Chapter 22 : Moving on?
Hiro's Point of View
Naglalakad na kaming dalawa ni Kira papuntang school ngayon.
"Uhy,miss ko na si Shannon."Nakapout na sabi niya.
"Makikita mo naman siya mamaya."
"Eh sa miss ko na siyang kasama sa kwarto.Hmp!"Nagcross-arms siya."Paniguradong ang ganda ng buhay niya doon."
Hindi nalang ako sumagot at maya-maya ay nakarating na din kami.
"Kilala mo ba yung lalaking pogi na kasama ni Shannon kahapon?"
"Boyfriend niya ata 'yon?"
"Kung prinsesa siya,eh ano naman yung lalaki?Baka prinsipe?Ohmygod!"
Tsk tsk tsk.Hindi talaga nila alam ang mga pinagsasabi nila.
Pumasok na kami sa classroom at umupo nalang ako sa upuan ko habang nagbabasa ng libro.
Wala pa si Shannon...
Aish!Aral muna diba?!Ba't mo ba hinahanap 'yon?Palibhasa ang aga aga mong pumasok!
Tss..Buti nga ang aga aga kong pumasok pero ang tagal namang mag move-on.
Maya maya naman ay dumating na si Shannon na hinatid ni Shawn papunta dito.
"Yow!"Bati agad ni Kira sakaniya.Nagsimula na silang mag-usap pero andito pa rin ako na nagmumukhang tanga na nakatingin sakanila.
Napatingin ako kay Ace na nakatingin kay Shannon.
Psh.Hindi man niya sabihin ay halata na mahal niya.Inlove na inlove ang loko tingin niya palang kay Shannon.
Isinalpak ko na ang earphones ko at nagbasa ng textbooks.Baka magpaquiz nanaman yung teachers namin about sa lessons namin kahapon.
Maya maya ay dumating na ang teacher at tama nga ang hinala ko na mag ki-quiz kami ngayon.
Quiz
Discuss
Next subject...
Pumunta na ako sa locker ko para ibahin ang libro.Nakasalubungan ko si Sir Demogorgon.
"Hiro!"Tawag niya saakin.
"Po?"Magalang na tanong ko.
"Pwede bang ibigay mo ang mga librong ito sa SSG Room?"Tumango naman ako at kinuha ang mga librong hawak niya.
"Salamat."Sabi niya at naglakad na ako papuntang SSG Room.
"Ops teka teka!"Panghaharang saakin ni Kira na kasama ngayon si Shannon.
"Ano?"Walang ganang tanong ko.
"Saan ka pupunta?Nakakalimutan mo na bang dito ang daan sa susunod na klase natin?"
"Tss.May inutos lang saakin si Sir Demogorgon.Ibigay ko daw 'tong mga libro sa SSG Room."
BINABASA MO ANG
My Amnesia Princess
JugendliteraturA story about a princess who lost her memories and wants it back. But will she want it back if she knew the truth? The truth full of pain and sadness. Is her Amnesia a blessing,or a curse? My Amnesia Princess Written by Kachizuke Copyright©2017 Publ...
