Chapter 33 - Secret Groups

169 10 0
                                    

Chapter 33 : Secret Groups

Shannon's Point of View

"Wala na bang naiwan?"Tanong ni Kuya Shawn.

"Iwan niyo na itong unggoy na ito.Baka maextinct pa ang mga lahi nila pag sinama natin siya."Pang-aasar ni Keiffer kay Kira.

"Ulul mo.F U!"Sabi ni Kira habang nakamiddle finger pa.

"That word is not in the bible.Bad yan."Sabi ni Keiffer.

"Shawn ipaandar mo na nga yung kotse!Nakakabanas 'tong baklang ito!"

Agad namang pinaandar ni Kuya ang kotse kaya inilagay ko na ang earphones ko at nakinig nalang sa music kaysa naman sa makinig sa pagtatalo ng dalawa.

Pauwi na kami.Malapit nanaman ang pasukan.Thesis there thesis here thesis everywhere!


Sa gitna ng pagbabyahe ay may nagtext saakin.Isang unknown number.

From : 09** *** ****

Hindi pa tapos ang lahat.Mag-uumpisa palang.

Kaninong number kaya ito?Anong ibig niyang sabihin sa hindi pa tapos ang lahat?

Tumingin ako sa paligid ko at lahat sila ay tulog maliban kay Kuya na nagdadrive.Pagkatingin ko sa rear-view mirror ay nakita ko ang mga mata ni Kuya na nakatingin saakin.

"Something wrong?"Tanong niya.

Sasabihin ko ba sakaniya?

"Nothing."

Ipinikit ko ang mata ko para makatulog pero hindi talaga ako makatulog.Nanatili nalang akong gising habang nakikinig sa music hanggang sa makauwi na kami.

Sa bahay muna namin silang nanatili lahat dahil maaga pa naman.Nandito kami ngayon sa sala na nagkekwentuhan.

"Next week na mag i start ang second semester."Banggit ni Krizza.

"Stress nanaman."Sabi ni Kira.

Natawa naman ako dahil bago pa kami pumasok sa University ay excited na excited siya.Pero ngayon ay parang wala na siyang pakealam.

"Papasok ka pa ba next sem Shawn?"Tanong ni Keiffer kay Kuya.

"Hindi na.Madami pa akong trabaho na aasikasuhin."Sagot ni Kuya."Pero may uutusan akong magbabantay kay Shannon."

"Sino naman?"Agad na tanong ko pagkasabi niya non.

"Just someone."Sagot niya na ikinangiwi ko.

"Gusto kong bumalik sa resort na 'yon!"Sabi ni Kira.

"Sabi ko na nga bang iwan na natin siya doon eh.Miss niya na mga kalahi niya."Asar ni Keiffer.

"Shut up ka nalang!Hmp!"

Hindi talaga mawala ang pag-aasaran ng dalawang ito.Nafefeel ko na na silang dalawa yung magkakatuluyan at mafa-fall sa isa't isa.

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon