Chapter 26 - Island

329 19 12
                                    

Chapter 26 : Island

Ace's Point of View

Umahon na ako sa tubig nang mapagod na akong maglaro-laro dito.

"Oyst Ace!Pagod agad?Paano na kaya pag Honeymoon niyo ni Shannon,R.I.P ka na?"Natatawang sabi ni Keiffer habang naglalakad palapit saakin.

"Ulol."Nakangiting sabi ko.

Umupo siya sa tabi ko at sabay naming pinanood ang mga kasama naming naglalaro sa tubig.

"Ba't di mo samahan si Shannon?"Tanong ni Keiffer saakin.

"Alam mo namang nandito yung P.O.K niya."

Tumigil kami saglit.

"Possessive Overprotective Kuya."Sabay naming sabi na ikinahalakhak naman naming dalawa.

"So totoo nga yung mga kinuwento mo saakin na tungkol sa Kuya niya."Nakangiting sabi ni Keiffer.

"Kailan pa ako nagsinungaling?"Sabi ko.

Natahimik siya bigla.

"You know...You're actually lying to Shannon right now,aren't you?"Seryosong sabi niya na ikinatahimik ko.

"That's not lying,That's pretending."

"Pretending.IS.Lying."Pagdidiin niya sa mga sinasabi niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin sa dagat.

"Guys!Let's go!"Sigaw ni Kira habang nakaturo sa Yacht.

Nagkatinginan kami ni Keiffer.Nagtataka kung saan kami pupunta.

"Ace!"

Biglang nag slow motion ang paligid ko nang marinig ko ang boses niya.

Unti-unti akong tumingin sakaniya at daig pa ng puso ko ang nagkakarera na mga race car sa bilis ng tibok nito nang makita ko ang ngiti niya.

Lumapit siya saakin at nginitian ako.

"Let's go?"

Shannon...

Tumingin ako kay Keiffer na nakangisi saakin at sinenyasan ako na mauna na siya sa Yacht.

"U-uhh sure."Nakangiting sabi ko at sabay na kaming pumunta sa Yacht.

"WOOOH!Naalala ko nanaman yung tumakas tayo sa kaharian."Sabi ni Kira na ikinatahimik ng lahat.

"Kaharian?"Naguguluhang tanong ni Krizza.

"Ehem."Kunwaring ubo ni Hiro.

"U-uhh.Haha!Kaharian,I mean bahay nila Shannon.Mayaman kasi sila Shanny at kasinlaki ng isang kaharian ang bahay nila kaya kaharian ang tawag ko sa mansyon nila Shanny,hehe!"Pilit na ngiti ni Kira.

"Ba't kayo tumakas sa bahay nila Shannon?"Nakataas ang isang kilay na tanong ni Krizza.

"Ano kasi...Ayaw palabasin ng parents ni Shannon si Shanny kaya tumakas kami para makapaglaro."Sagot ni Kira.

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon