Chapter 8 : Letters
Shannon's Point of View
Naglalakad kami papunta sa school ngayon.
Tahimik lang si Hiro at maging si Kira na palaging nagdadaldal ay tahimik din.Nagkunwari akong umubo para mapansin nila ako.
"May sakit ka pa ba?"Tanong ni Kira at hinawakan kaagad ang noo at leeg ko.
"Hindi ka naman na mainit."Bulong nito."Hahaha."
"Anong nakakatawa?"Nakapout na sabi ni Kira.
"Ang tahimik niyo naman kasi.Hindi ako sanay."
Tinignan lang nila akong dalawa.
"Bakit?May problema ba?"
Umiling si Kira at tahimik nanaman kaming naglalakad.Nang makarating na kami ay dumiretso agad ako sa locker ko at kinuha ang mga kakailanganin kong libro.
Bigla namang sumulpot si Keiffer pagkasarado ko ng locker.
"Samahan na kita."Kinuha niya ang mga librong hawak ko pati na din ang bag ko at nagsimula na maglakad palayo.
Hinabol ko siya at nang makalapit na ako sakaniya ay sinundan ko lang siya sa paglalakad.
"Gusto mo din pala eh."Asar niya saakin.
"Akin na nga yan!"Kinuha ko ang libro pero inilayo niya lang ito saakin.
"Sabing ako na eh.Tignan mo,pinagtitinginan tuloy tayo."
Nang sabihin niya 'yon ay tumingin ako sa paligid.Lahat ng estudyante ay nakatingin saamin at tila inoobserbahan ang bawat galaw namin.
"Humanda ka mamaya Kei."Bulong ko sakaniya na ikinahalakhak naman niya.
"Wow...Shan and Kei.May endearment na tayo."Nginisian niya ako.Hindi ko na ito pinansin dahil pinagtitinginan na talaga kami ng mga tao.
Kung kanina ay pinagtitinginan kami,ngayon ay nagbubulungan na sila at parang may masamang balak pa silang gagawin.Nang makarating na kami sa classroom ay umalis na siya kaagad at naupo na ako sa aking upuan.
Maya-maya ay pumasok na ang teacher namin na may dalang mga papel.
Hoshit!Hindi pala ako nag exam!Patay ako niyan!
Nag-umpisa ng sabihin ng teacher namin ang mga scores sa exam.Iisa na ang ang hawak niyang papel at ako na lang ang hindi pa natatawag.Papagalitan niya talaga ako!
"And for the highest score...Ms. Shannon Ortiza,you got a perfect score."
Pinalakpakan ako ng mga kaklase ko.
Dafak?Eh hindi nga ako nag exam tapos ako pa yung highest score?!"Ms. Ortiza.What are you waiting for?"
Tumayo na ako at kinuha ang papel.Tinignan ko ito at pangalan ko nga ang nakasulat dito at perfect ko nga talaga.Pero...Hindi ko ito penmanship.
Tinignan ko sila Kira at Hiro na nagkibit-balikat lang.
Tinignan ko naman si Ace.Posible ban--Hindi!Buong araw ko siyang kasama kahapon!
BINABASA MO ANG
My Amnesia Princess
Teen FictionA story about a princess who lost her memories and wants it back. But will she want it back if she knew the truth? The truth full of pain and sadness. Is her Amnesia a blessing,or a curse? My Amnesia Princess Written by Kachizuke Copyright©2017 Publ...