash back sa isip ko yung nangyari saaming dalawa ni Ace nung gabing 'yon.

Aish Shannon!Ano ba kasing naisip mo at nagawa mo 'yon?!

Tumayo na ako at inayos ang sarili kong kama.Dumiretso na ako sa banyo para maghilamos.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at hinawakan ang labi ko.

"Aish!"Naghilamos na ako pero hindi pa rin mawala sa isip ko 'yon.

Sa dinami-dami kasi ng lalaking pwede kong mahalikan...Bakit siya pa?

Bumaba na ako kaagad at naabutan ko sila Lola na kumakain na.

"Oh Shannon,okay ka lang ba?Namumutla ka oh."Sabi ni Lola Imelda dahilan para mapahawak ako sa mukha ko.

Hindi ko alam kung namumutla ako pero alam kong mainit itong pisngi ko.

"Kakahilamos ko lang po kasi La eh."Sabi ko at umupo na sa harapan nila.

Siniko naman ako ni Kira at nginisian."Ganda ng tulog mo ah."

Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagpatuloy ng kumain.

Pagkatapos naming kumain ay umupo na ako kaagad sa sala at nagbasa ng libro.

Hayst.Walang pasok ngayon.Ang boring tuloy.

"Shanny punta lang ako sa library.Kailangan kong matapos yung thesis."Paalam ni Kira kaya tumango lang ako.

"Alis lang ako saglit."Paalam ni Hiro kaya tinignan ko siya.

"Saan punta mo?"Tanong ko.

"May pinapabili saakin si Lola."

Tumango lang ako kaya umalis na siya.

Hayst!Ang boring!Ano kayang pwedeng gawin?Wala naman kasi sila Hiro at Kira!

In-on ko yung T.V. pero wala pa ring palabas ang kumukuha sa atensyon ko.

Kanina pa ako galawa ng galaw dito sa sofa at tila paiba-iba ang posisyon ko.

Bigla akong napaupo ng maayos nang malipat ko ito sa isang channel.

Nakatutok ako sa pinapanood ko at mukhang interesadong-interesado ako sa mga susunod na pangyayari.

Biglang hinalikan nung lalaki yung babae at hinalikan naman pabalik nung babae yung lalaki.

Naalala ko tuloy yung nangyari saaming dalawa ni...Ace.

"Aish!Pati ba naman dito!"Pinatay ko na ang T.V. at padabog na inilapag ang remote sa lamesa.

Napabuntong-hininga na lang ako.
I wish that I could wake up with amnesia and forget about what happened last night!

Tumayo na ako at naisipan kong maglakad-lakad sa labas kaya nagbihis na ako.

"La!Alis muna ako."Paalam ko at naglakad na palabas.

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon