Chapter 11 - Prom Night

382 19 0
                                    

Chapter 11 : Prom Night

Shannon's Point of View

Isang linggo na ang nakalipas simula nung fieldtrip namin.Busy na ulit ang lahat ng estudyante.
Magsisimula na ang susunod naming klase kaya pumunta na ako sa locker ko para magpalit ng libro.

Huminga ako ng malalim.Baka meron nanamang letter na nakaipit.

Binuksan ko ito at tama nga ang hinala ko.Kinuha ko agad ang letter.Tinignan ko ang simbolo nito ngunit kakaiba ang simbolo nito.Hindi na crown ngayon ang simbolo kungdi isang espada.Binuksan ko ito at binasa.

February 8, 2015.8:00 PM.Don't drink.

Huh?I guess this is another order.Pero...Bakit kakaiba yung simbolo at parang binabalaan ako?

Tumingin-tingin na ako sa paligid.Walang masyadong tao dahil malapit ng mag time.Ibinalik ko na ang letter sa locker at dumiretso na sa susunod na subject.

Kasabay kong pumasok ang teacher.Umupo na ako at nakinig sa anumang sasabihin niya.Kahit na nandiyan na yung teacher ay maingay pa rin ang klase at ayaw tumigil sa pagdadaldal ng iba.

"*ehem*Class...May I have your attention please."Mahinahon na sabi ng teacher.

Tumigil ang lahat at nakinig na sa teacher.

"This Friday night,we will be having our Prom Night.Please wear a formal attire.Come here at 7:30 PM."Nagsigawan naman ang mga estudyante.Sa pagkakaalam ko ay parang ball din 'tong Prom.

***

Nandito ako ngayon sa rooftop ng school.Free time namin ngayon.Nasa library sila Kira at Hiro.Humiga ako at ginawang unan ang bag ko.

Pinagmasdan ko ang letter na nakaipit kanina sa locker ko.

Yung simbolo...Espada.Hindi ito pamilyar saakin.Kakampi ba ito o kalaban?

February 8, 2015.8:00 P.M.Don't drink.

Anong ibig sabihin non?Ibig sabihin ba pati tubig hindi ako pwedeng uminom?Are they trying to kill me through dehydration?

February 8, 2015?Friday yun diba?And that's the date of the Prom.

Ipinikit ko ang aking mga mata at lumanghap ng sariwang hangin nang may narinig akong hakbang ng paa papunta dito.

"That's my spot."Rinig kong sabi nito.Boses ito ni Ace.

Iminulat ko ang aking mga mata at tinignan siya.

"I came here first."Sabi ko.

"Tss."Dumistansya siya ng kaunti saakin atsaka humiga.

"Pupunta ka ba sa Prom?"Tanong ko sakaniya.

"Yeah."Maikli niyang sagot.

Knowing him.He's not even a party person.

Napabuntong-hininga na lang ako at ipinikit ang aking mga mata hanggang sa makatulog ako.

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon