Chapter 3 - Kaizo University

557 24 1
                                    

Chapter 3 : Kaizo University

Shannon's Point of View

Pagkagising ko ay wala na si Kira sa higaan.
Nagtataka ako kasi ako palagi yung unang nagigising.
Tumayo na ako at naghilamos.

"Good Morning po."Bati ko sa lola ni Hiro.

"Oh Hija.Kumain ka na."

Umupo na ako at nagsimula ng kumain.
Nasaan kaya sila Hiro at Kira?

"Nasaan po yung magpinsan La?"

"Si Hiro tulog pa.Si Kira naman ay nagpaalam na pupunta daw sa palengke para tulungan ako sa mga kailangan kong bilihin."

Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

"Good Morning."Bati ko kay Hiro nang makaupo siya.

"Morning."Maikling sagot nito.

Maya-maya ay dumating na si Kira dala ang mga pinamili niya.

"Eto na po La."Sabi niya habang inilalapag sa lamesa ang mga pinamili at inilalagay sa lalagyanan.

"Salamat Hija."

Sinong mabait na espiritu kaya ang sumanib dito kay Kira?Ba't naisipan niyang tumulong?Ang tamad kaya ng babaeng 'yan.

Umupo naman siya sa tabi ko at nginitian ako.
Anong meron dito?Good mood ata.

"Ba't ganyan ka makatingin?"Naiilang kong tanong sakaniya.

"Excited na akong pumasok!"Masiglang sagot niya.

"Pumasok?"

"Diba La?Mag-aaral po kami?"Paniniguro ni Kira.

Umupo naman si Lola sa tabi ni Hiro.

"Nakalimutan ko pa lang sabihin sa iyo Hija.Kailangan niyong mag-aral at mamaya ay mag e-enroll kayo."Pagpapaliwanag nito.

Tinignan ko naman si Hiro na tahimik na kumakain.

"Po?"Naguguluhan pa rin ako.

"Ano ka ba Shanny!Exciting kaya 'to!"Psh.Halata naman na excited 'tong babaeng 'to.

Tumango na lang ako at inilagay sa lababo ang pinagkainan ko.

***

"Shanny!Bilisan mo nga!Ang bagal mo talagang kumilos."Pagmamadali ni Kira.

Tss.Konti na lang ay mababatukan ko na itong babaeng 'to.Nang dahil sa pagkaexcite ay palagi niya na akong minamadali.

"Ayan na nga oh!"Padabog akong bumaba at isinuot ang sapatos ko.

Pagkatayo ko ay bigla akong hinila ni Kira papalabas.

"Shatiks naman Kira oh!Dahan-dahan lang."Inis kong sabi.

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon