Chapter 16 - Heartbreaks

364 15 0
                                    

Chapter 16 : Heartbreaks

Hiro's Point of View

Andito kami ngayon sa Park.Si Shannon,si Kira,at ako.Kakatapos lang kasi naming magsimba at naisipan ni Kira na gumala.Masyado na daw kaming busy nang dahil sa pagrereview namin sa Math Quiz Bee kaya hindi na namin nabibigyan ng oras si Shannon.

Matalino naman si Shannon.Siya nga dapat yung Science and Araling Panlipunan Quiz Bee participant pero tinurn-down niya yung offer.Hindi ko alam kung bakit.Pag siya yung ico-contest siya agad yung first place.Panatag nga yung mga teachers sakaniya eh.Palagi siyang nakakakuha ng perfect sa quiz,activities,o kaya'y sa exam.Wala pa siyang wrong ni isa.

That's one thing I liked about her.She's smart.But the thing I liked about her the best is her personality.She's sweet and friendly.She's innocently sexy.She's unique from the other girls I met.She's different...

Simula bata pa kami ay nagustuhan ko na siya.Simula una pa naming pagkakakilala.

Pero dumistansya muna ako sakaniya nung nalaman kong mahal niya si Kairo...Yung pinsan ko.

Bigla ko nalang nalaman na sila na.Na may relasyon na sila.Kaya dumistansya ako,kasi ayaw kong sirain ang kasiyahan nila,para lang sa kasiyahan ko.

Oo,malungkot ako.Pero pag nakikita ko siyang nakangiti,mawawala lahat ng lungkot ko.Kaya mas pinili kong ipaubaya nalang siya kay Kairo.

"Ohy Hiro!Ano nanamang iniisip mo?Tulala ka nanaman oh."Sabi ng madaldal kong pinsan.

"Panira ka talaga."

"Sus!Alam ko namang si Shannon yung ini-imagine mo eh."Sabi niya habang nakatingin kay Shannon.Bumibili si Shannon ng ice cream habang kami naman ay nakaupo sa damuhan.

"Gustuhin ko mang magkatuluyan kayo,mukhang malabo eh."

Sinamaan ko siya ng tingin.Pinsan ko siya,dapat pagaanin niya man lang yung loob ko.

"Mukhang may pagtingin na siya kay Ace."

Parang milyon-milyong kutsilyo ang sumaksak sa puso ko nang sabihin niya iyon.

"Ang torpe mo naman kasi eh.Ayan tuloy,naunahan ka na ng iba."

Babatukan ko na sana siya nang biglang dumating si Shannon.

Umupo siya sa pagitan naming dalawa ni Kira at ibinigay ang ice cream.

"Tumigil na nga kayong dalawa.Nag-aaway nanaman kayo."Nakangiti niyang sabi.

Napangiti ako.Nakakahawa yung mga ngiti niya.Sana naman...Ako yung dahilan ng mga ngiti niyang iyon.

Pero hanggang sana na lang ako.

"Oh Hiro?Ba't tulala ka?"Tanong ni Shannon.

Umiling lang ako at nginitian siya.Ginulo-gulo niya naman yung buhok ko at nginitian ako.

"Ngumiti ka nga.Mas bagay mo."

Paano ako ngingiti,kung alam kong may mahal kang iba.Yung taong minahal ko simula pagkabata hanggang ngayon,eh may mahal na iba.

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon