Chapter 28 - Volleyball

297 14 12
                                    

Chapter 28 : Volleyball

Ace's Point of View

"GISING NA!"

Nagising ako sa sigaw ni Shawn pero hindi ko 'yon pinansin at imbes na bumangon na ay ipinatong ko ang unan sa mukha ko.

"Hindi kayo gigising ah."

Ramdam ko ang paglapit niya saakin kaya agad kong hinawakan ang kamay niya at iminulat ang aking isang mata,at nanatiling pikit ang isa.

"I won't do it if I were you."Pagbabanta ko.

"Too bad you're not me."Nakangising sabi niya at agad akong kiniliti.

I tried my best to be cool at hindi tumawa.Sanay na akong makiliti pero hindi sa parteng iyon.

Bumaba ang kamay niya sa paa ko at kiniliti ito.

"SHAAAAAAAWNNNN!!!!"

Shannon's Point of View

"SHAAAAAAAWNNNN!!!!"

"Woah si Ace ba 'yon?"Takang tanong ni Krizza.

"Ngayon ko lang siyang narinig sumigaw.Yung ikinatahimik niya ibang iba sa pagkalakas ng boses niya."Sabi ni Izzy.

"Mahilig mag ganon si Kuya Shawn."

Naguguluhang tumingin ang magkapatid saakin at tila naguguluhan sa sinabi ko.

"Mahilig siyang mangiliti lalo na't pag hindi ka sumunod sa gusto niya."Sabi ni Kira.

Sus alam na alam.Palibhasa dati kahit gustong gusto niyang gawin yung mga pinapagawa ni Kuya Shawn sakaniya eh nagpapakipot pa siya para lang makiliti siya ni Kuya Shawn haha.

"Ahhhh Hahahaha."Natatawang sabi ng magkapatid.

Mahahalata mo nga na magkapatid sila.Ang pinagkaiba lang nila ay ang ugali nila.Si Izzy ay inosente at mabait tignan habang si Krizza naman ay tahimik at masungit tignan pero pag nakilala mo na siya ay mas lalo siyang dumadaldal kagaya ng kapatid niya.

"Sa mukha ni Kuya Ace mukhang hindi siya nakikiliti.Pero lahat ng tao may kiliti,saan kaya yung sakaniya?"Tanong ni Izzy.

"Malay mo sa sword of glory niya."Natatawang sabi ni Krizza na tila kaming tatlo lang nila Kira ang nakagets kaya nakitawa na din kami sakaniya.

"Huh?Sword of glory?Ano 'yon?"

As expected.Inosenteng inosente nga siya.Ilayo niyo siya saakin kung ayaw niyong madumihan ang utak niya!Haha.

"Yun yung panglaban ng mga lalaki,Izzy."Natatawang sabi ni Kira.

Pinipigilan kong tumawa dahil yung mukha ni Izzy mukhang naguguluhan talaga.

"Ah it makes sense.Sword of glory nga."Nakangiting sabi ni Izzy.

No Izzy,it doesn't make sense at all.Bakit ito tinawag na sword of glory eh hindi naman ito patusok.Ohmy yung kainosentehan niya.

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon