Chapter 7 - Sick

405 20 1
                                    

Chapter 7 : Sick

Shannon's Point of View

Kakagising ko lang pero hindi ako makabangon sa pagkakahiga ko.Masakit ang ulo ko at mainit ang buong katawan ko.

"Shanny!7:15 na!Wala ka bang balak gumising?!"Sigaw ni Kira.

"Gigising ka o bubuhusan kita ng malamig na tubig?!"

Hindi ko pa iminumulat ang mga mata ko.Wala akong lakas at nanghihina ako.

"Aish!Shanny naman gumisi--"Natigilan siya nang hawakan niya ang braso ko.

"Syet Shanny mainit ka!"Ang lakas naman niyang sumigaw.Nakakasakit ng ulo.

Bigla namang bumukas yung pinto.Isa pa 'tong si Hiro eh,magbubukas na nga lang ng pinto ang lakas-lakas pa.Halos magiba na yung pinto sa pagbukas niya.

Pagkapasok na pagkapasok ni Hiro ay hinawakan niya agad ang noo at leeg ko.

"May sakit siya."Mahinahon niyang sabi.

"Kira mauna ka na sa school."Sabi ni Hiro at umupo sa tabi ko.

"Ha?!Eh paano ka?May pasok tayo ngayon,tsaka may exam pa."

"Aalagaan ko si Shannon."Tumayo na si Hiro at bubuksan na sana ang pinto nang inunahan siya ni Lola Imelda.

"Pumasok ka na.Ako na ang mag-aalaga kay Shannon."May dala-dalang siyang palanggana na may tubig at lumapit saakin.Nilagyan niya ng face towel ang noo ko."Anong pang ginagawa niyo dito?Pumasok na kayo bago pa kayo ma late."

Nauna na si Kira pero nanatili pa rin si Hiro.

"La,sigurado po ba ka--"

"Sige na,mauna ka na.Anong oras na."

Umalis na si Hiro kaya kaming dalawa nalang ni Lola dito.

"Kamusta na yung pakiramdam mo,Hija?"

"Tulog at pahinga lang po siguro ang kailangan ko,La."

"Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka o sumasama yung pakiramdam mo."

"Sige po."

Tumango na lang siya at umalis na ng kwarto.

May exam pa naman kami ngayon.Baka bumagsak ako.Sumasakit yung ulo ko tuwing iniisip ko yang mga bagay na yan kaya mas mabuti pang matulog na lang ako.

***

Nagising ako dahil sa naririnig kong mga tunog.May naaamoy din akong pagkain na niluluto.

"La!"Tawag ko kay Lola pero hindi siya sumasagot.
Paulit-ulit ko siyang tinawag pero wala pa rin.

May nakita akong note sa pintuan kaya kinuha ko ito at binasa.

Hija,pupunta muna akong palengke.

Kahit nanghihina pa rin ang katawan ko ay pinili kong maglakad at kumuha ng kahit anong armas.Kinuha ko yung hanger na nakasabit at dahan-dahang lumabas ng kwarto.

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon