Chapter 24 - Unexpected

273 17 11
                                    

Chapter 24 : Unexpected

Shannon's Point of View

Nagulat ako sa nakita ko.Kakilala ko ito,taong malapit saakin.

"Hello everyone.I hope you're having a splendid night.We,people from the business world should enjoy this night.Toast!"

Itinaas niya ang baso ng wine na ginaya din naman ng ibang bisita.

"TOAST!"

"I'll just go to the restroom."Paalam ko.

"Sarado lahat ng restroom dito sa first floor.Doon ka na lang sa second floor.I'll come with you."Sabi niya.

"No thanks,I'll go by myself."

Kahit na sinabi ko 'yon ay parang nag aalinlang pa rin ang kaniyang mukha.

Hindi ko na siya pinansin at naglakad na papuntang second floor.

Nang makapasok ako sa restroom ay may nakita akong babaeng nakahandusay sa sahig na duguan.

What the eff?!

Lumabas ako bago pa man ako masuka sa masalansang na amoy.

Walang masiyadong tao dito sa second floor.Tahimik,nakakabinging katahimikan.

Nagmadali akong maglakad pabalik kay Shina pero sa kamalas-malasan ko naman ay may nadumbo ako.

"Sorry."Sabay naming sabi.

Yung boses.Pamilyar saakin.Sigurado akong siya 'yon.Siya na business partner ni Mr. Zourx at yung nagsalita sa harap ng madaming tao kanina.

"Shannon?"Tanong niya."What are you doing here?"

"I came with my friend."Nakangiting sabi ko.

Nginitian niya ako pero napansin kong unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi.

Parang may nakita siyang masama.Nagdikitan ang kilay niya na para bang may nakita sa likuran ko.

"Ate Rain,bakit?"

"Let's go."Sabi niya at hinila ang kamay ko.

"P-po?!Bakit po?!"Kailangan ko talagang isigaw dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo namin.

Hindi niya ako sinagot kaya ako na mismo ang tumingin sa likuran.

Muntikan nang nalaglag ang panga ko nang may nakita akong taong nakamaskara at may hawak na kutsilyong duguan.

Siya ba yung pumatay sa babae sa restroom?

Nakababa na kami agad sa first floor.Imbes na music sa speaker na napakalakas kagaya ng ibang party ay dito naman ay orchestra.Kaya walang naririnig sa second floor.

Tinignan ko ulit ang likuran ko pero wala na don ang lalaki.

"Shannon,go back to your friend and go home immediately!"Sabi ni Ate Rain at nagmadali ng umalis.

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon