Chapter 29 - Mutual

259 16 2
                                        

Chapter 29 : Mutual

Ace's Point of View

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot saamin nang sabihin ko iyon.

Tuwing titignan ko siya ay iiwas siya pero tuwing titingin ako sa malayo ay tititigan niya ako.Hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na't ako ang nag umpisa ng katahimikang ito.Gusto ko sanang sabihin sakaniya na nagseselos talaga ako sa lalaking 'yon pero ano ba naman ang karapatan ko?Kaibigan niya lang naman ako.

Kaya lang naman ako ginanahang maglaro kanina kasi gusto kong makabawi dahil sinaktan nila ang taong mahal ko.

"S-sorry."

Ngunit nanatili pa rin siyang walang imik.Napansin ko na namumula siya at lunok ng lunok.

Gusto ko sana siyang asarin sa namumula niyang mukha ngunit baka mas lalo siyang magalit saakin.

"S-shannon--"

"Okay lang."Sabi niya ngunit hindi ko alam kung sinsero ang pagkakasabi niya dahil nakatingin lang siya sa sahig.

"Ha ha!Oo nga no?Kaibigan mo lang pala ako kaya wala akong karapatang magselos."

I hope this works.

Tumayo ako at kunwaring aalis na nang hawakan niya ang kamay ko at iniback-hug ako.

"Sorry."Rinig kong sabi niya.

Hindi ko na kayang mag galit galitan sakaniya!Aish napaka oa mo namang mag acting Ace!Para kang bakla naknampuka.

Pero hindi.Gusto kong makita kung anong susunod na gagawin niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at aalisin na sana ito sa pagkakayakap nang hinigpitan niya pa ang yakap niya.

Hindi pa kami pero bakit ganito?Kahit alam niyang ako ang mali bakit ganito?Hayst Shannon...You're making me fall in love with you more.

"M-may karapatan ka namang mag.....S-selos."

Kahit nasa likuran ko siya ay ramdam ko pa rin ang pagkahiya niya.

"W-wala akong karapatang mags--"

"Meron dahil mahal din kita!"

Natigilan ako sa sinabi niya.Hindi ko aasahang sasabihin niya iyon.

Gusto kong sumigaw sa pagkakilig pero baka maturn-off siya at hindi niya na ituloy ang pagkagusto niya saakin dahil baka mapagkamalan niya akong bakla haha!

"Ulitin mo nga yung sinabi mo.Hindi ko masyadong narinig eh."

"Hmp ayoko!Kahit narinig mo naman n--"

Hindi ko siya pinatapos magsalita dahil humarap ako sakaniya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit.

"So...Tayo na?"Paasar na tanong ko.

"H-hindi no!Hmp!Manligaw ka muna."Nahihiyang sabi niya habang nakatingin sa gilid.

"Gusto mo naman."Asar ko sakaniya.

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon