Chapter 5 : Project
Shannon's Point of View
Iminulat ko ang aking mga mata at tinignan kung buhay pa ako.
Teka lang...Bakit?Akala ko ba nakuha ako ng mga lalaking 'yon?Bakit andito ako sa kwarto?
Tumingin ako sa gilid at nandon si Kira na mahimbing na natutulog.Tumayo ako at dumiretso sa banyo para maghilamos pero nang makatingin ako sa salamin ay may band-aid sa pisngi ko.
Inalis ko ito at may nakita akong pasa."A-aray."Daing ko nang hawakan ko ang pisngi ko.
Teka lang...Naguguluhan ako.Panaginip lang ba yung nangyari saakin?Pero bakit andito ako ngayon sa kwarto?Hindi ba dapat patay na ako?Kung panaginip nga ito bakit may pasa ako sa pisngi ko?
"AISH!"I shouted in frustration at ginulo-gulo yung buhok ko.
"Is something wrong?"Tanong ni Kira na kakagising lang at hinahaplos-haplos ang mga mata niya.
Umayos ako ng tayo at umiling.
Tinaasan niya ako ng kilay kaya napabuntong-hininga na lang ako at nagbihis na.
"Oh Hija,kumain ka muna."
Tumango na lang ako at umupo na.Dumating naman si Hiro na naka uniform na at pinupunasan pa ang basa niyang buhok.
"Hiro?"
"Hmm?"
"May pinuntahan ba ako kagabi?"Tanong ko.
Tumigil siya sa pagkain at tinignan ako.
"Wala."Maikling sagot nito at nagpatuloy ulit sa pagkain.
Dumating naman na si Kira at umupo sa tabi ko nang hindi umiimik.
Alam kong alam nila na may pinuntahan ako.Pero bakit kailangan pa nilang magsinungaling?
***
Andito ako ngayon sa harap ng locker ko habang kinukuha ang mga libro na kakailanganin ko sa susunod na klase ko.Nang makuha ko na ang libro ko sa History ay may nakita akong note na nakaipit dito.
'Are you ready to know the truth?Or are you ready to endure the pain of lies?'Ang nakasulat dito.
What?What does this mean?Lies?Truth?
"May problema ba?"Tanong ni Keiffer kaya muntikan na akong napasigaw sa biglaan niyang pagsulpot sa harapan ko.
"Naks...May love letter siya oh."Sabi niya at inagaw agad saakin ang papel.
"Can I borrow this?I'll give it back to you later?"Sabi niya at nagmamadaling umalis.
Kokontra pa sana ako pero huli na nang makalayo na siya.Madami pa namang estudyante kaya hindi ko na sasayangin oras ko sa paghabol sakaniya.
Pumunta na ako sa room at umupo sa upuan ko.Agad namang dumating ang teacher na may dala-dalang box.
"Goodmorning class."Bati nito pero wala man lang nag-abalang bumati pabalik.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Princess
Teen FictionA story about a princess who lost her memories and wants it back. But will she want it back if she knew the truth? The truth full of pain and sadness. Is her Amnesia a blessing,or a curse? My Amnesia Princess Written by Kachizuke Copyright©2017 Publ...