Chapter 10 - Fieldtrip Pt. 2

376 17 0
                                        

Chapter 10 : Fieldtrip Pt. 2

Shannon's Point of View

Matarik ang daan dito sa bundok.Nadadapa nga ako paminsan-minsan eh.

"Magpahinga muna tayo."Sabi ni Keiffer kaya umupo na kami sa mga malalaking bato sa paligid.

"Nakakapagod!Idagdag niyo pa yung malamig na klima!"Pagco-complain ni Kira.Kahit na malamig ay pinagpapawisan pa rin kami.

"Huwag na nga kayong magcomplain!Complain kayo ng comp--"

Naputol ang sinasabi ni Hiro nang i-play ni Keiffer ang isang voice record.

"Kili kili ni Kylie."

Paulit-ulit itong pinakinggan ni Keiffer.Halata sa boses na si Hiro ito.

"G*go!"Natawa ako sa reaksyon ni Hiro.

"HAHAHAHAHA."Nagtawanan kaming lahat.

"Uhh...I love you,Kylie."

Sumunod naman si Hiro.Nag play siya ng voice record at halata naman sa boses na si Keiffer ito.

"Akala mo ikaw lang?WAHAHAHA!"

Binatukan ni Keiffer si Hiro at bumawi naman kaagad si Hiro.

"Humanda ka!"Sabi ni Keiffer kaya nagsimula ng tumakbo si Hiro at hinabol naman siya ni Keiffer.

"Hahahaha!"Kami naman nila Kira at Ace ay tawa ng tawa.

"Ohmygosh!Kanina pa tumatawa si Ace!Videohan mo Shanny bilis!"Sabi ni Kira habang kinukuha ang cellphone niya para i-video si Ace.

Namula si Ace at tumungo na lang.

"Aww!Wala na tuloy!"Nakapout na sabi ni Kira.

Bumalik na yung dalawa at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga itsura nila.

"Tara na!"Aya ko sakanila kaya nagpatuloy na kami ulit sa paglalakad.

Habang naglalakad ay bigla akong nadapa pero agad namang nahawakan ni Keiffer ang beywang ko.

"Okay ka lang?"Nag-aalalang tanong niya.

"Oo."

Napatingin kaming dalawa sa mga kasama namin.Lahat sila nakatitig lang saaming dalawa.

Nang makarating na kami sa tuktok ay nakahinga kami ng maluwag.Sariwang-sariwa ang hangin dito.

May mga nagbebenta ng pagkain dito.Ang mga ibang estudyante ay nakaupo at nag-uusap habang ang iba naman ay naglalakad-lakad at bumibili ng pagkain.Ang iba naman ay nagsi-swimming sa lake.

"Ohmo!Kumain muna tayo Shanny!Gutom na gutom na talaga ako!"Hinila ako ni Kira papunta sa mga nagbebenta ng pagkain.

***

Nakaupo kami ngayon sa ugat ng puno habang nakatingin sa ibang estudyante at kumakain ng sandwich.

Nakaramdam ako ng kaunting kaba nang maramdaman kong may nagmamasid saamin.
Tumingin-tingin ako sa paligid para malaman kung sino man 'yon.

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon