Chapter 23 - Party

272 13 3
                                        

Chapter 23 : Party

Shannon's Point of View

Mamayang gabi na ang party ni Mr. Zourx.Hindi ko siya kilala,pero parang may sama ako ng loob sakaniya kahit hindi ko pa siya nakikita.

Bukas na yung start ng sembreak namin at last day na namin sa school ngayon bago mag sembreak.Maaga kaming papauwiin kaya siguro may oras pa akong maghanda sa party na iyon.

Ang pinoproblema ko lang kasi,kung paano makakatakas kay Kuya at dun sa kasambahay namin na si Aina.

Kahit na kaming tatlo lang ang nasa bahay,alam kong mahigpit ang securidad ni Kuya.Mautak din yung lalaking iyon.Dati nga nung bata pa kami hindi ako makatakas sakaniya tuwing binabalak kong lumabas sa kaharian.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang classroom ngayon.Kasama ko si Kuya na nakatingin lang ng diretso sa daan,halatang walang pakealam sa mga bulungan.

"Ang gwapo niya talaga!"

"He looks like...My future boyfriend."

"Bahay ampunan na ba itong eskwelahan na ito para sa mga gwapo?"

Pagkarating namin ay ibinigay niya na saakin ang bag ko at umalis na.Kamusta na kaya 'yon?Hindi siya umiimik masiyado ngayong araw.

Narinig kong tumili ulit yung mga babae sa labas pagkalabas ni Kuya ng room.

Umupo na ako at maya-maya naman ay dumating na yung guro namin.

"Okay class,pass your thesis."

Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang thesis pero wala naman dito.

Shatiks naman oh!Sa ganitong oras ba naman yun mawawala?!Wrong timing ka naman thesis eh!

Inalis ko na lahat ng bagay na nakalagay sa bag ko pero notebook ko lang ang nandito.

Kabadong-kabado akong tumingin sa teacher at halos lahat na ng kaklase ko ay nagpasa na.Ako na lang ata ang hinihintay.

"Ms. Ortiza,your thesis?"Nakataas ang isang kilay ni ma'am habang nakatingin saakin.

"M-ma'am...K-kasi p-po..."Kinakabahan ako.Sobra.Ganito pala yung feeling na may requirements na kailangan mong gawin pero wala kang nadala.Mas worst,ngayon ang last submission.Wrong timing naman eh!

Nakataas pa rin ang kilay ni ma'am at hinihintay ang buong sagot ko.

"K-kasi p-po---"

"KASI ANO?!"Napalakas ang boses ni ma'am.Lahat ng kaklase ko ay nakatingin saakin.Tingin na naaawa.Parang si Sir Jeff lang kasi itong si ma'am eh.Girl version ni Sir Jeff na kung magalit parang dragona.

"Ma'am nai--"Naputol ang sasabihin ko nang makita kong lumapit si Ace sa harapan ni ma'am.

"Ma'am,ito po yung thesis ni Shannon."Sabi niya na tinanggap naman ng teacher namin.She looks satisfied kaya hindi na siya nagtanong pa.

Nakita ko ang mga tingin ng mga kaklase namin.Halos lahat sila ay mukhang kinikilig.

"Good.Now everyone has passed their thesis and completed their requirements,pwede na kayong mag start ng sembreak niyo.Enjoy this sembreak dahil kung tapos na ang sembreak niyo,mas mahirap at madami ang gagawin niyo."

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon