Chapter 12 - Friends

335 18 1
                                    

Chapter 12 : Friends

Shannon's Point of View

Nakaupo ako sa upuan malapit sa hospital bed nila Kira.Wala pa rin silang malay.It's been three days.

"Mapapatay ko talaga kung sino man ang may gawa nito."Bulong ko sa sarili ko.

Biglang bumukas ang pinto.Pumasok si Ace na may dalang pagkain.

"Don't starve yourself."Sabi niya habang inilalagay ang pagkain sa coffee table.

"Wala akong gana."

Sinamaan niya ako ng tingin at lumapit saakin.Binatukan niya ako.

"Aray ko naman po!"Daing ko."Para saan 'yon ha?!"Naiinis kong sabi habang hawak hawak ang parteng binatukan niya.

"Tss...Para sa katangahan mo."

"Makatanga ka naman ah?!"Naiinis na sabi ko sakaniya.Makatanga naman kasi itong mokong na 'to!

Tumawa lang siya at umupo sa upuan malapit saakin.

"Pag hindi ka kumain..."

"Ano?Pag hindi ako kumain anong mangyayari saakin?"Nakataas ang isang kilay ko habang nakacross naman ang arms ko.

"Kakainin kita."Nakangising sabi niya.

"Sus parang kumakain ka naman ng ta--"Natigilan ako nang unti-unti siyang lumapit saakin.

"Huy Ace ano bang ginagawa mo?!Lumayo ka nga!"Magkalapit na ang mukha namin at isang maling galaw lang ay mahahalikan niya na ako.

Umiinit na ang pisngi ko at sumisikip ang paghinga ko.Ang bilis ng tibok ng puso ko na parang may tumatakbong kabayo dito.

Ito nanaman yung feeling...Ano ba kasing feeling to?!

"Kumain ka na bago pa kita makain."Unti-unti siyang lumayo at nginitian ako.

Tss.Sana uminom nalang siya ng alak para ganyan din yung sitwasyon niya kila Kira.Hayst!

Kinuha ko na ang pagkain na dinala niya at inumpisahan ng kainin ito.

Waaah!Ang sarap!Siya ba nagluto nito?O baka naman si Ate Rain.

"Shannon."

Ano ba naman itong lalaking 'to!Kumakain na nga eh istorbo!Ano pa bang kailangan niya?

"Oh?"Inis kong tanong.

Tinignan niya lang ako at hindi sumagot.

"Tss.Kung wala ka naman palang sasab--"

Natigilan ako nang bigla niyang punasan ang gilid ng labi ko gamit ang panyong hawak niya.

Natigilan ako sandali.

"O?Tapos ka na ba?"Tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at bumalik na sa pag kain.

Biglang may kumatok ng pinto dahilan para tumingin kaming dalawa sa pinto.

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon